Meron ng bagong 2018 model ang Trinx M136. Tingin ko, malapit na itong marelease dahil naipost na ito ng official Trinx facebook page.
Nung wala pang masyadong info tungkol dito sa bagong Trinx M136, napansin ko agad na maganda na ito kung ikukumpara sa mga naunang model.
Yung frame kasi naging internal cabling na, at may variants pa na 27.5 at 29er itong Trinx M136 2018.
Tignan muna natin ulit yung specs ng Trinx M136:
Trinx M136 2018 Specs
Frame
- Sizes : 15”/17”/19”
- Alloy Special Shaped Tubes
- Color : Matte Black/Yellow Green, Matte Black/Blue White, Matte Black/Red Grey, Matte Grey/ Yellow Black, Matte Grey/Cyan Black, White/Red Black
Fork
- Fork : Hydraulic Lock-Out Suspension Travel:100mm
Drivetrain
- Shifter : SHIMANO ST-EF500
- FD : SHIMANO TZ500
- RD : SHIMANO TZ500
- Cassette : 7S 14-28T
- Chain : KMC 7S
- Chainwheel : 24/34/42T*170L
- Brake : TRINX Alloy Mechanical Disc
Wheel Set
- Rims: TRINX Alloy Double Wall
- Tires: CST 26″*1.95″ 27TPI
- Hubs: Disc Hub with Bearing
Misc
- Saddle : TRINX Sport
- Seatpost: TRINX Alloy
- Stem : TRINX Alloy
- Handlebar : TRINX Flat
Yan yung specs ng bagong Trinx M136. Halos wala din namang nabago. Pero bakit nga ba mas maganda na ito ngayon kumpara sa luma?
Pansin nyo, may mga sizes na. Size 15, 17, at 19. Dati, puro size 17 lang ang nakikita ko. Medium yon. Ngayon meron ng 15 at 19. Small at Large yon, mas madami ng height ng bikers ang maaacommodate nito.
Bukod sa mga kulay na bago, naka-internal cabling na din yung frame kaya maganda na. Meron na ding variant na Trinx M136 Elite na 27.5 na ang wheel size, meron ding Trinx M136 Pro na 29er naman, kaya ayos na ayos itong mga bagong lalabas na Trinx bike models.
Heto yung mga kulay na lalabas sa base model ng Trinx M136:
Okay para sa akin yung kulay at style ng decals, hindi mukhang mumurahin at matte na din yung texture ng pintura.
[alert-announce]Alin sa mga kulay ng bagong Trinx M136 ang pinakamaganda para sayo?[/alert-announce]
Wala naman yatang nabago sa porma ng batalya, ganun pa din. Abnormal tubings pa din pero mukhang provisioned na sya ngayon sa hydraulic brakes, hindi tulad nung lumang labas na hindi designed para sa hydraulic brakes.
May kabitan pa din ng rack at may lagayan din ng stand.
Oversized, non-tapered pa din yung headtube. Yung butas na para sa internal cable routing, sana naman ay maganda yung pagkaka-sealed, yung tipong hindi basta basta mapapasok ng tubig, para mas maganda.
Shimano parts na din: rear derailleur, front derailleur, at shifters kaya maganda na. Kahit na Tourney lang siya, mas ok pa din sya kesa sa kung hindi Shimano yung mga pyesa na yan.
Yung fork, may lock-out na din kaya maganda na. Yung tires naman CST Jack Rabbit na swak lang pang off roads, makapit, at hindi naman sobrang bigat ipadyak kapag sa aspalto at sa sementadong kalsada na.
Naka-mechanical disc brakes pa din itong Trinx M136 2018. Quick-release na din parehas yung hubs sa harap at sa likod. Bolt-type yung pagkakakabit ng rotors.
Hindi Prowheel yung brand na nakalagay sa crankset ng Trinx M136 2018. May logo na ng Trinx. Sa tingin, ko bakal pa din ang crank arms nito. 3x ang setup, may bash guard din na nakalagay. Mapapansin nyo, sa ilalim ng downtube lumabas yung mga kable na internally routed.
Maganda yung saddle. Kumportable yung ganitong porma ng saddle, malambot. Pero sa seatpost, ganun pa din, hindi nila binago. May pagka-old school pa din yung style ng seatpost.
Threaded type pa din siguro ang hubs nito sa likod, ganoon din ang cogs syempre. May kabigatan ang mga hubs na ito, pero pwede na din para sa isang budget bike.
Trinx M136 2018 Price
Wala pang price itong Trinx M136 na 2018 model. 🤣
Verdict
Wala pa kasing price kaya hindi pa natin masabi kung sulit ba na bilihin, pero sa specs nya, pwede na, wag lang maging sobrang mahal nitong bagong lalabas na Trinx M136 2018. Sana ay same price pa din ng lumang M136, gawin na lang mas mura yung lumang model.
Update na lang natin itong post na ito kapag may price na. Pero sa totoo lang, mas excited pa din ako sa bagong M500, sa tingin ko kasi, yun na ang sweetspot ng mga budget bikes ni Trinx. Meron na din yung Pro at Elite na variant e, mas panalo yun, wag lang magiging sobrang mahal ang SRP kapag lumabas na.
[alert-note]Ang mga pictures ay galing sa facebook page ng Trinx[/alert-note]
Leave a Reply