Tubeless, yan ang tawag sa gulong na walang inner tubes o interior.
Advantage? Hindi ka na matatakot ma-flat ng pako, thumbtacks, bala ng stapler, bubog, o tinik. Dahil sa tubeless setup, yung sealant na ang bahala doon. Hindi sisingaw yung hangin.
Ako, aaminin ko, hindi pa ako naka tubeless. Ayaw ko pa, naiisip ko kasi, parang hassle masyado. Hassle mag setup, hassle din pag nasira yung pagkaka seal.
Kaso, nitong nakaraan lang, madalas na din ako nafflat sa mga rides namin. Di naman big deal dahil palagi naman ako may baon na spare tubes o extra na interior. Kaso naisip ko, kung naka tubeless ako, balewala lang sana yung mga flats na yun.
Kaya ngayon, desidido na talaga ako na mag tubeless na din ako na gulong.
Buti nalang at may nagpost sa facebook group natin ng detalyadong proseso kung paano ito ginagawa.
Ito yung mga kailangan:
- pito na pang tubeless
- gorilla tape o duct tape o yung tape na ginagamit talaga pang tubeless
- tire sealant
Alam ko, nakakabili nito sa mga bike shops e. Pwede din online.
Hindi na daw kailangan ng rim tape sa tubeless setup. Kaya dapat tanggalin na ito.
Dapat malinis na mabuti yung loob ng rims para maging maganda ang pagkakalapat ng duct tape. Punas at alcohol lang, sapat na.
Sa paglalagay ng tape, magsimula ng paglapat ng tape sa lampas ng konti sa butas na nilulusutan ng pito.
Importante na sakto lang yung lapad ng tape na gagamitin nyo para dito. Siguraduhin din na pantay ang pagkakalapat ng tape.
Lalagpas bale sa valve yung tape bago mo putulin.
Tutusukin lang pala yung tape para magka butas, pero wag daw dapat malaki ang butas. Yung sapat lang para mailusot ang valve o pito at sealed pa din.
Ipasok na yung tubeless valve o yung pito na pang tubeless talaga.
Dapat habang hinihigpitan yung nut, dinidiinan din yung base ng valve para sealed na sealed talaga.
Wala lang, pinakita nya lang yung tire na gagamitin nya. Maxxis Ardent na tubeless ready.
Wala lang, pinakita nya lang yung dati nya na rim na naka tubeless setup din noon.
Ilagay ang tire sealant.
Ilapat ang tire.
Bombahan mo na.
I-check kung may tagas. Tubig lang ang kailangan.
Pag walang sirit, ibig sabihin, sealed na siya.
Ayos!
Kailangan pala ng pang hangin na malakas ang buga. Hindi ubra pag mini pump lang. haha. Kailangan malakas para mapalapat ng maayos ang bead ng gulong.
Ayos, nakabit na. Parang ang dali lang ano.
Salamat sa kapadyak natin na si Jerome Muldong sa pag-share kung paano gawin ang tubeless setup na ito sa MTB.
Sabi nya, kahit hindi naman daw tubeless-ready yung rim. Ang importante lang, dapat tubeless-ready ang tires na gagamitin.
Meron akong tubeless-ready na rims, Weapon Prime TR9, ito ang balak ko gamitin sa pag tubeless ng gulong ko sa bike ko. Meron din akong Maxxis Ardent at High Roller II na gulong na nakatabi sa bodega. ito yung tires na sinasalpak ko sa bike ko kapag lalaro ako sa mga trail races o events. Ito ang gagamitin ko para dito, tubeless-ready na kasi yung mga tires na yun.
Gagawa ako ng video para dito kapag gagawin ko na ito sa tires ko. Sa ngayon, kailangan ko pa muna mabuo yung bago kong wheelset, at kailangan ko pa din bumili ng mga materyales na kailangan dito sa pag-convert sa tubeless.
Leave a Reply