MOB’s #HeroUnleashed Campaign: Mga Dapat Abangan Ngayong 2019

MOB unveils 2019 campaign "Race Yourself: Hero Unleashed"

Na-invite kami ng MOB Philippines sa isang press conference na kung saan ay opisyal na nilang in-unveil ang kanilang magsisilbing 2019 campaign na may tag-line na: “Race Yourself: Hero Unleashed”.

“You don’t have to idolize other people, you are the hero.”

Madalas satin, nakukumpara natin ang sarili natin lagi sa iba. Na gusto natin maging sing-lakas, o mas magaling kay ganito, kay ganiyan. Ikinukumpara natin ang sarili natin sa kanila. Sa campaign na ito ng MOB, adhikain ng MOB na ma-inspire tayo na hindi pala ang idol o tropa natin ang dapat nating ituring na kalaban, pwede pala na sarili lang natin.

Kapag ganito, mas magpupursige tayo na mag improve, at magkaroon ng tiwala sa sarili. Kasi meron naman talagang “hero”-version sa sarili mo, kailangan mo lang tawagin at ilabas.

Hindi nalalayo to sa kung ano yung outlook ko din sa kung bakit ako nagba-bike.

Kilala nyo naman ako, hindi ako competitive, hindi ko hangad na maging mas malakas sa lahat, pero masaya na ako pag nakikita ko na kahit papaano may improvements sa personal records ko. (salamat sa Strava kasi namomonitor ko ito. related: Cyclocomputer na Gamit ko)

MOB 2019 Calendar of Events

January

  • Campaign Introduction

Ito yung start na natin makita sa social media pages ng MOB ang bago nilang campaign.

February

  • Campaign Release
  • Garage Sale

Ngayon, opisyal na ang campaign, at alam na natin ang mga detalye sa mga plano ng MOB para sa ngayong taon.

Magkakaroon din ng garage sale ang MOB products na gaganapin sa darating na February 22, 23, at 24 sa Rider’s Garage, 28C E. Rodriguez, Quezon City.

Sulit yan kasi napakadaming bike-related products ang naka-sale.

March / April

  • Open Tryouts Qualifiers
  • Open Tryouts FInals
  • PruRide 2019 Criterium

May

  • PFAC Year 3

June

  • Distributors Conference

July to September

  • MOB Grand Prix race (5 legs + finals)

November

  • MOB Annual Race (Grand Prix Finals)

December

  • Santa on Wheels

Yan yung ilan sa mga events na dapat natin abangan. May mga karera at try-outs din para sa mga gusto maging member ng team MOB. Kung hangad nyo na maging member din ng isang cycling team, abangan nyo yan.

We hope that cyclists learn to be confident in themselves more and stop comparing their talents to other people’s. The biggest competitor in your life is yourself. – Mark Gan, marketing head of MOB Philippines.


via MOB Philippines

Gusto din ipakilala ng MOB ang mga players nila na ilalaban sa local cycling competition scene natin.

Yung mga bagong players ay sina: Theodore Myles San Diego, Amanda Lee Morales, at Jhunbray A. Calivo.

Yung mga dati ng Team MOB ay sina: Mhayann Linda, Debbie Rose Bonghanoy, at Jared C. Bacud.

Pinakilala din ng MOB ang team coaches nila na sina: Nilo Estayo at Raquel Joyce Del Socorro. Dating mga national athlete na lumaban at nanalo sa mga international competition sa ibat-ibang cycling disciplines.

Ito naman ang mga official na sponsors at partners ng MOB. Una na dyan ang Booster C Energy Shot, Team MOB Booster C ang team name ng MOB this year.

Rudy Project naman para sa helmet at RPJ Performance Eyewear naman para sa eyewear na gagamitin ng MOB players.

Nagkaroon din tayo ng first look sa bagong official jersey ng MOB.

Visit MOB Philippines in facebook to learn more about this campaign:

PS. Nag-pose lang kami ni Ger Victor para sa picture na ito. Walang ibig sabihin. 😂


  • 65
  •  
  •  
  •  
    65
    Shares
    1. Miru February 21, 2019
      • Ian Albert March 16, 2019

    Add Your Comment