ForumBike na may Large Frame – 10k-12k budget
Kikko asked 6 years ago

Ask lang po kung merun na price na 10k-12k na bike na may large frame. 6 footer po kasi kami ng kapatid ko balak po namin bumili ng bike. Kaso according the bike frame size di kami magkakaayos sa 17\” below. or we might be wrong? Baka po may masusuggest kayo? wala po kasi kami makita na large frame size.   Thanks po



Share this:

Copy and paste this code into your website.

2 Answers
Ian Staff answered 6 years ago

medyo mahirap talaga maghanap ng bike na Large size sa mga budget bikes, kasi yung size na yan makikita mo lang karaniwan sa mga big name brands na nasa 20k up na price range.
 
sa totoo lang, pwede ka pa din naman sa 1 size smaller na bike, madali lang mag compensate sa seatpost, saddle position at stem length. Ang mahirap lang ay kung 1 size bigger yung bike para sa height ng rider, doon na magkakaroon ng problema.
 
Mag 29er na lang din kayo para naman maging bagay na bagay para sa inyo yung itsura ng bike, medyo matangkad kasi kayo kaya swak na swak talaga kung mag 29er kayo.



Kikko answered 6 years ago

Salamat sa suggestion. Pero baka may marerecommend ka na bike na 29er na pasok sa budget? thanks talaga ha



Your Answer

10 + 12 =