ForumHow To Remove Squeal When Braking
Migz Vasquez asked 6 years ago

Paano tangalin ang ingay o \”squeal\” sa preno? Nag simula lang magkaganito nung pina-bleed ko kc parang may hangin sa brake kc kailangan pa bombahin bago kumagat……baka kako nalagyan ng langis yung pads at rotor kaya nilinis ko din….nilgyan pa ng alcohol nung gumawa…inisprayan ng alcohol ang calipher, pads at rotor para daw matangal ang langis….pero wala pa din….Sinubukan ko nang gawin mga nakita ko sa net (baklasin ang brake pad, linisin at lihahin, niliha ko na din ang rotor)…pero ganon pa din.. Bago pa lang ang bike ko, wala pa 2mos, konting ride pa lang din… Palit brake pads na ba agad? Palit rotor? Sana may tip po kayong maibigay para mawala itong squeal. Tnx and more power UnliAhon!



Share this:

Copy and paste this code into your website.

1 Answers
Ian Staff answered 6 years ago

Brake pads lang papalitan mo dyan, yung rotor, makukuha pa yun sa linis gamit alcohol.
Sa brake pad kasi, posibleng nasipsip na ng pads yung langis kaya nasa loob na kaya kahit anong liha at alcohol bumabalik pa din yung ingay nya.



Your Answer

16 + 16 =