ForumCarbon Frame vs Aluminum Frame
WAKKY asked 6 years ago

Nagbabalak po ako bumili ng Trinx H1000 kaso nung nabasa ko yung review nyo sabi nyo sa personal nyong damdamin na “hindi pa din ako handa sa carbon na MTB. May kaba pa din ako, takot na baka hindi kayanin ang abuso ng mabato o malubak na daan na normal lang sa padyak ng mga naka MTB.” 


Bakit po? ano po ang meron sa Alloy na wala sa carbon pagdating sa lubak lubak? at ano po ang downside ng Carbon kahit personal opinion nyo lang po ok na SALAMAT PO KUYA IAN!! sana mameet po kita someday.


Share this:

Copy and paste this code into your website.

1 Answers
Ian Staff answered 6 years ago

Wala pa ako experience sa carbon na MTB, pero sa carbon na pyesa meron na. SInubukan ko dati na bumili ng carbon handlebar na hindi sikat na brand, may flex, natakot ako na baka maputol kung gagamitin ko na sa trail. Medyo nakakatakot lang yung carbon kung iisipin mo na baka mag crack sya o maputol lalo na kung sa mga lubak lubak na o extreme na rides. Hindi tulad ng sa alloy lang, medyo mas panatag ako ng konti na di siya basta basta mag ccrack pwede na lang kung sobrang lakas ng impact.
 
Sinabi ko yan dati, pero nung nalaman ko na maganda din naman pala yung pagkakagawa sa frame ng Trinx H1000, hindi na ako magdududa na irekomenda ito sa mga may interes dito. Kung yan ang trip mo na bike, panalo ka na dyan.



Your Answer

11 + 14 =