Weapon XC Rims

Itong Weapon XC rims, medyo iba ito sa Weapon Tubeless Ready rims.

Mas mura ito.

Pero sa tibay, ganun pa din, maganda pa din ang kalidad. Ewan ko na lang talaga kung may kukuha pa ng generic alloy rims dahil dito. Kung alam mo naman na may Weapon rims o di kaya Weinmann rims, mas maganda talaga na ito na lang ang kunin mo kesa bumili ka ng generic lang na alloy rims na unbranded o nilagyan lang ng decals.

Sa Weapon XC rims, may tatlong series ito na mapagpipilian. Magkakaiba lang ng rim width, para sa ibat ibang application na din at preference ng rider kung anong klase o lapad ng tires ang gagawin nya na setup sa MTB nya.

Sa Weapon XC Rims naman:

Weapon W rims series

Height: 18.7mm and Outer Width 22.5mm

Available in 32 holes and 36 holes.

Weapon Shield rims Series

Height: 18 and outer Width : 25mm

Available in 32 holes and 36 holes.

Weapon Aegis rim Series

Height: 20 and outer width : 30mm

Available in 32 holes and 36 holes.

Ang kagandahan nito, available pa sa 32 holes at 36 holes. Meron na din pang 26er, hindi lang pang 27.5 at 29er.

Weapon Aegis rims na ang pinakamahal dyan. Estimated retail daw nun ay P900 pair na. Grabe, sobrang mura. Yung Weapon Shield di ko pa alam ang estimated price, pero yung Weapon W rims ay may estimated na retail price around P750-800 daw per pair na din. Yun na ang pinakamura.

Hindi naman siguro magkakalituhan sa naming ng rims si Weapon. Kasi yung Weapon Tubeless Ready rims ay may Aegis at Shield na dun e, pero syempre may TR sa dulo yun.

Ang mura nito grabe, sana maging available sa madaming bike shops para mas madaming kapadyak ang makabili.


Update

Ito yung list ng mga dealers kung saan makakabili ka ng Weapon XC rims:

  • LJ  Bike Shop – Bulacan
  • Cycle Art – Quiapo
  • RCPL – Santiago, Isabela
  • Merlan Bicycle – Pedro Gil, Paco, Manila
  • TREK World – Cotabato
  • C.E.F.K. – Candon, Ilocos Sur
  • Matammu – Tuguegarao
  • Bicycle World – Pasay
  • Cerdena – Bataan
  • Papadyak – Las Pinas
  • Caloy’s Bike Shop – Bustos, Bulacan
  • Abe Bike Shop – M.H. del Pilar, Paniqui, Tarlac
  • RK Bikes – Taguig City
  • GC Cyclist – Quiapo
  • L&A – Talavera, Nueva Ecija
  • Luz Bike Shop – Cavite
  • JVR Bike Shop – Mindoro

Comments

9 responses to “Weapon XC Rims”

  1. sana meron mas malapad pa.

  2. Sidney Avatar
    Sidney

    Idol, natatanggal po ba decals nung weapon rims?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      oo, natatanggal

  3. Mark Lubag Avatar
    Mark Lubag

    Ano pong weapon rims yung masasuggest nyo sa 26er na frame?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      weinmann ka nalang, mas mura pa, sila din naman maker ng weapon rims

      1. Mas magaan po ba ang weinman sa weapon?

        1. Ian Albert Avatar
          Ian Albert

          parang oo

  4. sana mgkaroon pa ng weapon dealer dto marikina.. bike friendly city kc ang marikina…

  5. joel rosal Avatar
    joel rosal

    brother ian new subcriber nyo po ako and begginer den sa bike,ask ko lang kung kakabitan ko ba ng weapon ambush na hubs ko na rim 26er 36 holes then ico-convert po sa 32holes pwede pa rin ba un sa mga rides na pang-mabigatan.. hahaha kc 90kilos ang bigat ko at naka wide rim the at 2.40 ang gulong ko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *