Trinx Brave Full Suspension Bikes

Trinx Brave 1.1 and 2.1 Full Suspension Bikes

Una kong nakita yung Trinx P1000 Elite at yung Trinx P1200 Elite na full suspension bikes ni Trinx sa website nila. Akala ko, ito na yung lalabas na full suspension bikes ni Trinx sa market natin dito sa Pinas. Hindi pa pala. Meron pala na mas sure na lalabas na bagong bike si Trinx, yung Trinx Brave 1.1 at Trinx Brave 2.1 na parehas full-sus mountain bikes.

Nai-post lang ito ni sir Carlo sa facebook nya.

Wala pa tayong review, price at specs ng mga to. Wala pa kasi ito sa website ng Trinx e. Pero sa tingin ko, mas mababa ang specs ng Trinx Brave 1.1 at Trinx Brave 2.1 kung ikukumpara sa Trinx P1000/P1200 Elite. Ayos yun, kasi mas abot kaya siguro ito.

Hindi ako extreme MTB guy, hindi ito ang hilig ko na laro sa mountain bike pero kahit ako naeexcite sa balitang ito. May iba na kasi tayong pwedeng mapagpilian na full suspension bike, na mura lang at hindi naman mukhang panget na sasablay agad tulad nung mga available na dyan na mumurahing full-sus bike.

Maganda yung porma nung parehong bike. Yung Trinx Brave 1.1, sa tingin ko mas mababa ang specs kung ikukumpara sa Trinx Brave 2.1. Kita ko na Shimano Altus yung rear derailleur niya, yung sa Brave 1.1, hindi ko masyado makita ng maayos. Shimano na din yung crank, kaya okay na okay. Suntour XCM na din yung fork, hindi na din masama.

Parang tuloy gusto ko na din ng ganito. Ang angas kasi ng porma. Sarap siguro nito ipang-laro sa trail. Yung rear shock, hindi mukhang ordinary lang na coil e.

Huhulaan ko lang ang presyo nito, maaring mali ako pero siguro nasa P20k ang starting price nito. Sa presyo na yun, mura na ito. Pero baka maaring mas mahal pa nga doon. Sa presyo ng mga full suspension bike na branded, gasino lang yun, pero Trinx to e, maari natin i-expect na mas mababa ang presyo nito kumpara sa mga mas kilalang brand ng bike.

Kung sakaling nasa below P20k yung Trinx Brave 1.1, aba panalong panalo na yun. Ang dami ko nakikita na interesado sa full suspension bikes, dahil sa porma, hindi dahil sa laro, magandang choice na itong Trinx Brave full-sus pag nagkataon.

I-update na lang natin itong post na ito kapag may bago tayong impormasyon tungkol dito sa full suspension bikes na Trinx Brave 1.1 at Trinx Brave 2.1.

Ikaw, trip mo ba itong full-sus bikes ni Trinx?

[alert-note]Photo credits to sir Carlo P. Carlon[/alert-note]


Update:

Trinx Brave Full Suspension Bikes
via LJ Bike Shop

Salamat sa kapadyak natin na si David Batenga.

Trinx Brave 2.1 Specs:

  • Shimano Deore M615 groupset
  • Suntour XCR Fork
  • Raidon air shock, Spesh FSR type suspension

Trinx Brave 1.1 Specs:

  • Shimano Altus groupset
  • Suntour XCM fork
  • SR Duair shock, BMC style suspension

Comments

45 responses to “Trinx Brave 1.1 and 2.1 Full Suspension Bikes”

  1. Below 20k maraming bibil yan hahaha

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      tingin ko nga, patok yan kung ganyan ang price na kakalabasan.

  2. Renz Vianzel Eslao Avatar
    Renz Vianzel Eslao

    Wow!!!! Astig sir ian. The best tlga ang trinx. Buti nlng meron Ang trinx, dahil sa trinx may nabibili tyong mura na bike pero maganda Ang quality.

    #gowithtrinx

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      agree

  3. Marc Rivera Avatar
    Marc Rivera

    parang yung isa enduro yung isa trail bike..hmmmmm

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      hindi ko talaga kabisado mga full sus, di ko masabi kung pang anong klase ng laro yung full sus. haha salamat paps.

  4. David Batenga Avatar
    David Batenga

    Actually sir, yung Brave 2.1 ay naka Deore M615 gs na po, XCR Fork, Raidon air shock at Spesh FSR type na suspension. Yung Brave 1.1 Altus lang po, tapos XCM fork, SR Duair shock na parang BMC style na suspension.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      salamat dito paps, update ko yung post. meron ka hint sa price?

  5. Jcnel Avatar
    Jcnel

    Nasa 50k up yan

  6. Jcnel Avatar
    Jcnel

    Kung nasa 50k pababa yan naku po wag mo na e try e downhill yan…baka yan pa ikapahamak mo…

  7. Ulysses Sevilleno? Avatar
    Ulysses Sevilleno?

    ano po wheel size nila?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      27.5

  8. Under 25-40k ang magiging range ng price nito dahil sa medyo mataas ang mga presyo ng rear shock. Pwede na to sa light trail wag lang downhill.

  9. James Benedict Estigoy Avatar
    James Benedict Estigoy

    How much po ung trinx barve 1.1 sir at saan makakabili niyan

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      wala pa tayong info sa price, di pa kasi sya released sa market

  10. Jayvee Ragus Avatar
    Jayvee Ragus

    May price na po ba toh , san po nakakabili nito

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      wala pa, intay pa natin

  11. KnightRider Avatar
    KnightRider

    Meron na ba nakabili nito?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      hindi pa sya officially released

      1. Guilbert Avatar
        Guilbert

        Sir may update na sa Price?

  12. Guilbert Avatar
    Guilbert

    Sir Idol may price na ba sa Brave 2.1?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      wala pa, na delay yata ang lapag dito sa pinas

  13. Guilbert Avatar
    Guilbert

    Idol meron na ba ito sa market? Philipppines

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      wala pa, nadelay yata ang dating dito sa pinas

  14. sir ian ang tagal naman lumabas ng brave. dpt mongoose salvo sport n kukunin pro bk worth the wait ang brave

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      parang nadelay ang dating ng trinx brave, di pa din ako inuupdate ni trinx e

  15. Kerwin pampanga Avatar
    Kerwin pampanga

    Ang ganda nito sir Ian pag Wala pa pagiipunan Kona ito sana meron large 19 frame size ito kasi matangkad ako Godless sa channel at susuportahan Kopa Mga other videos nyupo

  16. NandMelchor Avatar
    NandMelchor

    Sir maraming salamat sa info mo about sa mountainbikes. Oorder na sana ako nang Mckinley 8.0. Pero nakita ko tong brave 2.0. Antayin ko nlng ito i release. Haha salamat sir. More power sayo.

  17. Kumuha na ung tropa ko 30k promo price…. tataas daw ang price baka nasa 50k kaya kinuha niya agad habang promo.

  18. Harold Vergara Avatar
    Harold Vergara

    Idol..meron na ba nito sa philippines… if yes how much kuha nito?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      meron na po, 21k yung trinx brave 1.1
      29k naman yung trinx brave 2.1 (ata di ko sure, baka mali)

  19. Gilbert Raful Avatar
    Gilbert Raful

    Nagtanong ako kanina sa Quiapo kung magkano… For Brave 1.1, Php23000.00 & for Brave 2.1, Php29000.00

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      may tawad pa yan, mataas talaga magbigay presyo bisikleta manila

  20. Ferdinand R. Tamayo Avatar
    Ferdinand R. Tamayo

    Mayroon na po ako nakita sa bike shop dito sa dagupan city, nasa 30,500 po yung brave 2.1.. Astig nung design.. Naka 10speed at Deore na po group set nya.. Balikan ko dis sat if nasagot katanungan ko about dun airshock nya if pwedr sya i lock para magamit sa riad, at i on naman if nasa trail na..

  21. Jan Ericson Quimbo Avatar
    Jan Ericson Quimbo

    Nkita ko po sa quiapo brave 1.1 25k po price nya. .

  22. OK sana, kaso prang di maxadong slack yung head tube nya.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      hindi nga slack e

  23. Mag kanu po ung 1.1 balak ko po kau mag hanap ng bagong mtb bike.

  24. Archie Pamanano Avatar
    Archie Pamanano

    Mag knu po ung price ngaun ng trinx 1.1 balak ko po kau bumili uli ng bagong mtb bike

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      nasa 21k ata

  25. Valen santos Avatar
    Valen santos

    Sir ian marami ba bumili ng trinx full sus? Anu feed back nila?

  26. anonymous Avatar
    anonymous

    Ano pong mas better na rear suspension sa dalawang ito?

  27. ano pong weight nito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *