Itong Trinx XC3 MTB ay madalas din itanong sa akin. Wala ito sa listing ng Trinx sa website nila, hindi ko alam kung bakit. Sa post na ito, susubukan natin suriin ang MTB na ito base sa mga specs na nakikita natin sa mga posts ng nagbebenta nito.
Nasa P13000 ang pinakamababang presyo na nakita ko dito sa Trinx XC3. Sa iba, mas mataas pa, pumapalo pa ng P14000 hanggang P14500. May nabasa pa ako na P12000 nga lang daw ang bigay nito sa Quiapo.
Siguro, kaya wala ito sa website ng Trinx, dahil medyo luma na ito. Hindi ko sigurado pero yun ang hinala ko.
Trinx XC3 Specs
Frame: Trinx Alloy Smooth Welding
Alloy na yung frame. Hindi pa nga lang internal cabling. 29ers ang MTB na ito. Size 29 yung gulong na kasya. Hindi ko alam kung may sizes pa ito na mapagpipilian.
Fork: SR Suntour XCM Alloy with Lock out
Itong fork naman, mas maganda siya kumpara sa unbranded na stock fork ng ibang bikes dahil Suntour fork na ito kahit na XCM lang siya. May lock out na din.
Crank: Shimano Altus
Yung crank naman ay Shimano Altus na. Nakakapanibago na makakita ng Shimano crank sa mga ganitong built bikes. Karaniwan kasi ay Prowheel na crank ang ginagamit o di kaya unbranded pa, mas pabor ako dito sa Altus na crank.
FD: Shimano Tourney 2014
Shimano Tourney yung front derailleur na ginamit. 3 by yung setup.
RD: Shimano Altus 2014
Sa likod naman, Shimano Altus yung rear derailleur.
Cogs: Shimano Altus 8 Speed
8 speed lang ang cogs nito.
Shifter: Shimano Altus 8 speed 2014
8 speed lang din yung shifter.
Brakes: Shimano Hydraulic Brakes
Shimano non series hydraulic brakes yung brakeset ng bike na ito. Okay yun.
Rims: Trinx Double wall alloy
Alloy din at double wall yung rims.
Tires: Kenda 29 x 2.10
Yung tires naman, Kenda na may 2.10 na lapad.
Verdict
Parang luma na talaga siya. Kasi dapat sa panahon ngayon, yung ganitong presyo ay may mas magandang setup. Kahit 9-speed na Altus man lang. Okay yung fork niya, mas maganda sa iba. Pero yung mga bago ngayon kasi, air fork na kahit na Trinx branded lang. Mas magaan at malambot ang play nun. Yung frame naman, medyo luma pa yung design, sa ngayon mga nakainternal cabling na dapat yan at may mas maangas na porma.
Madami pang iba dyan na mapagpipilian na may mas magandang specs sa halos kalapit lang na presyo. Payong kapadyak, wag ito.
Credits sa LJ Bike Shop para sa image na ginamit sa post na ito.
Hi sir pede po magpagawa ng review for trinx M520? Salamat po
soon to publish na po
thank you po…
Sir ian.. Magpapa recommend po sana ako ng trinx. Eto po sana yung hanap ko..
1. 29ers
2. Medium frame (kaso wala ata ibang frame ang trinx)
3. 9speed
4. Budger 8k to 13k max lang po..
Baka may mailatag kayo pra sakin na magandang pagpipilian.
Tinitignan ko for now xc3 tsaka m520 na trinx po.
meron din may mga sizes ang Trinx MTB. Depende sa model. Yung M520 not bad na din dahil budget 29er siya, hindi nga lang siya 9-speed.
Sir ask ko lng po sana…. Bumili po kasi ako ng trinx M520 ilang week ko plang po nagagamit pero napansin ko po wla pong quick release ung likod na gulong bat po kaya ganun… Pede po kaya ipapalit sa napagbilan na bike shop yun …thank you po
ganyan talaga sa medyo low budget na MTB ng Trinx, karaniwan hindi quick release ang gulong sa likod. hindi ko sigurado kung papayag yung shop na napagbilihan mo na ibalik yun dahil sa dahilan na yun kasi ganun naman talaga ang hubs sa likod ng Trinx M520. Siguro kung gusto mo ipapalit, pwede naman pero gagastusan mo na ito.
Sir saang bike shop ako makakahanap ng trinx m520?thanks
Bro, anong magandang kapalit neto na maganda ang specs at magka lapit lang ang presyo?
Trinx B700 mas maganda pa
Sir ian. Naka XC3 kase ako. Plano ko po iupgrade unv groupset nya. Ask ko lang po kung kaya nya po hanggang deore? Salamat po sa sagot.
kayang kaya, di magkaka issue yan
KASYA BA ANG 2.3 NA GULONG??
hindi natin mattry
Pwede po ba i upgrade yung handlebar, stem, pati fork nya? Ayos pa din po ba nun yung performance nya?
Good Morning Sir!
Sino ba ang mas OK Trinx na X1 or B700?
Thnak you!
Sir ask ko lang po pde po ba ito palitan nang frame?
Ganito yung gamit ko na bike and I mostly do mountain trails. Oks naman talaga ito.
Kaya lang siguro mo rin marecommend kasi luma na rin talaga.
2015 ko pa nakuha yung akin nakaraming trails na rin at ang gustong gusto ko yung posture ko kapag nagttrail. XC talaga. Upright yung position ng rider.
I’ve tried some of the bikes, ok naman pero parang nakalundo ako. Kung mapapansin niyo yung korte nitong XC3 29er, halos magkalapit yung gulong.
Pero so far, ayaw ko pa magpalit ng bike. Ok pa ko rito at nageenjoy pa ako.
Ganito yung gamit ko na bike and I mostly do mountain trails. Oks naman talaga ito.
Kaya lang siguro di mo rin marecommend kasi luma na rin talaga.
2015 ko pa nakuha yung akin nakaraming trails na rin at ang gustong gusto ko yung posture ko kapag nagttrail. XC talaga. Upright yung position ng rider.
I’ve tried some of the bikes, ok naman pero parang nakalundo ako. Kung mapapansin niyo yung korte nitong XC3 29er, halos magkalapit yung gulong.
Pero so far, ayaw ko pa magpalit ng bike. Ok pa ko rito at nageenjoy pa ako.
luma na talaga yan 2017 model yan ganyan bike ko ganyan din kulay. 2017 ko nabili around16,500 ang presyo nun. ngayon baka mas mura nlng yan