Sir Ian, ako yung gusto bumili dati ng norco o cannondale pero sinuggest mo merida kaya yun nabili ko. Ito naman tanog ko sir, ano po okay na hubs at para aan ba talaga yun? Tingin ko kasi para lng safe pag maingay kasi maririnig ng iba at para di din mabundol? Salamat sir
pamporma nalang ngayun ang maingay na hubs.
kung hindi ka naman nag-eenduro trail hindi basta basta masisira ang stock hubs.
mga advantage lang naman ng mahal na hubs ay:
1. magaan
2. sealed bearings
3. wala slack kapag bigla ka pumadyak – engaged agad ang padyak dahil 6 or more pawls na sya (meron din 3 or 4 pawls pero kada pawl meron 2-4 teeth kaya high engagement parin)
4. at pa-pogi – yung ikaw yung tipong titigil sa pagpidal kahit paahon kalsada para lang mapatunog at iparinig sa kasalubong na maingay hubs mo
kaya hwag magpa-pressure sa usong uso #tunogmayaman hubs, kung wala na itutunog ang bulsa pagkatapos ng upgrade.
okay na yan stock hubs, laspagin mo na lang muna, ako 2 years din tinagal nung stock hubs ng merida ko na Formula ang brand. hanggang ngayon, ok pa, naka ilang repack at regrease na nga lang yun.
lately lang ako nagpalit ng hubs, sa may tunog at sealed bearing na, ramdam ko na mas swabe ikot nya. siguro bago, o siguro ganun lang talaga pag sealed na. di din ako masyadong fan ng matunog na hubs, bonus na lang yun na may tunog sa akin.