Isa itong Trinx Tempo sa mga sikat na choices para sa budget road bike. Itong Trinx Tempo 3.0 na ang may pinakamataas na SRP at specs sa lahat ng road bike na nasa Tempo series.
Medyo kailangan kasi ng mas mataas na budget sa road bike kumpara sa mountain bike. Kung gusto mo kasi ng murang road bike na medyo okey yung pyesa, budget mo dapat ay nasa P10k pataas.
Ang SRP nitong Trinx Tempo 3.0 sa Mr bike ay P14000. Sa tingin ko ay mas mababa pa ang presyo nitong Trinx Tempo 3.0 sa iba, kaya lang wala akong makitang “for sale” post mula sa ibang bike shops nitong Tempo 3.
Trinx Tempo 3.0 Specs
FRAME
- FRAME: 700C*460mm/500mm/540mm Alloy Special-Shaped Tubes
- FORK: Trinx Alloy
Alloy na yung frame and fork nitong Tempo 3. Ang kagandahan pa dito, may choices ka sa mga size. Importante kasi lalo na sa road bike kung tama yung size at fit ng bike sayo para less risk sa injury at body pain dulot ng pagpadyak.
Size 46cm, 50cm, at 54cm na frame sizes ang pwedeng pagpilian sa Trinx Tempo 3. Para sa may height na 5’0″ pababa sakto yung size 46. Yung size 50 naman para sa 5’1″ hanggang 5’6″ siguro ay swak pa din. Yung size 54 naman, pwedeng pwede sa mga may height na 6’0″ pababa. Maliit na siguro ang size 54 sa mga matatangkad na 6 footer pataas.
COMPONENTS
- PEDAL: Wellgo Alloy Sport
- SADDLE: Trinx Sport
- HANDLEBAR: Trinx Alloy Road
Alloy na ang pedal, pero kung seryoso ka sa pag gamit ng road bike, malamang papalitan mo din ito ng cleats pedal. Mas okay na din naman itong alloy na pedal, Wellgo pa ang tatak, pang sanay kesa sa generic na plastic pedals lang.
Yung saddle naman ay slim-type din, bagay talaga pang road bike.
Alloy na din yung drop bar kaya magaan. Mukhang compact naman yata at shallow bend ang drop bar na nakalagay sa Tempo 3, mas preferred ko kasi yung ganitong porma ng drop bar. Mas kumportable gamitin.
DRIVETRAIN
- SHIFTER: Shimano Claris ST-R2000
- FD: Shimano Claris FD-R2000
- RD: Shimano Claris RD-R2000
- CHAIN: KMC Z72
- BRAKE: Winzip Alloy
Kaya madaming nagagandahan sa budget road bike na ito ay dahil naka Shimano Claris R2000 na ang STI, FD at RD nito. Common kasi sa mga budget road bikes na hindi pa naka-STI ang shifters, thumb shifters lang.
Naka internal cabling na din ang STI na ito, kaya mas malinis tignan ang cockpit setup dahil maitatago mo na yung mga kable sa ilalim ng bar tapes.
Hindi lang yun, maganda din ang porma nitong Claris R2000 dahil parang nai-base na din sya sa aesthetics ng mga higher-end Shimano road groupsets.
2×8 ang gearings ng R2000 na nasa Trinx Tempo 3.0.
Yung brake naman, iba. Winzip ang brand, alloy na yung material. Mukhang ordinary brake calipers lang.
WHEELS
- CASSETTE: Shimano CS-HG508 12-25T
- RIM: Trinx Alloy Double Wall
- TYRE: CST 700C*25C 27TPI
- CHAINWHEEL: Prowheel 42/52T*170L
- HUB: Fastace Alloy Double Sealed Bearing
Cassette type na ang 8-speed na cogs na nakalagay sa Tempo 3. Sora pala itong cogs na ito na 12-25t. Mas mataas na groupset ang Sora kesa sa Claris.
Yung rims naman, ay parang generic alloy rims lang pero medyo deep ng konti. CST ang brand ng tires na nakalagay at 25c naman ang lapad.
Prowheel pa din ang crank, as usual, common sa budget bikes hindi lang kay Trinx. 52/42 ang size ng plato, medyo mataas ang gear index nito. Kung lakas ko ang pagbabasehan, para sakin mabibigatan ako padyakin ito sa mga mtatarik na ahon.
Fastace ang brand ng hubs, hindi ako pamilyar sa brand pero sealed bearing na daw. Maganda yun dahil mas tatagal ang hubs. May tunog siguro ito kahit konti kapag nag freewheel. Cassette type na ito dahil yung sprocket ay cassette din. Naka-quick release na din yung hubs.
Verdict
Kung ang presyo ng Trinx Tempo 3.0 ay papatak lang sa P14k pababa, tulad kung nasa P12-13k lamang ito; mukhang good choice na din naman para sa nagkakainteres na mag road bike pero limited lang ang budget.
Naka latest Claris na din na STI, FD at RD kaya hindi na lugi.
Ang posible mo na lang palitan dito ay yung crank kung mabigat masyado sayo, o yung brake calipers kung matripan mo iupgrade. Pwede din yung pedal kung gusto na mag-cleats. Pero kahit wala ka na iupgrade sa mga pyesa nito, malayo na din ang mararating mo sa mga rides ng tropa nyo gamit ang Trinx Tempo 3.0.
nice.. maraming salamat.. at nkita ko sinunod m ung tip ko sau. more werpa sau. olrayt
walang anuman, salamat sa pagbisita. ride safe lagi
Ilang kilo kaya ito kumpara sa 1-2temoo series saka maganda ba performance nya.. Saka ung good for 5″10 height sur
yun lang wala tayo info sa bigat ng mga tempo 1, 2, at 3 kaya di ko alam kung ilang kilo diperensya nila. maganda naman performance ng tempo series ni trinx, pang beginner at low-budget pero kaya pa din sumabay. kung 5’10” ka, go with 540mm na frame size.
Nagbabalak nako bumili nitong roadbike
Baka may alam kayo na13k budget na ibang roadbikee thxx
trinx tempo 3 ka na kung may makikita ka.
kung 25k ang budget ano ma irerecommend mo?
kung 25k budget go for merida, giant or specialized road bike.
Anong size po ba ang pede sa 5’4 footer?tsaka meron po bang 52cm na tempo 3.0 kapdyak?
50cm ka lang dapat. walang 52cm na tempo kasi 46, 50, at 54 lang sizes nya. pwede ka din kahit sa 46.
Hi balak ko bumili ng tempo 3 kaso naiisip ko na parehas lang naman sila sa frame set bakit di nalang ako bumili ng tempo 1.0 mas mura then mag upgrade ako ng group set na shimano Claris saka sti nadin alin mas maganda 3.0 agad or tempo 1.0
tanong dyan yung budget mo, kung balak mo pa ba gastusan yung bike pagkabili mo? kung hindi na, go for 3.0
if ok lang sayo gumastos for upgrade, like Claris or Sora groupset para straight yung groupset, go for 1.0
Sir Ian, may idea po ba kayo sa presyuhan ng mga groupset? nasa 7k po kase 1.0 so tinatantya ko po price ng magagastos if iupgrade pa
check mo yung video natin sa youtube tungkol sa mga groupset 🙂 sinabi ko na doon ang alam ko na presyo ng mga Shimano groupsets.
San ako mas mapapa mura at mapapaganda dinaman ata crank at brakes nya claris
pag nagustuhan mo ang biking, pagtagal maguupgrade ka din dyan. mas maganda kung naka groupset ka na ng claris or sora na straight
Maraming salamat sir dami nyo natutulungan opo kase 7500 tempo 1.0 ang 3.0 naman Ay 14500 dito so 11k and sora groupset and ang pag kakaiba lang naman ata naka sti claris eh so tempo 1.0 na tapos upgrade ko to gset sora maraming salamat sir
Hi Sir Francis, may alam po ba kayong shop na may 3.0?
Saan pwede makabili neto? thanks sa review sir
Sir if mag tempo 1.0 then upgrade ng groupset pati ba wheelset or hub papalitan din?
nasasayo yun paps kung gusto mo mag palit ng wheelset pero if groupset lang ok yan, no need to change wheelset
Kapdyak ano pede size sa 5’7 footer ?
basta 50+ pwede pa yan.
Mas maganda Po ba ang foxter dyan?
Sir pa review naman ng Trinx Tempo 1.1 2018 cyclecross. 1st bike po kasi and parang gusto ko ang road bike and at the same time MTB kaya cyclecross po sana.
hindi naman yata cyclocross yung Trinx Tempo 1.1
road bike pa din yun na naka disc brakes lang
Pwede po ba iconvert sa cyclocross ang trinx tempo 3.0 ?
hindi pwede kasi maliit lang tire clearance
Kuya ian ok lang ba sunakay pag 70+ pounds yung weight at ano po bagay para sa height na 6/6 pataas. Sabay yung nag tanong po ako sa bikeshop malapit samin di paraw po naka claris yung 3.0?
ok lang, pwede yan, pero dapat malaki yung size ang kukunin mo
baka ibang bike yan
idol saang shop meron tempo 3.0 at saktong 14k ang presyo?
meron rin bang pang 5’3 na size?
Difference nga po NG 1.0 at 3.0
specs, mas mataas ang specs ng 3.0
Bike Bike Bike San Pedro.. Malapit sa City Hall.. Php 13,500 lang bili ko dun..
“Size 46cm, 50cm, at 54cm na frame sizes ang pwedeng pagpilian sa Trinx Tempo 3. Para sa may height na 5’0″ pababa sakto yung size 46. Yung size 50 naman para sa 5’1″ hanggang 5’6″ siguro ay swak pa din. Yung size 54 naman, pwedeng pwede sa mga may height na 6’0″ pababa. Maliit na siguro ang size 54 sa mga matatangkad na 6 footer pataas.”
Mas maganda siguro Sir alamin mo ang sukat ng seat tube at top tube ng bawat size ng frame para mas accurate at hindi ka nag-a-assume na siguro ay swak yung ganitong size sa ganitong height. Sa pagpili kasi ng size ng bike lalo na sa roadbike ay importante ang geometry chart kung saan mo makikita ang detalyeng sukat ng frame which is unfortunately wala ang Trinx kahit sa website nila. Just a friendly tip the next time you review a bike.
wala kasi akong access sa mga ganyan sukat sukat ng st at tt para sa bike na to
Cx po ba yung tempo 1.0?
Gawa naman po kayo ng review sa foxter wind na bagong labas po, rb po siya sir
pwede poba i sabak yung trinx tempo 1.1 na disc brake ang gamit sa mga race?
pwede po ba palitan yung disc brake ng tempo 1.1 at gagawing rim brakes?