Alam nyo ba na ang Maxxis tires ay under pala ng CST brand?
Kahit ako nga nagulat ng malaman ko ito. CST din pala ang may ari ng Maxxis tires. Akala ko pa naman dati, di maganda ang CST kasi cheap tires lang ito na madalas makikita mo sa mga build budget bikes. Mali pala ako.
Kung iche-check mo kasi sa IP database, makikita mo na Cheng Shin Rubber Ind Co Ltd ang nag register pala ng brand na Maxxis.
Ang kwento sa akin, medyo iba kasi ang tingin ng tao kapag tunog China ang isang brand, kaya naisipan ng CST na gumawa ng brand na ipapakilala nila sa Western market. Yun nga, doon na nagsimula ang Maxxis tires.
Good news dahil may presence na ang CST dito sa local bike market natin sa Pinas.
See:Β CST Bike Tires Philippines
Ano ibig sabihin nyan?
Simple lang, mas murang bike tires pero same quality lang ng Maxxis tires. Ayos diba?
Ito yung ilan sa mga CST tires na magiging available na sa bike market natin:
CST Rockhawk Aggressive All Mountain Tire
Sizes Available:
- 27.5 x 2.25
- 29 x 2.25
Weight:
- 27.5 = 1010 grams
- 29er = 1055 grams
Ideal for All Mountain, Cross Country Use
SRP: 550-580 pesos / pc.
CST C-1230 MTB Tire
- Size Available: 26 x 1.95
- SRP: 370 per pc
CST Jack Rabbit MTB Tire
Features a Fast rolling tread design with small ramped knobs.
Sizes Available:
- 27.5 x 2.10
- 29 x 2.10
Weight
- 27.5 = 690 grams
- 29er = 750 grams
Wire Bead,Β SRP: 500-550 / pc.
CST MTB C-1563 Tire
- Aggressive Thread Pattern Design
- Good Traction
- Can handle muddy terrains
- Ideal for Light XC use
Sizes Available:
- 27.5 x 2.10
- 29 x 2.10
SRP: 450-500 / pc.
CST Jet Tires
- Small Spikes Thread Design
- Ideal for Road, Light Trails, XC use
- Wire Bead
Sizes Available:
- 26 x 1.95
- 27.5 x 2.10
- 29 x 2.10
SRP : 400-450 / pc.
CST Road Bike Tires
Meron ding road bike tires ang CST, kaya lang wala pa ako details sa presyo kaya hindi ko muna i-post dito. I-update na lang natin ang post na ito kapag may mga madadagdag na bagong information tungkol sa mga CST tires.
Yan pa lang yung nakita ko na magiging available sa market natin na CST tires. Laking mura ng mga ito, hindi na kailangang gumastos ng malaki para sa bagong tires. Praktikalan lang yan, kung same quality lang din naman, pero iba lang ang pangalan, doon na ako sa mas mura.
Kaya lang, wala pa silang folding tires sa lineup nila, sana magkaroon na din soon.
Meron din silang inner tubes, sana mas mura din yun kumpara sa mga currently available na inner tubes sa market. Presta at Schrader valve, available daw e.
Read more:
Leave a Reply