ForumSuggestions for First Bike Build MOB Endurace CX
Ferdz asked 6 years ago

Newbie la g po mga sir. Pahelp naman po sa mga kailangan kong parts. Nakabili na po ako ng frameset. Sa wheelset po ba kakasya yung 11 speed cogs ng 105 sa 11 speed mtb hub or kailanvan road specific hubs talaga? How about po yung rims? Pwede po bang 29er rims ung gagamitin? May masusuggest po kayong brands sa rims and hubs? 



Share this:

Copy and paste this code into your website.

1 Answers
Ian Staff answered 6 years ago

hindi ko pa confirmed kung ano ang hub spacing nya sa likod, kung pang rb disc hub o mtb disc hubs, pero sana mtb disc hubs para mas mura at mas madali mag hanap.
 
read mo itong previous CX build ko, para magka idea ka.
 

My Ave Maldea Cyclocross



 
Mavic na fake ang hubs na ginamit ko dahil doon lang nagkasya yung 11 speed cogs ng 105 sa mga common hubs na mabibili. Sa rims naman, pwede any 29er rims ang gamitin, fit dyan yung 700c tires na pang cyclocross.
 
parang mas ok na ngayon na weinmann rims ang gamitin, mura kasi at kilala na sa tibay ang mga rims na gawa ng weinmann


Ferdz replied 6 years ago

Thanks Sir Ian. So ibig pong sabihin hindi pala kasya yung 105 cogs sa mga hubs na available satin like yung Solon? dapat po talaga road specific ung hubs kung 105 gagamitin ko? nung mineasure ko yung rear hub spacing ng frame, parang 130 mm po ata yung lapad. not sure kung standard yun sa road or mtb.

Ian Albert Staff replied 6 years ago

hindi ko pa nasubukan sa solon salvo yung 11 speed hubs
ang importante kasi masukat mo o ma fit, dalhin mo yung 105 5800 11 speed cogs kapag bibili ka ng hubs, ipa-try mo kung mag lolock
yan ang di ko pa alam sa MOB CX frame na yan, kasi wala hindi pa ulit ako kinocontact ng MOB para sa review ng frame nila kaya di ko alam
kung 130mm ang hub spacing nya, ibig sabihin hindi pwede ang mtb hubs sa kanya, medyo mas mahal pa naman at hindi gaanong common ang mga road disc hubs, unlike sa mtb hubs na ang dami mo mapagpipilian na medyo mura mura.
sa mtb kasi, 135mm e.

Your Answer

17 + 5 =