Phantom Eclipse 29er MTB

Ang sabi-sabi, powered by Trinx daw ang Phantom bikes. Hindi ko pa din ito confirmed, pero yun ang sabi sabi tungkol sa Phantom bike brand.

Sa post na ito, susubukan natin gawan ng review ang Phantom Eclipse na 29er MTB.

Specs muna.

Phantom Eclipse 29 Specs

  • Frame: Alloy 29
  • Fork: Suntour XCT
  • RD: Shimano Tourney TX
  • FD: Shimano Tourney
  • Brakes Shimano Hydraulic
  • Shifter: Shimano Altus 3 x 8 (24 speed)
  • Cogs: Shimano Acera (8 speed)
  • Crank: Shimano
  • Handle Bar: Phantom Alloy
  • Stem: Phantom Alloy
  • Seat post: Phantom Alloy
  • Hubs: Joytech Alloy
  • Rims: Phantom
  • Tires: Kenda Klaw 29 x 2.10″
  • Saddle: phantom

Alloy yung frame nitong Phantom Eclipse. Base sa nakita kong posts, meron pala itong mapagpipilian na sizes na 16″ at size 18″. Hindi naka-internal cabling yung batalya. Merong kulay orange, red, at green na color schemes itong mountain bike na ito.

via Skylark’s Bike Shop

Sa fork naman, medyo mas matino ang fork nitong Phantom Eclipse mountain bike kumpara sa stock fork ng ibang budget bikes. Kaya lang, kahit na Suntour yung brand ng fork, XCT level pa din siya. Very basic, may lock-out, pero still not bad kung ikukumpara naman sa unbranded/rebranded na stock suspension forks.

via Skylark’s Bike Shop

Shimano Tourney TX ang rear derailleur. Tourney din ang front derailleur. Kapag yata TX sa Tourney, medyo mas mataas ito ng konti kumpara sa mga TZ versions. Hindi ko sigurado kung ano talaga ang pinagkaiba. Pero overall, okay na din naman ang performance ng Tourney parts, at least Shimano yung pyesa na nakalagay.

via Bike Station

Naka-3×8 speed ang drive-train nito. Shimano Altus yung shifter. Naka hydraulic brakes na din kasi itong Phantom Eclipse, Shimano non-series hydraulic brakes. Good choice na din ng entry-level hydro brakes.

via Bike Station

Shimano Acera daw yung cogs, hindi ko alam kung anong ratio, pero baka naka 11-30T ito. Mas okay na din kasi hindi generic cassette ang ginamit.

via Bike Station

Shimano na din yung crank. Mas maganda yun kesa sa mga stock crank from 3rd parties, like halimbawa yung Prowheel crank. Tatlo yung plato, at panigurado na alloy na yung crank arms. Hindi ko lang sure kung 24-34-42 nga ba ang bilang ng teeth ng mga chainrings nito.

via Skylark’s Bike Shop

Pagdating sa cockpit setup, Phantom parts lang mostly. Pero ang maganda dito, alloy parts na kasi yun. May rise yung handlebar, dahil dun mas kumportable ito gamitin kasi mas upright yung position mo sa bike.

Yung hubs naman, Joytech brand daw na alloy hubs. Mukhang cassette type na naman itong hubs na ito kaya maganda. Kung balak mo magpalit ng drivetrain at magupgrade sa 9 o 10-speed setup, hindi mo na kailangan magpalit ng hubs dahil cassette type na naman ito. Matic yun na quick-release na ito harap at sa likod. Bolt type din yung kabitan ng rotors.

Kenda Klaw naman yung tires dito sa Phantom Eclipse. 2.1″ ang lapad nitong 29er tires na ito. Mukhang maganda itong ipang-trail dahil parang malalaki yung knobs nito. Maari natin i-expect na maingay ito kapag sa kalsada o aspalto na, hindi din kasi ganun ka-fast rolling kapag hindi na trails ang dinadaanan.

Phantom Eclipse 29 Price

via Skylark’s Bike Shop

Nasa P12,500 ang pinakamababang price ng Phantom Eclipse 29 na nakita ko.

Verdict

Maganda ba ang Phantom Eclipse 29?

Sa totoo lang mga kapadyak, matagal na itong draft na ito sa blog ko. Matagal na din itong request sa akin, ngayon ko lang sinipag tapusin para mai-publish. Dahil doon, parang naluma na din ang bike na ito. Kung tutuusin kasi, medyo matagal na din naman pala na lumabas itong bike na ito.

Hindi din natin alam kung nag-uupdate ba ng bagong modelo itong Phantom bikes na ito sa Pilipinas. Tulad ng pangalan nila na “phantom” parang multo o ghost brand lang sila.

Kung sa specs, masasabi ko na maganda din naman yung mga piniling pyesa ni Phantom. Karamihan mga Shimano parts at alloy na din. Kaya lang, medyo hindi ako satisfied sa frame niya.

Yung mga bagong labas kasi ngayon, basta lumagpas ng P10k ang SRP ng mountain bike, matic naka-internal cabling na.

Sa price niya, para sa akin, medyo namamahalan pa ako. Maganda yung components, pero kung ako lang ang bibili, susubukan ko pa din tumingin sa ibang brand.


Comments

13 responses to “Phantom Eclipse 29er MTB”

  1. Edward Pitallano Avatar
    Edward Pitallano

    Ok lang po ba ito i-pang weekend long ride?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      ok na ok yan kapadyak

  2. ian romua Avatar
    ian romua

    sir pwede bang lagyan ng 29×2.60 na tires to?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      sobrang lapad yata nyan, di ko lang sure kung kakasya pa yan.

      1. Sakto n yun 2.1 dyan… At masyado n mabigat pag uphill ESP gearset ay 8speed lang

  3. Agent Paquito Avatar
    Agent Paquito

    good afternoon po! may review po ba kayo ng phantom charles and jerry special edition?
    salamat

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      nabanggit ko lang yan sa isang video ko sa youtube

  4. Ito yun una kong bike 29×18 at medyo nakukulangan ako sa handlebar width saka sa Gears pag-ahon… balak ko n palitan ng Bago… Mganda nga pangtrail kahit putik at mabato ok yun gulong. Saka dahil 29er at 2.1 ang lapad e pinapayak ko tlga ang putik na dinadaanan nmin na yun iba kong kasamahan e nilalakad na… Hehe pero tama ka maingay sa semento o sa aspalto.
    Ano kaya ang pwede ko ipalit built bike man o assemble, any suggestion? Dapat size 17 man lang ang frame.

    1. Ano po size nang kanyang bottom bracket?, papalitan ko po kasi parang sira na ang bottom bracket

  5. Julio Tolentino Avatar
    Julio Tolentino

    Pwede bang Iupgrade ang fork nito s single crown?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      single crown naman talaga ang mga forks na pwede dito

  6. Julio Tolentino Avatar
    Julio Tolentino

    Ano po recommend niyo na magandang upgrade diyan?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *