Ano po ang okay dito para sa 20-30k budget na MTB? Foxter Mckinley 8.0, Norco Storm 7.1 or Cannondale Trail 4.0
kung ganyan budget ko, di ko gagastusin sa foxter, bakit? doon na ako sa mga mas kilalang brands.
norco, cannondale, good choice na yan, dagdag mo pa kung merida big nine/seven 300.
ako kasi personally, kung low budget lang, ok lang kahit ano brand
pero kung gagastos ka na lang din naman ng medyo malaki, doon na sa brand na mas kilala, kasi iuupgrade mo din naman yan pag nagka budget ka. proud ka pa dahil kilalang brand yung nasa frame ng bike mo.
Salamat sir ang kukunin ko na big nine 500 (2018) wala na kasi big seven at same price lang. manitou na markhor fork tapos deore na din. 31.5k. Di na masama sir? Salamat ulit
good choice, maganda yan, di na masama, sulit na sulit na. konting dagdag lang sa price ng Big Nine 300 pero laki ng improvements sa overall specs