20 Bagay na Siklista Lang ang Makakaintindi


Katuwaan lang, ang mga sumusunod ay mga bagay na tunay na kapadyak lang makakaintindi.


Feeling na malaspag

First ride mo, sabi sayo banayad ride lang pero unli ahon pala. Di ka pa sanay magbike pero binigla ka ng tropa mo kaya laspag na laspag ka to the point na gusto mo pa pumadyak pero wala na talaga di na kaya pumidal ng mga binti mo.


Napapacobra ka na makauwi lang

Yung uuwi na kayo pero wala ka na pala lakas dahil naubos na sa maghapong ride. Minsan softdrinks lang okay na bigla na magkakalakas, pero pag gipitan na, kelangan na ng energy drink. Bigla ka lalakas pero pag uwi mo knock-out ka na agad.


Yung first time feeling after ng more than 100km na long ride

Pag uwi mo aantukin ka agad. Di ka na makakapagbihis, o kaya di ka na makaakyat ng hagdan, hirap ka din makalakad.


Umahon ng sobrang tarik

Yung tipong umaangat na yung unahan mong gulong sa tarik. Bababa ka na at aakayin na yung bike dahil nga baka magback-flip ka pa pero sa totoo lang di mo na talaga kaya ipadyak kaya tulak na lang. If you can’t padyak, just tulak.


At yung feeling na inahon mo uli pero kayang kaya mo na

Makalipas ang madaming kilometro ng pagpadyak, easy na ahunin. Sarap sa pakiramdam, achievement unlocked!


Strava

Sabi nga nila, kung wala sa Strava mo, di mo yun naipadyak. Pati na yung moment na hindi mo pala nai-resume/nai-on yung Strava mo e ang layo na ng naipadyak mo.


Yung kapag dumulas yung likod na gulong mo pagpreno mo

Mini heart attack, swerte mo kung di ka nasemplang.


Tuhod

Wala sa bike yan. Tuhod boys, di mawawala. Kapag may nagtanong anong magandang iupgrade, tuhod ang sagot.


No Helmet

Helmet boys din, di mawawala. Yung nagpost ka lang ng pag bike mo pagbili ng suka, hinanapana ka pa ng helmet. Pero dapat lang lagi naghehelmet pag nagriride ng medyo malayuan.



Ang feeling ng iniwan

Naiiwanan ka ng grupo dahil di ka makasabay sa bilis nila. Tapos solo ka ng ilang kilometro dahil hindi mo sila mahabol hanggang sa tumigil na sila.


Yung panandaliang lakas dahil nagpahinga kayo saglit

Feeling mo anlakas mo na ulit pero ilang padyak lang pala pagod ka na uli agad.


Petroleoum Jelly

Sikreto para swabeng pagpadyak. At syempre para di magkasugat sugat ang singit dahil sa garter ng brief.


Makaride sa peloton

Yung feeling na kasama ka ng pack. Itatanong mo pa anong speed ng takbo nyo dahil wala ka speedometer.


Saddle na masarap sa pwet

Syempre sa una laging sasakit pwet dahil di pa sanay. Magpapalit palit ng saddle dahil hinahanap yung perfect fit na upuan para sa pwet.


Masakit na pwet

Sa una masakit talaga. Umiinit pa pag long ride na walang tayuan.


Deadly bulusok

After ng ahon syempre may bulusok, nakakakaba pero masarap yung mahahabang bulusok. Pudpod brakes nga lang sa sobrang taas na grade ng downhill.


Dress code

Yung bakatan si junior dahil sa cycling shorts lang suot mo at no brief ka, sobrang fitted ng jersey mo din kasi aero ka dapat. O yung balot na balot ang buong katawan mo dahil ayaw mong umitim.


Yung may bike ka na mas mahal pa sa motorcycle, o kaya sa kotse mo

Sabi nga nila, hindi mo mabibili ang kasiyahan pero makakabili ka naman ng bike.


Makinis na legs

Legs legs mo ay nakakasilaw. Yung nag ahit ka ng buhok mo sa legs para mas aero at sexy tignan.


Upgraditis

Sakit ng mga bikers na kelangan hingan ng reseta at ipagamot sa Quiapo o Cartimar.


Naka-relate ka ba? O baka naman may gusto ka idagdag? Share it sa comments mga kapadyak.


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. Jade Columna August 1, 2017
      • Ian Albert August 13, 2017
    2. John Suarez August 15, 2017
    3. Alred April 28, 2018
      • Ian Albert April 29, 2018
    4. Labs August 9, 2018
    5. Chito September 15, 2018
    6. Jan leonid Famadico December 13, 2018
    7. EngrTosi September 30, 2019

    Add Your Comment