Ilan na ang “cycling milestones” na naabot mo?

Dadating din ang panahon na ma-check-an natin lahat to..

1. Nakabili ka ng bike

via John Anorico De Roxas‎

Ito yung step 1 talaga e.

Anumang klase ng bike ang napili mo, road o mountain bike, bike pa din yan. Magkano mo man nabili, hindi importante yan. Congrats sayo dahil sinubukan mo na pasukin ang mundo ng pagba-bike.

2. Gumamit ng clipless pedals

via Lloyd Aldrie Repayo‎

Cleats pedals madalas na tawag sa atin, clipless din kasi wala ng clips.

Kapag nagsawa ka na sa flats, o naisipan mo na na ready ka na mag cleats pedals, game na.

Andyan kasi yung takot na instant-semplang kung di ka makapag tanggal, pero yung mga benefits pa din ng naka clipless, mahirap ibalewala kapag na-experience mo na.

3. Sumemplang dahil hindi nakapagtanggal ng cleats

via Kevin Cavite‎

Ito yung common na nangyayari kung nag-cleats ka na.

Pwedeng sa traffic light, o biglang may bumulaga sayo, o di kaya naman nagkamali ka ng tukod ng paa. Un-clip sa kaliwa, tukod sa kanan, matutumba ka talaga dyan na wala ka ng magagawa.

4. Nag-ayos ka ng bike sa kalsada

via ‎ليو بيناسكوساس بلاي‎

Pwedeng dahil sa flat na gulong, tapos yun yung first time mo na gagawin ang magpalit ng inner tubes sa kalsada.

O pwede din nalaglagan ka ng kadena, kakamayin mo tapos magagrasahan yung kamay.

Ilan lang to sa mga common na mechanical problems na dito nagsisimula yung pagiging mekaniko-kuno natin.

5. Nakasama ka sa ride ng grupo

via Joeffrey Cortez Doronio‎

Yung may nasamahan ka na ride ng grupo, ito yung masaya.

Mahirap man yung ride, ang masaya kasi madami din kayo na naghihirap, hindi lang ikaw.

Dito ka din makakahanap ng mga bagong tropa, mga bagong kakilala na magtuturo sayo ng mga tungkol sa bike.

6. Nakapag-ride ka ng 50KM

via Papabear Villegas‎

Feeling strong ka na dito kasi malaking achievement na to kung baguhan ka pa lang nagra-ride.

7. Yung naligaw kayo

via Ocampo Jimmy‎

Pwedeng hindi kayo nakapag-GPS o wala na talaga signal doon sa napuntahan nyo.

Na-wrong-turn kayo tapos sobrang tindi ng ahon doon sa napili nyo na daan,  kaya napalayo pa kayo.

8. Nakapag-ride ka ng 100KM

via Than‎

Ride man ng tropa o may sinalihan ka na event.

Bucketlist na to, kasi hindi din biro to lalo na kung di ka pa sanay sa mga ganitong long rides.

Malaking achievement na din to, ano mang oras inabot yung ride, kasi ang importante naenjoy mo pa din.


9. Yung nag-ride ka ng sobrang laspag

via Adrienne Franzine Villagemoon‎

Ito yung pag uwi mo, bagsak ka kaagad sa sobrang laspag.

Siguro dahil sobrang layo ng pinadyak o napakadaming ahon.

Pwedeng nagkamali ang tropa, o pwede din na sinadya mo magwalwal sa ride na ‘to.

Ito yung mga uwi na di ka na maka-akyat ng hagdan, o kaya tulog agad pag-uwi di na nakapag-bihis.

10. Bumili ka na ng iba pang bike

via Stephen Clint Pacquing

N+1 ika nga.

N yung kung ilan na yung bike mo ngayon, dagdagan mo pa ng isa.

Pag bumili ka pa ng isa pang bike, dyan na magsisimula yan.

Nasa punto ka na kasi na alam mo na yung ibat-ibang klase ng bike. Na hindi lang pala basta road bike o MTB yan.

11. Madami ng na-upgrade sa bike

via Coylyn Fesalbon Landayan

Upgraditis, yan ang tawag sa sakit na common sa mga bikers.

Pag nalaman mo na yung mga pyesa na magaganda, parang hindi ka mapapakali kung hindi yun ang maikabit mo sa bike mo para mas gumanda pa ang setup ng bike mo.

Mahirap nga lang magkasakit pag wala kang budget pampagamot.

12. Sumali ka sa mga fun ride

via Higanteng Padyak Para Sa Kabataan Charity Ride

Ito yung klase ng mga organized rides na karaniwan ay isang fund-raising o charity event.

Iba din kasi ang feeling na nakapag-bike ka na madami kang kasama, alam mo na nakatulong ka pa.

Madalas sa mga ganito may mga raffle papremyo kaya masaya din sumama sa mga ganitong events.

13. Sumali ka sa mga karera

via Les Lacson‎

Kahit na hindi mo naman hangad na mag-first o manalo, sinubukan mo pa din, para dagdag experience lang.

Sa mga ganitong events, iba din yung pakiramdam na ang mga kasama mo pagpadyak ay mga kumakarera talaga, na malalakas, na gusto manalo.

Ano man ang nais mo, maka-tapos lang o maging kumakarera din sa future, ito ay achievement na din kung makakasali ka sa mga ganito.

14. Nakapag-epic adventure ride kayo

via Ger Win

Ito yung tipo ng ride na hindi lang isang araw nyo gagawin.

Pupunta kayo sa isang lugar na pwedeng mag-overnight kayo at magcacamping, o di kaya yung ride na sobrang layo na lagpas sa 200km ang titirahin nyo.

Sa mga ganitong klase ng rides kasi, dito mo marerealize na, sobrang astig lang kasi nakapunta ka sa isang lugar na sobrang layo gamit lang ang bike.

15. Mag-bike sa ibang bansa

via Christian Mamucod‎

Kapag sawa ka na magbike dito sa atin, o na-padyakan mo na halos lahat ng lugar dito, next na dyan syempre yung magba-bike ka naman sa ibang bansa.

O kaya Pinoy ka na nasa ibang bansa, siguro dahil sa trabaho, achievement na din na makapag-bike ka dyan, kasi hindi naman lahat magagawa yan.

16. Sumemplang

via Kenken Ramires Andal‎

Ito yung di maiiwasan, kahit ako naranasan ko na yan e. Pero syempre, pag-iingat pa din.

Achievement na din yan, lalo na kung pagkatapos mo sumemplang, tuloy ka pa din sa hilig na to.

Madami pang iba, pero ito na lang muna.

Kayo, ilan ang mga achievements nyo sa pagba-bike dito sa listahan na to?

Meron ba kayong nais idagdag? I-post nyo sa comments section.

[header image via Mark Lopido‎]


  • 253
  •  
  •  
  •  
    253
    Shares
    1. battlecheeze December 9, 2018

    Add Your Comment