Akala ko nung una, same lang ito nung Marcus M50, hindi pala. Magkaiba pala sila. Mas mahal itong Marcus M500.
Wala lang akong facebook page na nakitang nagpost ng price nito, kaya hindi ko din alam kung magkano ang bentahan nitong Marcus M500.
Subukan pa din natin bigyan ng review, kahit na wala ding nagpopost ng kumpletong specs nito. Sa pictures na lang tayo babase mga kapadyak.
Marcus Titans M500 Specs
Wala akong list ng specs kaya sa pics lang tayo magbabase. Kung meron mang nakakaalam ng eksaktong specs nitong bike na ito, paki-share na lang dito mga kapadyak.
May dalawang color variant na tayong sigurado para dito sa Marcus Titans M500. Isang Black-Blue at isang Black-Yellow. Matino naman yung pagkakatira sa color way, trip ko. Matte din ang style. Malinis tignan. Para sa akin, maganda yung porma ng frame. Naka-internal cabling na din.
11-speed yata ito, o maaring 10-speed lang. Hindi ko sure. Pero malaki ang plato sa likod, pwedeng 11-42T yun.
Naka Shimano Deore na rear derailleur, yung sa harap hindi ko lang sure kung ano yung front derailleur. Pero naka 3x setup na Prowheel crank. Tatlo yung plato sa harap, Prowheel Ten yung crank. Hollowtech na yung bottom bracket. Siguro 10-speed nga lang ito, Prowheel Ten kasi yung crank e.
Hindi ko sure kung ano naman ngayon ang inspirasyon ng Marcus brand para sa Titans M500 model na ito. Dati kasi sa mga ibang labas na Marcus MTB, halata mo agad na Keith bikes yung pinag gayahan nila.
Hindi ko pa din mabilang kahit sa close up picture na ito kung ilang speed yung cogs, pero baka 10-speed nga lang. Hindi ko masyadong kabisado ang mga rear mechs sa higher tier, di ko alam kung ito ba yung modelo ng Deore na may switch.
Sa chainrings, kayo na bahala magbilang kung ilang teeth ha. 😂
Shimano Deore yung shifter, confirmed na 3×10-speed ang setup nitong MTB na ito. Shimano non-series hydraulic brakes yung preno niya. Not bad na din. Yung grips naman, may palm rest at lock rings sa dalawang sides.
Napapaisip na ako, siguro sa Giant kumuha ng inspiration ang Marcus ngayon sa build na ito. Yung font ng print na TITAN parang GIANT kasi.
Aeroic yung hubs. Sure na cassette type syempre. Quick release na din pareho sa harap at likod. May ingay din siguro itong hubs na ito. Bolt type ang rotors niya.
Yung fork naman, EPIXON Stealth. Wow, mapapa-wow ka nalang. Bagay na bagay nga naman ang Epixon Stealth para sa porma nitong bike na ito na medyo may pagka-“stealth look” din naman. Suntour din ang gumawa ng Epixon fork. Air fork ang suspension na ito, may lock-out na din. Magaan at maganda ang play. Ang alam ko, nasa 7k+ ang presyo ng fork na ito.
Ang linis tignan.
Maxxis Pace pala yung gulong nito as stock. Okay na din yun. Hindi din sinagad ng cut ang steering tube ng fork, medyo mataas pa kaya mas comfortable pa pero maganda kasi may leverage ka pa kung iaadjust mo depende sa fit at preference mo lalo na kung gusto mo pa babaan.
Mukhang maganda naman ang mga iba pang components. Alloy naman siguro yung handlebar, stem, at seat post. Quick release yung seat clamp, mukhang magandang klase yung seat post pati na din yung saddle. Alloy din yung pedals.
Shout-out dun sa Trinx MTB na nasa background.
Marcus Titans M500 Price
Kung may nakakaalam ng price nitong Marcus Titans M500, paki-share na lang dito.
Verdict
Hindi ko mabigyan ng verdict dahil wala akong ideya sa price tag nya, hindi ko tuloy masabi kung sulit ba siya sa price nya. Overall, mukha namang maganda. Maganda ang batalya at maganda din ang mga pyesa na nakakabit. Siguro lagpas 20k ito, baka higit pa nga e.
Leave a Reply