UnliAhon Kapadyak with LTWOO Components

Ito yung mga bike ng mga kapadyak natin na may LTWOO parts

May ginawa akong facebook group, UnliAhon Tambayan. Napansin ko na madami na din palang kapadyak natin doon na nag adopt na din sa LTWOO components.

Yung iba nag upgrade na ng setup, yung iba stock pa lang ng bike nila.

Ito yung ilan sa mga naipon ko na feedback mula sa mga certified kapadyak natin.

LTWOO A3

Keith Salas: “Sobrang smooth ng shifting nya. Tapos kuya ian parang naka SRAM na. Sobrang affordable nya”

via Keith Salas

Chuck De Leon: “ok yun performance ng Ltwoo, accurate shifting, quality wise. affordable.”

via Chuck de Leon

Hans Renewell: “Okay naman performance, ang smooth pag nagpapagpalit ng speed”

via Hans Renwell

LTWOO A5

Enzo Juan: “Swabe shifting.”

via Enzo Juan


via Enzo Juan

LTWOO A7

Vides Hernandez: “1 click shift. No need goat link. Bad experience lang kasi baliko ung RD naayos lang ng mekaniko. Natuwa pa kasi sram daw ang dating. Pero masarap nga ang shifting experience. A7.”

via Vides Hernandez

Cesar Nucom: “Swabeng-swabe!”

via Cesar Nucom

LTWOO AX

Naishare naman ng kapadyak natin na si Ronald ang bike nya na Keysto Elite. Ito yung naka LTWOO AX na pyesa, pinakamura na mabibili mo ngayon na naka 3×11 speed na na drivetrain parts.

via Ronald Dave Valmonte

Nakakatuwa lang makita na may willing sumubok talaga sa LTWOO kahit na alam natin na bago pa lang si LTWOO sa bike market. Kahit ako naman, may bilib ako sa LTWOO at umaasa ako na sana mag tagumpay sila sa nais nila na gawin: yun ay ang mag provide ng mura at quality na drive train components.

Swak na swak talaga kasi itong option na ito para doon sa mga kapadyak na limited lang yung budget at low-budget lang talaga para sa upgrades ng bikes nila.

LTWOO din yung gamit ko ngayon. LTWOO A7 na 10-speed. Hindi ko pa nga lang din tapos i-review dahil kailangan ko pa ito i-ride ng mas madaming beses para patas naman ako sa sasabihin ko sa review.

LTWOO user din ba kayo? May gusto ba kayong i-share na experience o review nyo tungkol sa pyesa na to? I-post nyo lang sa comment section.

Kung may tanong din kayo tungkol sa LTWOO na hindi pa natin nasasagot, o may technical na tanong o di kaya kahit ano na gusto nyo sabihin kay LTWOO, i-post nyo na din dito. Ipaparating natin yun sa LTWOO mismo.

Para sa price list ng mga LTWOO parts at specs na din, for more info visit:

Para naman malaman nyo kung saan nakakabili ng LTWOO:

I-like nyo na din ang LTWOO Philippines sa facebook kung di nyo pa nagagawa. Ito na lang din naman kasi ang maitutulong ko sa kanila, pasasalamat ko na lang dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na maupgrade yung current drivetrain setup ko gamit yung pinapareview nila na LTWOO A7 gear set.


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. Leroy May 19, 2018
      • Ian Albert May 21, 2018
    2. Patrick August 26, 2018
      • Ian Albert September 4, 2018
        • JOMZ November 27, 2018
          • Ian Albert December 5, 2018
    3. Jovan Cardeno October 19, 2018
      • Ian Albert October 24, 2018
    4. Pingback: Trinx M610 (2018) - UnliAhon.com November 14, 2018

    Leave a Reply to Leroy Cancel reply