Ultimate Yaya Ride – Guinness World Record Attempt

Lahat ng dapat mo malaman tungkol dito sa event na ito

I-post ko dito lahat ng tungkol sa event na ito na organized ng Trinx bikes para masagot yung mga common na tanong nyo mga kapadyak regarding this event.

Pero bago ang lahat, meron na pala ako na ginawang video tungkol dito.

Correction lang sa video mga kapadyak, yung nabanggit na transportation support na ipoprovide sa atin dapat ay napag usapan lang noong may bayad pa na P500 dapat sa event. May food din sana dapat na kasama, pero dahil ginawa ng free yung event na ito, mas maganda kung di na natin iaasa pa sa Trinx yung transpo at food dahil nga, free na lang yung event. Wala ka ng babayaran para makasali ka dito.

Wala ng food na kasama pero magkakaroon sa venue ng mga food stalls na kung saan pwede tayo makabili ng pagkain.

Ang event ay gaganapin sa darating na October 28, 2018 sa may Clark Freeport Zone sa Pampanga. Ito ay isang fundraising event na ang beneficiary ay ang Hospicio De San Jose. At the same time, bukod sa pagiging isang fundraising event, makakapag bigay din tayo ng karangalan para sa bansa natin kapag na-break natin ang world record ng longest line of single file moving bicycles.

Isang linya lang ng mga nagba-bike, nasa 1,186 lang ang previous record na tatalunin natin. Expected natin dito ay 4,777 na kapadyak ang makiisa sa event na ito para matalo ang record na yun na hawak ngayon ng Bangladesh.

Legit na legit na ang event na ito dahil, dadating talaga ang Guinness World Records committee para dito sa event na ito. Binayaran na ng Trinx ang Guinness para pumunta dito sa Pinas at i-acknowledge ang attempt na gagawin natin. Wag kayo mag alala, dahil hindi ito katulad nung nangyari sa History Con last year.

Paano makasali?

Lahat ng dapat nyo malaman regarding sa event ay naka-post na dito sa website ng event.

Free lang itong event na ito, walang babayaran.

  • Kailangan mag-register sa website ng event, o di kaya sa mga participating bike shops.
  • Kailangan grupo kayo na at least 5 members.
  • Ang ireregister nyo ay yung grupo lang ninyo.
  • Kailangan yung leader ng grupo ay umattend sa orientation meeting na gaganapin sa Quezon City at Pampanga para maging valid ang pagregister ng grupo nyo.

Sa orientation meetings, dyan ibibigay yung ticket para sa event sa mga groups. Yung mga meeting na ito ay gaganapin sa mga petsa na: September 16, 23, 30, at October 7, 14, 2018. 8:00 AM hanggang 12:00 ng tanghali.

Mga Bawal

  • Bawal naka fixed gear – wala kasi freewheel at walang brakes. Para lang maiwasan ang aksidente na masira ang linya kasi pag nagka aberya sa linya, magiging “fail” ang attempt natin. Dapat may preno yung bike na gumagana din.
  • Bawal ang naka BMX – baka daw kasi maputol ang linya dahil mababa upuan, mababa handlebars, maliit ang gear ratio, hindi makasabay sa pack.
  • Bawal ang naka cleats shoes at pedals – iniiwasan lang ulit ang magka aberya sa linya na paano kung hindi makapag-unclip yung rider, matumba, edi masemplang, masira yung linya. Kung walang naka cleats set, walang issue na ganyan. Hindi naman ito karera, kaya hindi naman kailangan ng efficient na pag pedal na benefits ng naka cleats.
  • Bawal ang kiddie bikes – same with BMX reason.
  • Bawal walang helmet – no helmet, no ride.
  • Bawal 17 years old pababa o 56 years old pataas – 18-55 years old lang ang allowed na sumali sa event na ito. Health concerns lang para sa mga 56 years old pataas, at para naman doon sa mga 17 pababa, meron kasi kailangan na papeles pa kung magsasali ng minors.
  • Bawal naka sando at sinelas.
  • Bawal solo registration, kailangan grupo kayo na sasali. Kaya ganito yung requirement, dapat kasi may magcocommand na leader sa isang grupo para masiguro na maidaos natin na maayos yung gagawin na attempt. At least 5 na members sa isang grupo.

Pwede ang folding bike, pero at least 20 inches na gulong dapat.

Para sa english version, at sa iba pang details na na-miss out ko, check out the post made by TheCyclelogist.

Ito yung mga makukuha kapag sumali sa event:

certificate

official jersey

Yung certificate ibibigay kapag natapos na yung event at naging success ang world record breaking attempt natin.

Yung jersey naman ay ibibigay, 6-hours bago magsimula yung event. Kaya kahit na Oct 27 pa lang ng gabi, pwede na pumunta doon sa venue para sa distribution ng jersey.

Meron ding mga pa-raffle sa event na ito, lahat tayo ay pwede manalo.

May program na magaganap habang hinihintay ang official announcement ng Guinness sa resulta ng ating attempt.

Pwedeng manood ang mga gusto manood sa Clark, pero hindi sila papayagan na makapasok sa venue kung saan papadyak ang mga kasali sa event.

Assembly time sa Clark Picnic Grounds ay 1AM.

Simula ng line formation ay 4:30AM. Hindi na papayagan sumali sa linya ang male-late. Ride out na ng 5:45AM.

May libreng bike tune up habang naghihintay ng ride out. May mga mekaniko doon na naka-deploy sa assembly area.

Single line lang dapat at kailangan hindi lumagpas sa 2 bike na space sa nasa unahan para maconsider na buo pa yung line. 5-6kph lang ang takbo kaya mabagal lang. Kailangan lang natin mai-maintain yung single line na tumatakbo para ma-break natin yung world record.

Event Website https://www.trinx.com.ph/guinness/

Event Page https://www.facebook.com/trinxcreatinghistory/

Full disclosure mga kapadyak, taga-pakalat lang din ako dito ng information regarding sa event na ito.


  • 114
  •  
  •  
  •  
    114
    Shares
    1. christian esico September 11, 2018
      • Ian Albert September 17, 2018
    2. Labs September 13, 2018
    3. ronnie catantan October 10, 2018
      • Ian Albert October 18, 2018
    4. JOMZ October 30, 2018
      • Ian Albert November 12, 2018

    Add Your Comment