MOB MTB Sponsorship Open Tryouts

1st-ever MTB tryouts sa Pinas

Sa darating na Linggo, July 1, 2018 ay magkakaroon ng kaunaunahang MTB Sponsorship Open Tryouts sa may Filinvest City Alabang. Naghahanap kasi ang Team MOB ng pwedeng maging representative para sa nalalapit na 6th Endurance Weekend.

Kaya kung bilib kayo sa lakas nyo sa padyakan sa trails, sali na kayo dito mga kapadyak. Minsan lang ito, at baka ito na ang chance nyo na madiscover at makahanap ng sponsor.

Magsisimula ang tryouts sa ganap na 5:00am para sa assembly at pag-claim ng race kits.

Ang mga lalaki na kasali ay tatakbo na sa ganap na alas-6 ng umaga. 50 lang. Yung mga babae naman na kasali, 7:30am ang takbo at 25 lang ang kasali doon.

Tatlo ang mapipili sa tryouts na ito, dalawang lalaki, at isang babae. Magiging sponsored sila ng MOB sa Endurance Weekend 2018 na gaganapin sa July 7 at 8, doon din sa Filinvest City Alabang.

Kailangan mo lang pumpadyak ng isang oras doon sa mga MTB trails sa Filinvest. Ang kapadyak na may pinakamadaming laps na nagawa sa loob ng isang oras ang mapipiling pambato ng MOB at magiging myembro ng Team MOB para sa darating na Endurance Weekend event.

Kung sakali man na may mag-tie sa bilang ng laps na nagawa, yung pinakauna daw na makakalagpas sa linya ang mas pipiliin.


Minsan lang ang ganitong pagkakataon, ngayon nga lang din ako may nabalitaan na tryouts para sa MTB races e. Kaya kung tingin mo malakas ka, at karapatdapat ka magkaroon ng sponsor, sumali ka dito.

May ilang rules nga lang din:

  • bawal ang mga elites, pros, ex-pros, at yung mga naisponsoran na na siklista na sumali dito sa tryouts
  • bawal ang walang helmet
  • bawal din ang hindi naka MTB
  • dapat padyakin ang buong course, pag nag shortcut ka, pwede ka mapenalty o madisqualify
  • kailangan din ng ID para mai-claim ang race kits

Pwede din makinood at maki-nerbyos sa try outs para suportahan ang mga bet nyo na sasali.

Visit MOB Philippines facebook page for more info: https://www.facebook.com/MOBPhilippines/


  • 223
  •  
  •  
  •  
    223
    Shares