May mas mura pa pala na rims kaysa sa Weapon rims. Itong Weinmann rims, mabibili na ngayon sa bike market natin dito sa Pilipinas.
Matagal na sa industriya itong si Weinmann sa pag gawa ng rims. Sila pa pala ang gumagawa ng rims ng ibang mga sikat na brands tulad ng Dartmoor, Origin8, HED, Merida Matts rims, Fuji Blanchard rims, KHS built bike rims, Diamondback built bike rims, at iba pa.
Si Weinmann ang nagsusupply ng rims sa mga brands na ito, nairerebrand lang nila. Ngayon, pwede na tayo makabili direkta kay Weinmann dahil may distributors na ito sa Pinas.
Ito ang lineup ng mga Weinmann rims na available na sa atin:
Weinmann Taurus Rims
- 517 grams 27.5
- 550 grams 29er
- Outer Width 26.3mm
- 32 holes
- 27.5 = SRP: P850/pair
- 29er = SRP: P900/pair
Weinmann Aquila21
- 442 grams 27.5
- 470 grams 29er
- Outer Width 26.3mm
- 32 holes
- 27.5 = SRP: P1,000/pair
- 29er = SRP: P1,000/pair
Weinmann U32TL
- 462 grams 27.5
- 491 grams 29er
- Outer Width 32.06mm
- 32 holes
- Tubeless-ready
- 27.5 = SRP: P1,250/pair
- 29er = SRP: P1,300/pair
Weinmann U32
- 480 grams 27.5
- 511 grams 29er
- Outer Width 32.06mm
- 32 holes
- 27.5 = SRP: P1,050/pair
- 29er = SRP: P1,100/pair
Meron pang ibang model ng Weinmann rims pero di ko na nasama dito sa post dahil kulang pa yung mga info na available tungkol dun. I-update ko na lang ang post na ito kapag meron na akong dagdag na information tungkol dun sa ibang rims like yung: Weinmann Disc Bull rim, Weinmann Xm1 rim, Weinmann U28, Weinmann U28 TL, Weinmann U40 TL. Tingin ko ibang variants lang ito na may ibang rim widths.
Pang 27.5 at 29er lang yata din ito tulad ng sa Weapon rims. Sleeved-joint din ang technology ng pagkakabuo sa rim. Tubeless-ready na din.
Dahil sa mura nitong Weinmann rims, wala ng dahilan para mag settle ka pa sa mga generic alloy rims na mabibili natin sa halos same price o baka nga mas mahal pa.
May 1-year warranty din itong Weinmann rims kaya sulit na talaga na ito na lang kesa sa generic na alloy rims. Kampante ka pa sa quality.
sir ian meron po bang ibang kulay bukod sa black??
kay Weinmann wala, black lang, pero yun ang nagpamura sa kanya. Kung gusto mo may kulay, Weapon, sa ngayon black at red pa lang pero magkakaroon din daw ng ibang kulay.
Magandang gamot para sa maysakit haha. Salamat dito kapadyak
Kung may time ka paps Ian pareview naman ng trinx D500 elite 🙂 salamat at more power sayo
Ayos to ah. Murang gamot para sa maysakit. Salamat dito kapadyak Ian
Kung may time ka pareview naman ng trinx d500 elite 🙂 salamat at more power
sige sige, may pictures na ako nyan na naka ready
Sir HM yung total cost nung mga items na ginamit para maging tubeless thansk in advance!
yan ang hindi ko pa din alam, balak ko din magtubeless setup pero di ko pa maasikaso, wala pa kasi budget pero estimate ko mga below 2k lang sana, di pa dyan kasama yung bagong gulong
Sir Ian….maraming salamat sa mga reviews mo, marami akong ideas na nakukuha. Sir, baka pwede mag review ka tungkol naman sa mga tires/tyres….more power sir ian!
gagawa din tayo ng tungkol dyan
paps Ian meron na kaya nito sa Quiapo? Or saan ba meron nito? balak ko na magpalit ng TL tires eh, salamat more power
meron yan
sir ian kaya ba i fit yung 27.5 ni weinmann at weapon sa 26er na dabomb sonic boom?
papasok siguro yan pero baka bawal ka na gumamit ng malapad na tires
ay yun lang sayang naman po. dj setup kasi gagawin ko dun sir eh. may mga maiisuggest ka bang rims na pang 26er na afford ng budget pero quality pa din naman?
meron weinmann rims na pang 26er
naka out na din po siya sa mga list na nilagay nyo?
yes
sir bat parang fishy yung mga weinmann na binibenta dito mostly sa website walang eyelet yung rims nila pero sa actual pics meron hindi kay class A lang to?
yan ang di ko alam kung bakit
sir ian ok lang ba yun tire na 2.3 sa u40tl na rim
ok lang yan
Sir saan pong shop makakabili nito”? sana po mareplyan
https://www.unliahon.com/list-weinmann-rims-dealers/
San po ba nakakabili ng weinmann along metro?
Recommend ka nmn ng shops paps. Hirap nmn humanap kasi.
https://www.unliahon.com/list-weinmann-rims-dealers/
Sir up ko lang tong blog mo. May tanong kasi ako. Balak ko kasi mag upgrade ng hub, shimano non-series kaso karaniwan 36h. Meron ba nito ng 29er 36h ano po pati recommend nyo dyan na fit(width size) sa current tire ko ngayon cst jack rabbit 29×2.10(schrader type inner tube). Presta o schrader po ba ito? Baka may marecommend din kayo budget meal spokes hehehe. Salamat!
Good day Sir! May konting katanungan lang ako about Weinmann rims gusto ko kasi porma nya simple lang at sabi nyo nga e trusted na matibay. Magupgrade kasi ako ng hubs from threaded (stock ng foxter) to cassette type hubs (shimano non-series). 1.Alin po ba dun yung fit sa current tire ko na 29×2.10 (Para gusto ko yung TL ready pero di ko alam kung okay yung width size nya sa gulong wala kasi ako idea). 2.May 36h po ba nito kasi karaniwan ng shimano non-series 36h? 3. Presta na ba? Schrader pa kasi stock tubes ko. 4. Kung fit naman po yung TL ready nila kelangan pa bang lagyan ng tape tulad nung nakikita ko sa mga tubeless tires? Pero tube type parin gagawin ko wala pa kasing budget sa tires kaya stock muna hehehe. 5. Baka po may ma recommend rin kayong budget meal pero good for road riding at light trails na spokes w/ nipples around 500php siguro hehe. Maraming Salamat!
wag ka gumamit ng sobrang lapad na rims, mas ok pa din yung normal na lapad na rims, yung mga wide rims ok lang yan kung 2.4 up ang gagamitin mo na tires. di ko lang sure kung may 36h ang Weinmann rims, pero pwede pa din yan i-lace kahit di matching ang number of holes ng rims at hubs. presta valves tong mga weinmann, hindi kakasya yung mga schrader mo na tubes, mas maganda kung magpapalit ka ng tubes kesa i-drill mo yung butas para magkasya lang yung schrader valves, kailangan mo pa din ng rim tape, sa budget na 500 generic na stainless spokes and nipples ang mabibili mo.
Okay na pala ko sa 32h nakahanap nako ng 32h variant ng shimano(deore). Ilang mm po ba talaga ang okay/fit sa 2.10 na tires? Di ko kasi sure ilang mm yung stock rims ko(Foxter Powell 1.0+) ganun din sana gusto kong sukat. If ever na kahit hindi TL ready yung rims need pa rin ba talaga ng tape? Nasa magkano kaya yon? Thank you! Hehehe. Btw, post ka idol pag may available nang drifit pang suporta sa channel mo haha.
mas maganda talaga lagyan ng rim tape para iwas magkabutas from inner side
advice ko sayo wag ka gumamit ng 30mm outer na rims, mas maganda kung below nito, like 23 lang para maganda pa din ang profile ng tires
Sir Ian,
Good day!
Ask ko lang pag gumamit ba ako ng 40mm n outer width ng rim ok lamg po ba ung tire na 2.10 ang gamitin. entry level lang po kasi bike ko ung trinx na c520 baka sumayad kasi ung gulong kung sa frame pag nagpalit ako ng malaki. pang aggressive riding po kasi sana. montalban area kasi. salamat po
ok lang yan kung more on aggressive riding ka naman
Sir, pa suggest naman kung anong tamang Weinmann rim ang para sa gulong ko na 2.3 ang lapad. Thanks!
Sir pa recommend naman kung anong tubeless Weinmann na rim ang pwede sa 2.3 na lapad ng gulong. Thanks po!
Weinmann U32TL – Sir Ian san kaya na benta nyan n 26er? baka alam nyo po. naka 26er p ako kasi. sa background pic meron naman n 26er naka lagay
Saan available yung Weinmann U40 28h? Thanks.
Boss ian anung size ng gulong ang pede sa weinnman u32 tl? 27.5 size..un kasi nabili ko sa quiapo..salamat
Sir ask k Lang mayrun po bng weinmann Thunderbird rimset Lang and how much po
Boss uubra ba pang enduro ang u40tl? Thanks sa sagot salamat (hardtail ang frame)
Sir inquire ko lang. Pwede kaya to pang enduro, yun u32 tl? Magaan for it’s size… Parang pwede kasi budget enduro hahah
Hello, tanong lang.
By any chance, may nabasa po kayo sa specs ni weinman u40 na rims?
kung pwde ba sya isabak sa enduro? drops??
salamat po in advance sa sagot. 🙂
IDOL IAN, MAGANDA DIN PO BA YUNG WEINMANN XM2 29 NA RIMS? SALAMAT PO
pwede po ba gamitin xc wheels for enduro? nasira po kasi rims ko na enduro, eh wala pa budget . thank you po.
boss unliahon, pwede po magpatulong makakuha ng m6100 na upgrade kit? para sa assembled bike ko, please
San po pwede maka bili ng 30-32mm rims? Or mga gantong rims oh
27.5
Weapon aegis T7 32H 32mm
Weinmann U32 32H 32mm
Sagmit legend M32 32H 32mm
Anong ma suggest mo na online shop na nag bebenta pa nito ngayon