May ginawa akong facebook group, UnliAhon Tambayan. Napansin ko na madami na din palang kapadyak natin doon na nag adopt na din sa LTWOO components.
Yung iba nag upgrade na ng setup, yung iba stock pa lang ng bike nila.
Ito yung ilan sa mga naipon ko na feedback mula sa mga certified kapadyak natin.
LTWOO A3
Keith Salas: “Sobrang smooth ng shifting nya. Tapos kuya ian parang naka SRAM na. Sobrang affordable nya”
Chuck De Leon: “ok yun performance ng Ltwoo, accurate shifting, quality wise. affordable.”
Hans Renewell: “Okay naman performance, ang smooth pag nagpapagpalit ng speed”
LTWOO A5
Enzo Juan: “Swabe shifting.”
LTWOO A7
Vides Hernandez: “1 click shift. No need goat link. Bad experience lang kasi baliko ung RD naayos lang ng mekaniko. Natuwa pa kasi sram daw ang dating. Pero masarap nga ang shifting experience. A7.”
Cesar Nucom: “Swabeng-swabe!”
LTWOO AX
Naishare naman ng kapadyak natin na si Ronald ang bike nya na Keysto Elite. Ito yung naka LTWOO AX na pyesa, pinakamura na mabibili mo ngayon na naka 3×11 speed na na drivetrain parts.
Nakakatuwa lang makita na may willing sumubok talaga sa LTWOO kahit na alam natin na bago pa lang si LTWOO sa bike market. Kahit ako naman, may bilib ako sa LTWOO at umaasa ako na sana mag tagumpay sila sa nais nila na gawin: yun ay ang mag provide ng mura at quality na drive train components.
Swak na swak talaga kasi itong option na ito para doon sa mga kapadyak na limited lang yung budget at low-budget lang talaga para sa upgrades ng bikes nila.
LTWOO din yung gamit ko ngayon. LTWOO A7 na 10-speed. Hindi ko pa nga lang din tapos i-review dahil kailangan ko pa ito i-ride ng mas madaming beses para patas naman ako sa sasabihin ko sa review.
LTWOO user din ba kayo? May gusto ba kayong i-share na experience o review nyo tungkol sa pyesa na to? I-post nyo lang sa comment section.
Kung may tanong din kayo tungkol sa LTWOO na hindi pa natin nasasagot, o may technical na tanong o di kaya kahit ano na gusto nyo sabihin kay LTWOO, i-post nyo na din dito. Ipaparating natin yun sa LTWOO mismo.
Para sa price list ng mga LTWOO parts at specs na din, for more info visit:
Para naman malaman nyo kung saan nakakabili ng LTWOO:
I-like nyo na din ang LTWOO Philippines sa facebook kung di nyo pa nagagawa. Ito na lang din naman kasi ang maitutulong ko sa kanila, pasasalamat ko na lang dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na maupgrade yung current drivetrain setup ko gamit yung pinapareview nila na LTWOO A7 gear set.
Kuya ian pa review naman ng Giant Talon 2 2018 kung maganda at sulit ba. Salamat
pwede na kung pasok sa budget
kyah Ian. may issues ba ang LTWOO AT1? or lahat ng LTWOO products? dati kasi wala naman masyado, ngayon may mga rumours na nasisira daw? pls help thanks hahaha
personally, experience ko sa ltwoo a7 na nakakabit sa main mtb ko, wala ako issue
same with sa ltwoo a3 na nakakabit sa isa pang mtb na ginagamit ko
puro ltwoo a3 lang naman yung reports na nasisira dahil pinipilit i-push yung lever hanggang sa maputol
nasa gumagamit lang naman yan, at kung nasa tono naman yung components, walang issue dyan.
kuya ian pwde po ba pareviewer 1 by 11 ng LTWWOO
pag binigyan ako ng LTWOO
Sir Ian magandang araw. Ask lang if pwede ba gamitan ng 2x crankset ang FD na pang 3×10? Paano kaya ang set up and hindi kaya magkakaproblema yun? Thank you
pwede yan, diskarte lang ng mekaniko