Simplon Blizzard 9.1 29er Review

by

in

Subukan natin gawan ng review itong Simplon Blizzard 9.1 29er. Hindi na din ito budget bike dahil mataas na din ang presyo nito.

Medyo limited nga lang ang alam natin sa specs nito dahil wala naman tayo talagang actual na bike model. Sa specs lang tayo magbabase kung sulit nga ba bilihin ang  Simplon Blizzard 9.1 29er sa presyo nya.

Simplon Blizzard 9.1 29er Specs

  • Frame: 29 Medium Frame
  • Fork: Rockshox XC30 Air Fork
  • RD: Shimano Deore (10Speed)
  • Shifter: Deore 10 Speed
  • Brakes: Shimano Hydraulic Brakes
  • Bottom Bracket: Sealed
  • Rim: Aeroic double wall rim
  • Saddle: Simplon
  • Tyres: Maxxis Race tires

Alloy frame naman na din itong Simplon Blizzard 9.1 29er. Naka-internal cabling na, maganda ang porma, Tapered na din yata ang head tube kaya lalong mas maganda. Hindi ko lang alam kung may iba pang kulay na mapagpipilian, ganun din sa size kung may iba pang sizes bukod sa medium.

Rockshox na yung brand ng fork, mamahalin yun. Halos kalahati na ng presyo ng buong bike yung ganitong fork. Air-type na din yung suspension kaya magaan at mas maganda ang laro kumpara sa coil-type na suspension fork lang.  May remote lock-out.

Shimano Deore na yung pyesa. Deore yung RD at shifters. Yung front derailleur, hindi ko sure kung Deore na nga din ba. Hindi kasi mentioned. 3×10 speed ang setup nitong Simplon Blizzard 9.1.

Yung crank, Prowheel X-ten na hollowed ang bottom bracket. Mas magaan yun, sealed bearing na din.

Shimano non-series hydraulic brakes ang nakalagay.

Aeroic ang brand ng rims, alloy yun at double wall na.

Maxxis Pace ang tires na nakalagay. Balanse yon na magandang gamitin sa kalsada pati na din sa light trails.

Yung ibang pyesa, mukhang maganda din naman. Maganda yung saddle, at seatpost. Quick release na yung seat clamp. May lock-on yung grips. May rise yung handlebar, at parang medyo short din yung stem.

Simplon Blizzard 9.1 29er Price

P24,900 ang price na nakita ko dito sa Simplon Blizzard 9.1. Hindi na siya budget bikes. Mas mahal ito sa Simplon Blizzard 8.1 na parang ang pagkakaiba lang nila ay, hindi pa naka Rockshox fork yung 8.1.

Verdict

Sulit ba bilihin itong Simplon Blizzard 9.1?

Para sa akin, parang mahal. Kasi nandyan yung Foxter McKinley 8.0 na halos same specs lang naman dito sa Simplon Blizzard 9.1. Naka Deore parts na at naka Rockshox fork na din pero malaki ang diperensya nila sa presyo.

Parang mas sulit pa bilihin yung Foxter McKinley 8.0 dahil doon. Tutal, pareho lang naman silang hindi big name brands. Kasi itong modelo ng Simplon Blizzard 9.1, ay hindi naman legit na Simplon model. Parang Foxter lang din, pero tinatakan lang ng Simplon brand name sa batalya.

Kung ako ang bibili ng bike at gagastos ng ganito kalaking pera, doon na ako sa mas kilalang brand ng bike. Hindi man sing ganda ang fork, panatag ka naman sa kalidad ng frame. Pero sa totoo lang, maganda na din naman ang pyesa na mabibili mo sa ganyang budget kahit na sa big name brands ng bikes ka tumingin tulad ng Merida.

[alert-note]Images via Ryanbikes[/alert-note]


Comments

22 responses to “Simplon Blizzard 9.1 29er Review”

  1. Aaronarya Betbet J. Bongais Avatar
    Aaronarya Betbet J. Bongais

    Sir Ian.
    Pag bumili po ba ng alivio groupset na tig 7500 ay kasama na hydro brakes non?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      oo kasama na yun kapadyak

    2. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      oo kasama na dapat

  2. Gokou 143 Avatar
    Gokou 143

    Sir Ian, may plano kc me bumili bike budget ko 25k ano ma advice mo? Built bike o mg assemble nalang??

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      kulang budget sa 25k kung assemble talaga, pwede pa siguro kung alivio lang ang groupset
      mas maganda pa mag built bike na lang ng merida na big nine or big seven 300, 25k tapos deore and xt parts na

  3. boss ian pa req po ng next video na i popost nyo sana po next yung mga budget ng upgrade sa bike para po sa mga nagiisip pati po sa mga tropa kong mag uupgrade

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      gagawa ako nyan

      1. sige po tnx

  4. Neil Thaddeus A. Seno Avatar
    Neil Thaddeus A. Seno

    i already got interest in Simplon because i’ve research na Simplon bike brand is actually from Austria. https://www.imbikemag.com/mountain-bike-news/2017/03/simplon-bikes-born-and-raised-in-austria/ I was in Austria and even my step-father is an Austrian, but totoo kaya na maaring yung Simplon nilagay lang sa frame? Saan po ako puwede bumili ng ganitong model sana meron silang installment?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      sa mga Simplon bikes na binebenta sa Pinas, yes ganyan nga ang nangyari. Kasi if you check the models, wala yun sa official site ng Simplon.

  5. ganda ng porma ng toptube papunta seat tube.

  6. Mithi Avatar
    Mithi

    Paps yung merida big 7 xt edition 2017 sulit na ba for 34k? Second hand

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      for me, yes

  7. Argel Tamayo Avatar
    Argel Tamayo

    Sir Ian, yun po bang mountainpeak na frame, big name brands?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      hindi e, sa pilipinas lang ata may mountainpeak

  8. Larry Jam Avatar
    Larry Jam

    Paps,ung gts na frame big name brand din ba un?nkbili n kc ako mtb ko.20k po bili ko

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      hindi ko lang din sigurado pero parang taiwan brand sya yata

  9. pj sinohin Avatar
    pj sinohin

    heads-up lang sa nagbabalak bumili neto, upto 29×2.1 lang pwede na tires sa rear.
    nasayang lang binili ko maxxis ikon 29×2.2 🙁

  10. Sir ian,dba puro shimano nmn ang pyesa ng simplon blizzard 9.1 tpos rock shock p,frame nya lng ung simplon,e bkit alangan kp rin s price e puro shimano nmn pyesa

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      Hindi kasi sinasabi ng mga dealers dito sa Pinas na ang Simplon na binebenta nila is hindi legit from the Simplon brand mismo. Bale yung mga Simplon na binebenta dito sa Pinas, is hindi natin alam kung what factory nanggaling, basta nilagyan lang ng Simplon logo tapos binebenta na dito sa Pinas na kunwari legit Simplon talaga.

  11. idol pa review naman Giant talon 3 29er 2019. ty in advance

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pag may access

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *