Trinx S1600 Review


Ang Trinx S1600 ay isa sa mga high-end bikes ni Trinx. Dahil carbon na ang batalya nito at medyo mataas na din ang mga pyesang nakakabit dito, medyo may kamahalan siguro ito. Hindi ko sigurado kung ano ang SRP nito sa market natin, pero tiyak ko meron nito sa mga bike shops dito sa Pinas dahil nakita ko itong nakapost sa isang fb page, wala nga lang price doon at 2016 model pa yun.

Trinx S1600 Specs:

FRAME

  • FRAME: 27.5″*15″/17″/19″ T800 Carbon
  • FORK: Rockshox FS RCNS 27 15 SA 100

27.5 ang gulong na kasya sa batalya nitong S1600. Carbon ang frame kaya mas magaan ito sa alloy na batalya. Medyo mahal ang mga carbon na pyesa sa bike, lalo pa kung frame mismo.

May pagpipilian na sizes na 15, 17, at 19. Small, medium, at large yun, kumporme sa height ng rider.

T800 Carbon, ibig sabihin

COMPONENTS

  • PEDAL: Wellgo Alloy Sealed Bearing
  • SADDLE: Supra Sport
  • HANDLEBAR: FSA Carbon

Wellgo ang pedal, kilala ang Wellgo sa mga maayos na pedal, at higit pa doon, sealed bearing na din ito.

Supra Sport ang saddle, na kung ito yung galing sa brand na Selle, ay medyo mamahalin itong saddle na ito.

Yung handlebar ay FSA brand na carbon din, kilala ang FSA sa mga carbon na cockpit components kaya garantisado ang quality ng pyesa na ito, ngunit garantisado din na medyo mamahalin din.


DRIVETRAIN

  • SHIFTER: Shimano XT SL-M8000
  • FD: Shimano XT FD-M8025
  • RD:Shimano XT RD-M8000
  • CHAIN: Shimano CN-HG601-11
  • BRAKE: Shimano XT BL-M8000
  • CHAINWHEEL: Shimano XT FC-M8000 26/36T*175L

Himala at diretsong XT na groupset ang mga pyesa nitong Trinx S1600. Nasa mataas na antas ng mga groupset ng Shimano ang XT. Ito ay mahal din, at syempre maganda ang performance at porma. Hindi tinipid ang paglagay ng napiling groupset dahil straight XT ang nakalagay, expect natin na medyo mataas ang price tag nitong bike na to, sa groupset pa lang.

WHEELS

  • CASSETTE: Shimano XT CS-M8000 11-40T
  • WHEEL SET: Mavic Crossride FTS-X
  • TYRE: Maxxis 27.5″*2.0″ 60TPI Folding
  • CHAINWHEEL: Shimano XT FC-M8000 26/36T*175L

11-40t ang cogs na nakalagay, malaki at swak sa ahunan sa trails. Branded na din ang wheelset, Mavic Crossride, noong itanong ko ito sa Cycleart sa Quiapo, nasa P9000 yata ang binigay sa akin na presyo pero sa pang 29er yun.

Kung wheelset pa lang 9k na, tapos yung XT na grupo nasa 20k yun, yung fork naman siguro ay lagpas 10k ang price, sa frame naman na carbon nito siguro nasa 20k o mas mababa pa ang tantya ko na ipepresyo ni Trinx. Do the math, nasa P60k nga ba ang presyo ng bike na ito?

Red/White lang ang available colorways ng Trinx S1600.


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. John November 19, 2017
      • Ian Albert November 24, 2017
        • John November 25, 2017
    2. Renzo May 29, 2018
      • Ian Albert May 29, 2018

    Leave a Reply to Ian Albert Cancel reply