1×10 Conversion

โ€”

by

in

Nag convert na ako sa 1x setup.

2 years na din ako gumagamit ng 3x setup sa chainring sa crank kaya ngayon, napag desisyunan ko na na mag 1x setup naman na ako para maexperience ko din.

Sa tuwing nakakakita kasi ako ng mga naka 1x setup, naangasan ako sa porma. Ang linis kasi tignan din.

Umorder ako ng 1x chainring na narrow-wide sa Aliexpress para sa current crankset ko na old model ng Alivio. Wala pa kasi akong budget para bumili ng bagong crankset e, kaya tyaga muna sa lumang crankset. Ito yung link kung saan ko nabili na shop yung chainring na gamit ko:

Sa totoo lang, mas mura pa ito kung bibilihin mo dito sa Aliexpress e, kaysa sa kung bibili ka sa mga online shops sa facebook o sa bangketa sa Quiapo. Nasa P1,200 ang nakikita ko na bentahan dito sa Pinas ng mga chainrings na pang 1x e, dyan sa Aliexpress, nasa P400 ko lang nabili.

Tingin ko kasi, pare pareho lang din naman yung mga nabibiling chainrings na yan e. Same lang na 7075 alloy yung material, iba iba lang din ng brand na nakalagay. Hindi pa nga sikat yung mga brands e, kaya dun na ako sa mura. Kung sakali man na hindi tumagal yung chainring na nabili ko o nasira agad, magkakaalaman.

Wala kasi akong nakita noon sa bangketa sa Quiapo nung naghahanap ako ng 32t na 96bcd para sa Alivio crankset ko. Meron ako nakita Sagmit, pero buti na lang hindi ko binili dahil hindi pala daw yun fit sa Alivio kahit 96bcd na. Siguro, asymmetrical ang chainring na yun, e symmetrical dapat kung para sa 96bcd na Alivio at hanggang sa Deore na M6000.

Bukod sa chainring, bumili na din ako ng chainring bolts na para sa 1x setup, kasi hindi daw pwede gamitin yung stock na chainring bolts e, medyo mas mahaba ng konti yung stock. Mura ko lang ito nabili nung magpunta kami sa Quiapo, sa bangketa ko nga lang din nabili. Meron din nito sa Aliexpress.

Yun lang ang kinailangan ko para makapag convert sa 1x galing sa 3x na setup.

Tinanggal ko yung kadena para matanggal ko din yung front derailleur ko.

Tinanggal ko din yung drive train side ng crank para makalas ko yung mga nakakabit dito na tatlong plato.

Pagkatapos nun, kinabit ko na yung nabili ko na pang 1x na narrow wide chainring sa pwesto ng dating middle ring at ginamit ko na din yung nabili ko na chainring bolts.

Okay na, naka 1x na ako. Ganun lang pala yun kadali.

Sa ngayon, susubukan ko pa i-ride ng i-ride ito. Magkaka alaman pa kung maiiwan ba talaga ako sa patag. Pero ang pinaka inaalala ko talaga dito ay baka mas mahirapan ako sa ahon, pero malalaman natin yan.

Yung chainring ko pala, oval yung binili ko para matesting ko din at maexperience ko din gumamit ng oval na plato. Sabi kasi, mas masarap daw ito padyakin lalo na sa ahon.

Same setup pa din, naka LTWOO A7 na gear set pa din ako dito. Weapon Shuriken naman yung cogs ko na 11-42T.

Kaya lang may issue ako ngayon dito na kapag nag back pedal ako na nasa pinaka malaking cogs yung kadena, nahuhulog ito sa ibang cogs. Ayon sa research ko, dahil ito sa chain line na wala sa ayos. Yun ang kailangan ko pa ayusin. Sinukat ko nga yung distance ng chainline, nasa lagpas 50mm, na ang sabi sa internet dapat daw below 50mm ang layo nung chainring sa may gitna ng frame sa may bandang seat tube.

Kapag may ganitong issue kasi, mas mabilis daw ang chain wear o pagkaluma ng kadena. Susubukan ko muna bukas kung manageable ba na may back pedal issues pag nasa lowest gearing. Pero aayusin ko din ito, titignan ko kung makukuha sa pag adjust gamit ang spacers para mas pumasok o lumapit sa frame yung chainring ko na single.

Meron ba dito ibang naka 1x setup? Kamusta naman ang performance? May issues din ba kayo? Tingin nyo ba pag nagpalit ako ng crankset, mawala yung issue na to?

Kung meron man sa inyo na nais gawin ang ganitong setup at may tanong din kayo, i-post nyo lang sa comments at sasagutin natin yan.

May video ako na ginawa tungkol dito, iuupload ko in the future.

Update ko na lang din ang post na ito sa hinaharap.

I-ride ko muna itong bagong setup ko. So far overall, masarap sa pakiramdam, medyo magkakaalaman pa sa performance.


Comments

51 responses to “1×10 Conversion”

  1. Nikko Joson Avatar
    Nikko Joson

    wala naman siguro problem kapag alivio groupset tpos ipa 1x ko agad sir dba? bibili kasi ako bukas.tpos papakabit ko na din. Thanks!

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      nasasayo naman yun kapadyak
      kung stock ng alivio crank tapos tatanggalan mo lang ng ibang plato, medyo alanganin yun kasi dapat narrow wide ang chainring na gagamitin mo para di mahuhulog yung kadena.
      nasasayo din kung di ka naman mabibitin sa gearings, 9-speed lang kasi stock ng Alivio e, at kung stock cogs lang din yan ng Alivio, baka bitin ipang ahon yung biggest cog nun na karaniwan 36T

  2. Froilan Avatar
    Froilan

    Try mo bawasan muna chain length mo bka maaus yang bagsak ng chain mo sa pag back pedal.bka do mganda tension. Ako ulit ung nka 1×8 setup 11-42t. Sa tingin ko okay ka lang sa akyatan subok ko na dito sa Baguio. Balak ko mag 1×11 antay ko vlog mo about sa hubs na papatesting sayo.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      ano crank gamit mo kapadyak?
      di ba nahuhulog kadena mo sa cogs kapag nai back pedal mo sa 42T?

  3. Simone Nacionales Avatar
    Simone Nacionales

    Nakaganyan rin yung tropa ko sabi niya dinaman daw sya naiiwan nung mga kasama nya sa ride nasa lakas nalang daw nang tuhod yan

    Magkano mo nga pala nabili yung merida mo na bike bibili kase ako ng mtb

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      25k ko nabili yung mtb ko na merida nung 2016 ko pa nabili

  4. BarryDomagas Avatar
    BarryDomagas

    Sir, Good Day,

    compatible ba yung chain ring mo sa Alivio m4000 na crank? balak ko din kasi mag 1x ulit pero wala akong mabili na 32t or 34t sa Quiapo, ang meron ako 36t mejo nalalakihan nga lang ako.

    thanks.

    ride safe.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      oo compatible, ganyan din crank ko alivio fc-m4000
      96bcd sya na symmetrical
      tama ka, medyo mahirapa makahanap sa Quiapo ng 1x crank para sa alivio na 32t kaya nga nag order na lang ako online. mas mura pa.

  5. ryu orcajo Avatar
    ryu orcajo

    Compatible po yan sa alivio na hollowtech?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      compatible at mas maganda kung hollowtech dahil mas madali mag adjust ng spacers sa bb para sa pag ayos ng chain line adjustment

  6. Emilio Avatar
    Emilio

    sir, naka x2 akong conversion deore xt m780. Na my chainring na 42/32 pwde ko po bang palitan ng oval chainring yung 32t khit nka x2 ako?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      naisip ko din yan, hindi ko lang sure kung pwede, kung magwork ba flawlessly yung oval chainring pag may fd na. hindi ko din sure e, pasensya na kapadyak

  7. Jaymark Avatar
    Jaymark

    Boss, gusto ko sana mag upgrade para maging 1×11 kaso limited lang budget. Okay na kaya tong mga pyesa na canvass ko or may kelangan pa ako idagdag:

    Part Price
    Shimano SLX Shifter 11 Speed RIGHT ONLY 1200
    Chain KMC X11.93 Chain 11 Speed Heavy Duty 1200
    Derailer Shimano SLX 11 Speed Rear Derailer Roller Japan 2250
    Cassette Sagmit 11-50T MEGA Big 11 Speed 585 grams 1600
    Hub Solon Salvo 6 Pawls Sealed Bearing Hubs 2500
    Brake Shimano Altus Hydraulic Brakes 1700
    Crank Sagmit 1X Narrowwide with BB Set 2450
    Goat link 350
    Total 13250

    thanks in advance

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      ok na yan setup mo, maganda na kakalabasan nyan

      goat link may makukuha ka nyan tig 200 lang. then sa ibang parts, subukan mo pa din na tumawad baka may maibawas pa.

  8. jaymark Avatar
    jaymark

    Bossing, okay na ba tong 1×11 set up na nacanvass ko?

    Part Price
    Shimano SLX Shifter 11 Speed RIGHT ONLY 1200
    Chain KMC X11.93 Chain 11 Speed Heavy Duty 1200
    Derailer Shimano SLX 11 Speed Rear Derailer Roller Japan 2250
    Cassette Sagmit 11-50T MEGA Big 11 Speed 585 grams 1600
    Hub Solon Salvo 6 Pawls Sealed Bearing Hubs 2500
    Brake Shimano Altus Hydraulic Brakes 1700
    Crank Sagmit 1X Narrowwide with BB Set 2450
    Goat link 350
    Total 13250

  9. Lavender Nastor Avatar
    Lavender Nastor

    Ian what frame size ng bike mo at what wheel size din po?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      size 15 ang frame size ng bike ko
      29er naman ang wheel size nito

  10. Lavender Nastor Avatar
    Lavender Nastor

    Ian what po frame size merida mo? what din wheel size?

  11. sir compatible poba chainring sa altus crank?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      check mo kung pwede pihitin ng allen yung bolts sa crank, kung pwede, pwede yan pero parang di yan pwede e

  12. Kapadyak yung merida mo 29 yung wheel size at 15 yung frame? Anong height ng sasakay pwede dyan? 5’5 hanggang anong height pababa? Thanks

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      5’8″ ako pero kumportable lang sa akin, di naman sobrang liit. kaya pa siguro yan 5 flat basta kumportable lang sa 29er na wheel size yung rider

  13. Kuya iyan ganyan ung set up ng bike ko e 1×9 36t
    Tas kapag nasa maliit ung cogs ko at ibaback pedal ko biglang ayaw na niya ma backpedal bat kaya ganon?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      may problema dyan pag ganyan, hindi ko lang alam paano maayos kasi di ko pa naencounter. baka may part na naiipit yung kadena.

  14. Kapadyak…plano ko pong mag 1×10…ano po set-up mo sa iyong cogs?at meron po bang bagong issues kau na naencounter?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      weapon shuriken cassette gamit ko, 11-42t lang
      issue lang dyan yung chain line, pag nasa biggest cog tapos nai-back pedal mo mahuhulog yung kadena sa cogs.
      pwede maayos pag nagpalit ako ng crank na hollow tech, pero walang budget e, kaya ok na ko dyan sa setup na yan, di naman big deal

  15. Sir ian bkit po wlang oval na chainring sa ni link mong online shopping ๐Ÿ™ gusto ko din sana maranasan yong ginawa niyo x1 set up sakto nka alivio group set po ako. Ang hirap po talagang mag hanap ng chainring na 32t Oval 96bcd na symmetric dito sa pinas ๐Ÿ™ kahit matagal shiping ok lang basta kagaya ng nabili mo yong makukuha ko.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      meron yun dun, o kaya search mo lang sa aliexpress

  16. Sir ian naka 3x alivio T4060 ung hollowtech na po. And then gusto kung mag 1x sagmit 9s .anong chainring ang compatible or gagamitin ko salamat sa sagot.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      96bcd yata yan tapos symmetrical, mahirap lang maghanap local kaya maybe orderin mo yan abroad

  17. the_junkshop_bike Avatar
    the_junkshop_bike

    Boss Ian, nag back read lang ako kasi kelan lang ako nag 1x set up, gamit ko XT shadow rd, deore sfiter, sagmit 32t chain ring, 11-46t cogs with goatlink. sa experience ko ang performance ay “mapapag chagaan”lang hindi katulad ng mga slx,xt,sram na may g.set talaga na pang 1x set up swabe. ilan mekaniko na din napag tanungan ko para maitono maige ang rd ko kasi may issue din sa back pedal yung iba sabi natural na may laglag yung iba sabi wala sa tono, pero sa mga tropa ko na naka g.set na orig 1x set up wala issue. so IMHO brand A nilagay kay brand B meron talaga lalabas a issue. yan ay base lang naman sa experience ko.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      10spd shifter kasi yan tapos 11spd RD
      pero tama ka, merong setup na hindi nahuhulugan ng kadena pag nag back pedal, tulad sa SRAM

  18. JOJO GANNABAN Avatar
    JOJO GANNABAN

    okay lang ba yung 3x to 1x? compatible din po ba wala po ba issue?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      ok yan

  19. Sir ian 8 speed po dati 11-32 pinalitan ko ng sagmit 8s 11 -32, ung dating crank pa rin ni retain ko 53. Now pwede ba ako mag dual crank i retain ko ung 53? Thanks

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      hindi ko masyadong naintindihan, pasensya na kapdyak

  20. Question po boss balak ko mag 1x kase naka stock 3×8 ako ngayon. Pwede kaya gamitin ko yung sagmit 34t na crankset para maging 1×8 yung setup ko?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwede po

  21. sir tanong ko lang kung pwede ba yung gantong setup 1x alivio crank cole chainring tapos 10speed na cogs and deore na RD pwede ba yon? wala bang problema don?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwede po

  22. Clark Garret Alvarez Avatar
    Clark Garret Alvarez

    Sir Ian may tanong lang po ako. Kayo lang po siguro makakasagot nito. Okay po ba ang Sagmit 36T na crankset sa LTWOO A3 na 8 Speed. Sinisigurado ko lang po bago ako bumili. Kasi po yung mid gear ng stock crankset ko ay 38T. Compatible po ba ang 36T na Crankset sa 8 Speed ?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      ok lang po yan

  23. enrico manuel Avatar
    enrico manuel

    paps anu po dapat qng bilhing chainring kung gusto king mgconvert mula 3×8 to 1×8? may bilang po b ng teeth na sinusunod?thanx

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      di maganda yan, sobrang laki ng talon sa mga cogs

  24. paps Ian pwede kaya ako mag 1×8 set-up 34t chainring 11-40t 8 speed need ko pa ba gumamit ng goatlink pag ganun na kalaking sprocket sa cassette or pwede plug and play na lang?? shimano acera rd ko mid cage.salamat

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      mag goat link ka na lang para di kawawa yung rd

  25. Antonio Gonzaga Avatar
    Antonio Gonzaga

    Good day boss..ano po magandang mtb 29er na mabibili sa 20-30k po?meron bang 1X10 set-up kaya po? thank you

  26. Good day!
    May tanong ako sa aliexpress. Ano shipping ginamit mo? thanks!

  27. Kuya Ian pwede bang hindi na gumamit ng Kactus o kailangan ba talga para hindi malaglag kung nag 1x setup ka?

  28. Shawn Ian Avatar
    Shawn Ian

    sir, sakto lang po ba yung set up na 34t yung crank at 11’50t yung sprocket? hirap po ba sa akyatan? thanks ..

  29. Boss ian may slx rd-m7000-10z sgs. Pwede po ba ito i 11-42 na cassette? 1×10 set up?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *