Nairequest lang sa akin na i-review itong Voyager Race Edition 27.5 na MTB. Hindi naman ito bagong labas na MTB pero, syempre kapag may nagpa-review sa atin, gagawan natin yan ng review.
Sa Bike Haus ko ito nakita, sa Lazada nila nasa 11k ang SRP doon, pero kung direct sa facebook page nila, P10k lang ang SRP nitong Voyager Race Edition 27.5 MTB.
Walang official website ang Voyager bikes, kaya ang impormasyon tungkol sa specs, galing sa post ng Bike Haus. Yung post nila sa bike na ito ay nung May pa.
Voyager Race Edition MTB 27.5 Specs:
Frame: Voyager Alloy 27.5 XRX
Alloy yung frame. 27.5 yung kasya na gulong. Hindi ko sure kung may sizes pa ito na mapagpipilian pero parang wala. May ibat ibang kulay na available, tulad ng black with orange, black with green, dominant red, at dominant blue.
Fork: Voyager GST Suspension
Yung fork may indicator ka ng travel, pero parang walang lock-out. Hindi ako familiar sa fork pero mukhang ordinary suspension fork lang din. Kulay black yung stanchions.
Handlebar: Voyager Oversize 31.8mm Hi Rise Alloy
May rise yung handlebar, high rise pa. Alloy na yung bars so mas ok yun kesa kung steel pa din.
Stem: Voyager Alloy Oversize 31.8mm
OS na stem, 7 degrees siguro.
Tires: Maxxis Pace 27.5
Maxxis yung tires, wired pa siguro ito. Siguro kaya medyo may kamahalan dahil nga Maxxis na yung gulong. Pero makakakuha ka naman ng Maxxis Pace na wired sa halagang P650 isa.
Crank: Shimano Alloy
Yung crank, Shimano na alloy. Ok ito dahil hindi ibang substandard cranks.
FD: Shimano TZ
Rear Derailer: Shimano TZ
Cogs: Shimano 7 Speed
Shifter: Shimano Altus
Shimano din yung drivetrain kahit na Tourney lang. 7-speed lang pala yung cogs nito pero Altus yung shifters. Pang 8-speed pa naman yung Altus, so pwede mo iupgrade pa ito sa 8-speed na ang papalitan mo lang ay yung cogs at hubs (o kung makakahanap ka ng 8-speed na thread type cogs, hindi mo na kailangan palitan yung hubs)
Brakes: Shimano Hydraulic Brakes
Yung brakes naman, Shimano non-series hydraulic brakes, pinaka murang hydraulic brake na mabibili pero maganda din ang performance.
Yan lang ang specs na available at wala din tayo nakitang close up shots ng bawat parts ng bike na ito.
Verdict
Sa totoo lang, medyo hindi ako 100% satisfied sa specs na inooffer ng bike na ito dahil sa price niya. Parang medyo mahal pa. Naka-hydraulic lang naman at Maxxis na gulong, pero kasi 7-speed lang siya at wala pang lock-out yung fork.
Para sa akin lang, parang mas ok pa kung yung Foxter FT301 na 27.5 din, ay iuupgrade mo na lang sa hydraulic brakes. Baka hindi ka pa umabot ng P10k na gastos doon, naka 8-speed pa at may lock out na yung fork. Saka ka na lang magpalit ng gulong na Maxxis Pace kapag napudpod na yung stock tires, pero taon pa aabutin nun.
d ko po alam kung saan ung pede kang mgrequest kaya dto n lng po ako mgtatanong…pede po bang i review nyo at i compare ang giant atx elite q at talon 3 (parehas 2018)? tnx in advance po 🤗🤗🤗
giant atx elite 1*
sige Rein, gawan ko din yan 🙂
tnx po😄
Walang anuman po.
Sir ian may 27.5 din poba yan voyager??
Hi po Pa review naman po yung trinx m520 29er para malaman ko kung ayos ba ito baguhan lang kase ako sa mtb eh.. Salamat
sige, coming na.
Sir Ian, nagbaba na presyo nito sa 8,500. Sulit na ba ang specs nya para sa 8,500? Thanks!
ok na din sa 8.5k kasi maganda naman na yung specs nya naka hydro pa
Pa review naman po ng viper assault 1 pls! TIA!
gagawan natin yan.
Naka kuha ako neto kanina Lang maganda naman Po, Wala Nga Lang lockout Yung fork at Hindi maxxis gamit kaya 8k Lang Ang pumatak..
ano b pwede sa beginners na mtb? budget price 7k to 8,500.00
trinx m520 or trinx c520
okay na po ba tong pang service or trail?
ok na yan
Marami yata Alloy parts ang Voyager kaysa Foxer 301
Sir ian hanggang ilang cogs lang kaya ng voyager pwede ba dito ang 9 -11 speed waiting for your response tnx
Boss ian pwede ba dito ang 9-11 speed na cogs pasagot naman please gusto ko upgrade yong akin salamat.. 🙂
Boss ian pwede ba dito ang 9-11 speed na cogs balak ko kasi upgrade yong akin pasagot naman po thank you
Sir ian may 27.5 din po yamg voyager??
8500 ang price nito sa lj bikes kaso d ata sya naka hydro at ndi naka maxxis ung tyres
Boss bat ung lj bikes ung voyager nila ndi naka maxxis at d naka hydro
Voyager xc nmn boss nbli ko lockdown sale 7500 pagawan nmn NG review KC wla masyado review neto khit s youtube