Breakfast Ride sa Valley Golf and Country Club | Yaya Ride sa Higanteng Padyak


Nagsama sama kami nila sir Ger Victor (Bald Trekker), sir Carlo Carlon (The Cyclelogist) at sir Jay Katigbak para mag breakfast ride sa loob ng Valley Golf sa Cainta.

Sa may JayJ’s kami kumain ng breakfast. Maganda ang ambiance dahil sa loob yun ng golf course. Peaceful din kasi wala masyado tao nung time na yun.

Nakapag-ride din ng first time sa loob ng Valley Golf. Hindi pala nagpapapasok ng bikers doon dati, pero pwede na daw basta wag lang kayo lalagpas ng 2 na magkakasama. Pero dahil kasama namin si sir Carlo, hindi kami nagkaproblema na makapasok kasi kilala sya ng gwardya doon.

Naikwento sa amin ni sir Carlo na doon pala yung mga bahay na madalas pag-shootingan ng mga telenovelas. Puro mayayaman din daw ang nakatira dun.

May mga ahon sa loob pero puro sementadong kalsada lang naman.


Saktong ahon lang, hindi sobrang tarik, hindi din naman sobrang haba.

Pumpadyak kami hanggang makalabas ng Sumulong Hi Way doon sa may bola ulit ng Golf sa may tapat ng Old Spaghetti House.

Tambay saglit doon para makapag pahinga at makakita ng ibang bikers na umaahon sa hiway.

May natyempuhan pa kami na mga naka electric scooters.

Kaya kami tinipon ni sir Carlo, e para i-meeting dahil magsisilbi kaming mga media partners ng event na Higanteng Padyak para sa Kabataan. Isa yung charity ride na pang 4th na this year.

November 11 dapat ang scheduled date nun pero na-move sa December 2 na.

May registration na 350, pero sulit yan sa jersey, meal at raffle.

Kitakits tayo dyan mga kapadyak.

Follow Higanteng Padyak Para sa Kabataan facebook page for updates: Higanteng Padyak Para Sa Kabataan Charity Ride

Event page: 4th Higanteng Padyak Para Sa Kabataan Charity Ride


  • 50
  •  
  •  
  •  
    50
    Shares