Itong Foxter FT-8.0 aka Foxter McKinley 8.0 ay 2018 model na pala ng Foxter bikes.
Nung makita ko din ang price nito, hindi na pala ito budget bike.
Subukan natin gawan ng review base sa mga specs nitong Foxter McKinley MTB.
Foxter McKinley 8.0 Specs
Alloy Frame
Alloy na ang batalya nitong McKinley. Hindi ko alam kung may iba pang sizes bukod sa Medium na size. Madami dami ka din pwedeng mapagpilian na kulay. Naka-internal cabling na at maganda din ang porma ng batalya.
Rockshox XC30 Fork
Yung fork siguro ang nagpamahal dito sa Foxter McKinley 8.0. Rockshox na kasi, ang alam ko nasa P10k yata o higit pa ang presyo ng fork na ito. Hindi ko lang sure kung yung air type ang nandito sa Foxter 8.0 kasi meron palang coil-type na version itong Rockshox XC30 fork. Kung air, maganda syempre, halos kalahati na ng presyo ng bike yung fork pa lang. Maganda ang laro ng fork na ito, serviceable pa.
Shifter, FD, RD
10-speed na Shimano Deore ang shifter sa MTB na ito. Deore na din ang front at rear derailleur.
Brakeset
Naka hydraulic brakes na itong Foxter McKinley 8.0
Shimano non-series hydraulic brakes ang gamit, Shimano M315, okay na din.
Crankset at Cogs
Prowheel X-ten alloy cranks yung nakalagay na crank.
Yung cogs naman, 10-speed na 11-34T. Mas maganda sana kung naging 11-36T man lang atleast yung nakalagay, sayang kasi yung pagiging 10-speed niya. Ako kasi naka 9-speed lang pero 11-36T na yung gamit ko, dagdag pang ahon din kasi yun e. Pero pwede mo pa din naman iupgrade yung cogs kasi Shimano Deore naman yung RD, kaya naman nun ang hanggang 11-40T maski hanggang 11-42T pa.
Wheelset
Foxter yung hubs, sealed bearing na daw, expect natin dito na naka cassette type na ito dahil 10-speed na yung cogs niya. Quick-release at bolt-type yung rotors.
Foxter alloy double wall yung rims, ordinary alloy wall rims lang, ganito lang din siguro yung rim na nasa ibang Foxter MTB.
Yung tires naman, Kenda na 27.5×2.10 ang lapad. Pwede na din.
Click here para sa complete specs ng Foxter McKinley 8.0
Foxter McKinley 8.0 Price
P21,900 ang SRP na nakita ko dito sa Foxter McKinley 8.0 MTB.
Hindi mo na siya maicoconsider na low budget bike dahil nasa bente na ang presyo niya.
Verdict
Sulit ba ang Foxter McKinley 8.0 sa 20k?
Wala ka na makikitang ibang MTB mula sa mas kilalang brand na may kagaya ng specs sa McKinley 8.0 at same price. Ikaw na lang ang makakapag decide nyan kung alin ang mas pipiliin mo:
- magandang pyesa pero hindi sikat yung brand ng frame o
- maganda at kilalang brand yung frame pero medyo mababa yung mga pyesa
Ayan yung mga pwede mong maging deciding factor sa pagbili nitong bike na ito. Pero kung ako talaga ang tatanungin, kung may budget ako para sa bike na lagpas 20k, isasagad ko na, iipon pa ako ng konti para bumili ng may mas magandang pyesa at galing na din sa big name brands yung batalya.
Hindi naman sa wala akong bilib sa Foxter MTB, sa totoo nga nyan, recommended ko pa nga yung mga Foxter MTB na budget bikes dahil sa mura at ganda ng mga pyesa nila. Pero kung mamahalin na, ibang usapan na yan, opinyon ko lang mga kapadyak.
Leave a Reply