Kapag nasa ride ka, tapos may biglang tumunog sa bike mo, parang nakakapang hina bigla diba?
Ganyan kasi ako, kapag may nadinig ako na tumutunog sa bike ko, parang nakakawalang gana na tumuloy pagpadyak. Nasa isip ko kasi, baka lalo lang masira kapag tinuloy ko pa ang pagpadyak.
Nakaka sira ng bait.
Para ma-maintain natin ang pagtakbo ng maayos ng mga bikes natin, at para na din maenjoy natin ang ride, maganda din na alam natin kung paano i-diagnose kung saan ba yung umiingay at paano ito maaayos.
1. Langitngit
Kapag may lumalangitngit ibig sabihin nyan, may pyesa na dapat nalangisan pero hindi nalangisan. Ang madalas na pinanggagalingan ng langitngit ay yung maduming drivetrain, kadena na dapat malangisan, pwede din yung pulleys ng derailleur, bearings na kulang sa grasa, at pati yung mga kable din.
Paano ayusin: Langisan o grasahan lang, at panatiliing laging malinis ang mga ito.
2. Lumalagitik
Kapag naman may lumalagitik, ito yung kapag pumipidal ka at pakiramdam mo may sumasayad na kung ano. Kung hindi tama ang pagkaka-align ng front derailleur, maari itong tumama sa kadena kapag naka-shift ka sa high o low gearing.
Paano ayusin: I-adjust ang high at low limit ng front derailleur. Kung hindi marunong, dalhin sa mekaniko, sila na ang bahalang magtono nito.
3. Lumalangitngit kapag pumipidal
Kapag may lumalangitngit pa din kapag pumipidal ka, at malinis naman ang drivetrain mo, maaring sa mismong pedal ito. Pwede din na baka sa cleat attachment kung naka cleats shoes ka. Pwede din yung bottom bracket mo, madumi.
Paano ayusin: Lagyan ng grasa yung pedal. I-check kung tama ba ang tension nito at hindi loose sa pagkakakabit sa crank arm. Kung naka-cleats naman, siguraduhin na masikip ang screw ng bala. Maglagay na din ng grasa. Kung bottom bracket yung maingay, maaring madumi iyon at kulang lang din sa langis.
4. Kumakalansing
Kapag may kumakalansing, minsan loose lang yung bottle cage o di kaya humampas yung mga cable ng shifters/brake sa batalya.
Paano ayusin: Sikipan mo lang yung bottle cage, o kaya i-adjust yung mga kable.
5. Lumalangitngit kahit hindi pumipidal
Kapag naman may naririnig ka pa din na langitngit kahit hindi ka na pumipidal o naka freewheel ka na lang, pwedeng sa saddle na yun, sa seatpost, o di kaya sa brakes naman.
Paano ayusin: Baka maluwag yung pagka-clamp ng seatpost. Yung sa saddle, lagyan mo ng grasa o langis yung part ng saddle rails na nakakabit sa mismong saddle. Kung yung brakes naman, siguraduhin mo na tama ang pagkakaalign ng gulong at hindi maluwag ang quick release skewers.
6. Malakas na langitngit sa pagpidal
Maaring maluwag yung fixing bolt ng crank mo sa bottom bracket. Pwede din na may lumuwag na chainring bolts.
Paano ayusin: Sikipan mo lang yung fixing bolt na nagkakabit sa crank at bottom bracket. I-check mo din yung mga chainring bolts, baka may lumuwag, sikipan mo lang.
7. Tunog na parang nag-ki-click kapag pumipidal
Karaniwan kapag wala sa align ang rear derailleur, naapektuhan nito kung paano lumalapat ang kadena sa cogs. Nagiging dahilan yun ng pag-skip ng kadena kaya may maririnig ka na click.
Paano ayusin: Maaring baliko o bent yung rear derailleur hanger. Ipatono lang din sa mekaniko para maging perfectly aligned yung RD.
8. Sumisigaw
Kapag may sumisigaw ka na na naririnig habang umaahon kayo, sila yung nahihirapan na kaya dinadaan na lang sa sigaw. Napapa-“woooh” o kaya “ahon!!!” na lang talaga sa sarap at hirap. Normal lang yan.
Paano ayusin: Tulak o pahinga lang yan. Haha. 😂
hehe eto yung mga tunog na pinag mumulan ng sakit na ang tawag daw ay “upgraditis”
haha tama ka dyan, yang mga tunog talaga na yan nagsasanhi din ng sakit na yan na kailangan talaga maipagamot.
pogi k jan ah..
Sir pano po ung ingay pag nag pepreno ako ? Pano po maaayos un
gagawa ako ng video tungkol dyan
sir bakit maingay kapag nagpepreno po ako sa front wheel., shimano hydraulic breaks ung gamit ko?
sir paano maayos un? maingay din sa akin kapag nagpepreno.. shimano hydro breaks gamit ko?
baka contaminated yung pads mo, subukan mo linisin gamit sandpaper and alcohol yung brake pads tapos alcohol naman sa rotors
Boss Ian saken din maingay kapag pinipiga ko. Sabi saken ng mekaniko Ilaga ko daw yun break pad para mawala ung langis saka hugasan ng Joy yung rotor pero may natunog pa rin Boss. Palitin na kaya?
Salamat po
yan ang pinaka magandang gawin, palit ng brake pads, may brake pads din kasi na maingay talaga e, and kung sobrang contaminated na yung pads, na di na nadadaaan sa linis, palit na lang talaga ang solusyon dyan. yung rotors pwede mo hindi palitan pero syempre, linisin mo din muna ng alcohol.
Kuya ano po kaya ang problema kapag may maingay na tunog kapag pumipedal tapos may naingay din po kapag iniikot ko pabaliktad yung rear wheel ko.
check mo pagkakakabit sa quick release mo, baka dun maluwag o di lapat ng maayos. baka sa hubs na yun paps kung sa rear wheel tapos umiikot pabalik may ingay pero paharap wala
Pag pumipedal ako parang may pumipigil sa pagikot ng pedal hanggang sa matatanggal na sa crank. Palitin naba yun pedal? Or may remedyo pa.
palitin na yung pedal nyan, check mo lang din yung crank mo, baka loose thread na kasi baka need mo din magpalit ng crank kung gannun nga
di pa loose thread kasi once palang naman nakalas yung pedal. tapos ayun kanina nakalas ulit yung pedal sa thread nya, nakita ko kulang na mga bulitas. halos di na umiikot pedal. nasa magkano kaya pedal? mas okay ba kung sealed bearing na agad? higit 1month ko palang bago nabili yung mtb natyambahan agad.
mura lang pedals nasa 250 makakabili ka na ng alloy pedals, loose bearing nga lang din, pero kung gusto mo sealed bearing pedals, nasa 1k pataas
Kuya Ian diko Alam Kung ano ba talaga problema ng bb ko e, umaalog Po Yung dalawang crank arm at Yung Plato may onting uga din, medyo may kalakasan Yung ingay sa pagpadyak pero parang kumikiskis Lang, Hindi Yung tipong parang may nagkakalasan na tunog sa pyesa. satingin mo Po kulang Lang ba sa higpit o linis Ang mga bearings o need palitan Ang bb?
pa check mo yung bearings, baka basag na yung bearings, dapat walang alog yan
pero baka mali lang din siguro ng higpit,
mas maganda kung ipapagawa mo na lang yan sa mekaniko na marunong talaga
delikado kasi yan kung ipipilit mo na iride ang ganyang kundisyon
Ayun nakalas na yung bearing pati yung cap nya nahulog di ko na makita. Bale bakal nalang yung mismong pedal ko. Pwede kaya maayos yun ng ibang bearing tsaka cap nya sa gilid. May mabibilhan kaya nun?
hindi na worth it ipaayos yan, mas ok pa na bumili ka na lang ng bagong pedals, wala ka din naman kasi mabibili na parts nyan
Sir yung sakin may lumalagitik kapag pumipidal,nung tinignan ng mekaniko yung bb may tubig baka daw may kalawang na yung bearing,pwede ba to maayos o kailangan na palitan?kakabili ko lang kc nitong bike ko wala pang 1 month.tia.
pwede yun, papalitan lang bearing, regrease, irerepack,
paano naman po kapag natanggal ang spoke?
paano naman po kapag natanggal ang spoke? ano amg dapat kong gawin?
i-ride mo lang dahan dahan kung isa lang yung nasira, tapos pagawa mo agad sa bike shop
ANU PO ANG PROBLEMA KAPAG NAPEDAL KA NA PARANG KUMAKABYOS YUNG KADENA?? thanks
Sir ian pano po kung natunog yung cleats pedal ko kasi nilagyan ko na po ng langis pero pag konti diin lang ng sipa bumabalik nanaman yung tunog ano po ba dapat ko gawin?
Ano magandang grease sa bike? Install ako new pedal sa rb. Pwede ba kahit anong grease lang?
nag palit na ako ng Botton bracket, pedal, kadena, sinikapan ko na di ung bolts sa crank .. ganun padin ung lagitik. gusto ko na itapon ung bike ko.. di ko mahulihuli kung nasaan.. yung RD na lang di napapailtan.. nilinis ko na din ung RD ganun parin lagitik… malapit ko na talaga itapon ang bike ko
Sir tanong ko lang. Pag pinipidal konang nkatayo ung bike ko my lumalagitik. Pag medyo malakas ung force lumalagitik pero pag nakaupo okay lng cya. Ano kaya problem nito sir? Tnx in advance sa sagot. Pinatignan ko sa mekaniko ala naman daw alog ung bracket. Tsaka mahigpit naman. Sealed ung bb konok dn pedal ko. Ano kaya possible problem nya sir
Boss anu kaya ang solusyon sa maingay na brake hydraulic brake nakaka rinde na kc na nkakabingi kahit anung linis q ng break pad at kiniskis q na ng sand paper at nilinis ng alcohol at sinindihan para mawala ung oil at linis ng alcohol sa rotor ganun pa dn boss kylangan na vha palitan ng break pad un boss
Ang ginawa q po kasi boss nilinis q lng ung rear at kinalas para lgyan ng oil or grasa pero wala talaga sya ingay bago q kinalas.. nung binalik q po bigla ng umingay ung brake anu po kaya ang pwede qng gawin dun boss?
Ang ginawa q po kasi boss nilinis q lng ung rear ng gulong at kinalas para lgyan ng oil or grasa ung sa loob ng hubs para smooth ung ikot ng gulong pero wala talaga sya ingay bago q kinalas.. nung binalik q po bigla ng umingay ung brake anu po kaya ang pwede qng gawin dun boss?
Kuya, ung freewheel ko nasira ung mga parang ngipin sa loob. Kapag nagsshift ako ng paahon tumutunog lgi prng d sakto ung kadena. Ano pa kaya sanhi non?
mas maganda po kung ipa diagnose nyo sa mekaniko ng bike shop, medyo mahirap po kasi pag di nakikita
posibleng sira na yung freewheel cogs di ko din masasabi