Sa video na to subukan lang natin na i-tubeless setup ang stock rims ng Trinx Brave 1.1. Full Suspension MTB. Pwede kaya? Hindi kasi Tubeless-Ready yugn stock rims nito na Weinmann U32 at Schrader din yung valve nya.
Ito yung mga links ng mga items na ginamit sa video na to. Click nyo lang kung need nyo o gusto nyo din mag-setup ng tubeless.
Tires na ginamit: Maxxis Forekaster.
Tubeless Tires
Buy Maxxis Forekaster 27.5 x 2.2
Maganda itong tires na ito. Folding, magaan, tubeless ready na din. Mura pa. Fast rolling din, hindi sobrang aggressive. Magandang all-around tires na din, good for long rides and trail rides, kayang kaya.
Sealant
Buy Stans Sealant
Ito naman yung sealant na ginamit ko. Effective naman, never pa ako na-flat, mabilis din mag-seal. Sulit ang bili dito kasi tingin ko kaya umabot hanggang 8 na pares ng gulong ang pwede nya i-tubeless.
Tubeless Tape
Pwede kayo gumamit ng duct tape. Pero mas maganda pa din kung tubeless specific na tape ang gagamitin. Magandang alternative din yung Gorilla Tape. Mas mura pa kesa sa tubeless tapes, pero mas maganda ang performance kung ikukumpara sa mga common na duct tapes.
Buy Gorilla Tape
Buy Tubeless Tape
Tubeless Tire Valves
Importante ito para makumpleto ang tubeless setup.
Merong dalawang klase ito, isang schrader type na valve, at isang presta type valve. Piliin mo kung ano yung swak sa rims ng wheelset mo. Pag mataba ang butas, pang schrader yan. Pag maliit ang butas, pang presta valve yan.
Misc. Kit
Pwede kayo gumamit ng syringe na nabibili sa botika. Pero ang maganda dito sa nasa link, 60ml na ito. Malaki ito. Isang puno lang nito, good na yun sa isang MTB tire.
Buy Tubeless Sealant Injector Bike Bicycle Cycling Tire Tool
Meron na din kasama na valve core tool na pang tanggal ng valve core ng parehong presta at schrader valves. Ginagamit ito pag magrerefill ka na ng sealant.
Sali kayo sa Maxxis Cup 2
Leave a Reply