Sunpeed Cheetah Race 11 2018


Request lang din ito. Susubukan natin i-review ang Sunpeed Cheetah Race na mountain bike base sa specs nito.

Unang kita ko dito, yung price agad, sabi ko ang mahal naman. Hindi na kasi siya budget bike. Pero mukhang okay naman yung specs kasi 11-speed na Shimano SLX naman daw. Pero tignan pa din nating mabuti.

Meron kaming Sunpeed mountain bike sa bahay, maganda naman yung frame. Hindi nagka-issue kahit na madalas nagagamit sa mga MTB events, lalo na yung mga trail races.

Ang napansin ko lang dito sa Sunpeed brand, parang ginaya sa Specialized yung logo at branding nila. Wala din silang online presence na sariling website kaya limited lang yung info na makakalap natin tungkol sa bike na ito.

Sunpeed Cheetah Race Specs

via Bike Bike Bike

  • frame: Cheetah Alloy, internal cable
  • fork: Sunpeed Air suspension, remote lockout 100mm
  • cockpit: Cheetah alloy XC set
  • gruppo: Shimano SLX/Prowheel crank mix 2×11 speed
  • brakes: Shimano hydraulic disc 160mm
  • rim: d&e Sunpeed alloy
  • tires: CST jet 27.5 x 2.10

Ito lang ang specs na meron tayo.

via BIKE CONCEPT Trading

Alloy na yung frame nitong Sunpeed Cheetah, naka-internal cabling na din. Medyo kakaiba yung porma ng frame, hindi ko alam kung ano ang advantage ng ganyang geometry. Hindi ko kasi masyado kabisado ang mga geometry ng bikes. First look, ang angas ng dating, simple lang din hindi masyadong maburloloy ang decals. Lalo na itong black, stealth ang dating. Hindi ko lang alam kung may mapagpipilian na sizes ito.

Hindi ko din masyado makita sa pictures, pero parang tapered na yung head tube. Yung tapered na head tube kasi madalas na makikita mo sa mga mas mahal na bikes dahil, ang sabi, mas matibay daw ang tapered head tube kumpara sa non-tapered.

via BIKE CONCEPT Trading

Sunpeed branded yung fork, air-suspension na din ito kaya mas magaan at mas maganda ang play. May remote lock-out na din kaya hindi mo na kailangan abutin yung fork kapag babaguhin mo ang lock ng suspension. Nasa may handlebar mo na yung kontrol ng lock-out.


via BIKE CONCEPT Trading

Pogi yung cockpit setup. Straight yung handlebar, at mas magandang klase na din yung grips. Mukhang alloy naman yung mga ito.

Ang selling-point daw nito, SLX yung groupset. Kaya lang, hindi ko sigurado kung lahat ba SLX. Yung crankset, Prowheel Claw crankset na parang 2x yata ang setup. Hollowtech din yung crank kaya maganda na.

via BIKE CONCEPT Trading

Shimano SLX yung rear at front derailleurs. Ganun din yung shifters, SLX din na 2×11. Mas mataas ito na groupset sa Shimano Deore, kasunod na nito yung XT. Hindi ko lang alam ang plato ng 2x crank setup. Wala din tayong info sa ratio ng cogs. 11-speed ito, siguro 11-42T kasi mukhang malaki yung cogs.

Naka-hydraulic brakes na din itong Sunpeed Cheetah. Kaya lang, Shimano non-series hydraulic brakes lang ang brakes nito. Mas maganda sana kung SLX na din, pero maganda na din naman yung non-series brakes, baka mas lalong mamahal yung bike kung mas mataas na klaseng hydro brakes pa ang ilalagay.

via BIKE CONCEPT Trading

Sa wheelset naman, Sunpeed alloy hubs yung ginamit. Cassette type na yung hubs at fit for 11-speed na din syempre. Quick release na din harap at likod, bolt type na din yung kabitan ng rotors. Alloy rims at CST naman yung tires, 2.10″ yung lapad. Sa ibang seller, Kenda ang nakalagay na tires, hindi ko alam kung bakit.

Sunpeed Cheetah Race 11 2018 Price

Ang price na nakita ko dito sa Sunpeed Cheetah Race 11 2018 ay nasa P25,000.

Dahil dyan na pumatak yung price nya, hindi na siya budget bike.

Verdict

via BIKE CONCEPT Trading

Maganda ba yung Sunpeed Cheetah Race 11 2018?

Maganda din naman yung mountain bike na ito. Maganda yung frame at mga pyesa na nakalagay. Hindi nga lang natin makumpirma yung mga eksaktong pyesa dahil hindi sapat ang impormasyon na nakakalap natin sa internet.

Sa budget mo na P25,000 madami ka pang bike na pwede mapagpilian. Pwede ka din tumingin sa iba pang brands gaya ng mga big name brands. Kung ito ang napupusuan mo na bike, okay lang sayo na parang sa Specialized kinopya ang logo at branding, at may budget ka naman para dito, pwede na din.

Ang nagustuhan ko dito sa Sunpeed Cheetah Race:

  • maganda yung frame, astig ng porma, alloy at naka internal cabling na din
  • SLX ang pyesa, 2×11 ang setup
  • remote lock-out yung fork

Ang hindi ko lang nagustuhan dito:

  • ginaya sa Specialized yung logo at branding
  • mas maganda sana kung well-known brand yung air fork na kinabit
  • sana man lang hindi lang CST yung tires na nilagay kasi medyo mahal na kasi ang SRP

  •  
  •  
  •  
  •  
    1. Chris Portana February 14, 2018
    2. Enoyzki February 14, 2018
    3. Boo March 2, 2018
    4. Mj March 23, 2018
      • Ian Albert March 28, 2018
    5. Ronnan Natividad May 29, 2018
    6. Gleskidoo August 25, 2018
    7. Gian September 2, 2018
    8. Gian September 2, 2018
    9. PATRICK February 26, 2019
      • Ian Albert March 16, 2019

    Add Your Comment