Matagal na ding request sa akin itong review ng Simplon Storm 6.0
Mayroon akong ginawa na video sa youtube tungkol sa pagkumpara ng Trinx B1200 at Simplon Storm 9.0
Dahil dyan, doon ko nalaman ang tungkol sa mga Simplon bikes na binebenta dito sa Pilipinas. Uulitin ko, no hate para sa Simplon brand at sa mga sellers nito sa Pilipinas.
Pero proceed pa din tayo sa review nitong Simplon Storm 6.0
Simplon Storm 6.0 specs
- Frame size: “16 (medium) alloy
- Lockout fork
- Altus 9 speed shifters
- Shimano Altus front Derailleur
- Shimano Altus 9 speed Rear Derailleur
- Shimano hydraulic brakes
- Prowheel crankset
- Sealed Bottom Bracket
- Aeroic double wall rim
- Kenda 27. 5×1.95 tires
Okay din yung frame, alloy naman na kasi. Hindi ko lang sure kung size 16 lang ba ang frame size na available dito. Naka-internal cabling na din ang frame ng Simplon Storm 6.0. May ibat-ibang kulay din na pwede mapagpilian gaya ng: Orange, Red, Blue, at Green.
Yung fork, Simplon suspension fork, may lock-out na.
Shimano Altus ang mga pyesa nito, sa shifters, front at rear derailleurs. 3×9-speed ang setup ng MTB na ito. Hindi ko lang alam kung ano ang gear ratio ng cogs na ginamit sa 9-speed setup neto.
Naka hydraulic brakes na din na Shimano non-series.
Sa crank naman, Prowheel brand. Tatlo ang plato, at mukha namang alloy na yung crank arm.
Sa wheelset, Aeroic brand yung rims, alloy at double-wall na din. Yung tires naman ay Kenda na may 1.95″ na lapad. Hindi natin alam kung ano yung hubs, pero we can assume na cassette type naman na yung hubs, 9-speed na kasi ang setup nitong Simplon Storm 6.0.
Simplon Storm 6.0 Price
Ang price ng Simplon Storm 6.0 ay P12,500.
Verdict
Maganda ba ang Simplon Storm 6.0?
Ayaw kong sabihin na huwag na kayo bumili ng kahit anong Simplon bike dito. Kung trip nyo pa din naman itong Simplon bikes na ito, at may budget naman, hindi ko kayo pipigilan.
Maganda naman yung specs, 9-speed na Shimano Altus, naka-hydro brakes, naka-internal cabling pa yung frame. Hindi na din lugi.
Kung trip mo yung decals at style ng frame, pwede na. Kung swak din sayo yung frame size, edi mas ayos.
Leave a Reply