Binigyan ako ng LJ Bike Shop ng bagong Trinx mountain bike. Panoorin nyo sa video na ito ang pag assemble out of the box at bike check nitong bagong Trinx M610 Elite MTB.
Trinx M610 Elite Specs
- Alloy Frame
- Trinx Suspension fork with lock-out
- 3×8 LTWOO A3 gear set (shifters, FD, RD)
- Prowheel crank (alloy crank arms)
- X-spark hydraulic disc brakes
- 27.5 wheelset, Trinx alloy double wall rims
- Kenda 27.5×2.10 tires
Maganda na din na choice itong Trinx M610 na bike para sa mga may low-budget lang para sa bike. Naka-hydraulic disc brakes na din kasi ito, at 3×8 speed na LTWOO parts. Alloy na din yung crank arms, at may suspension yung fork. Kenda pa yung tires na nakalagay.
Merong 26er at 29er din na variant itong Trinx M610. Trinx M610 Quest ang tawag sa 29er model, at Trinx M610 Elite naman para sa 27.5. Di naman nagkakaiba iba ng specs, pero magkakaiba sila ng price at sa wheel size.
Limited edition model lang daw itong Trinx M610 na LJ Bikes ang mismong nag-order sa Trinx.
Kung trip nyo din kumuha nitong Trinx M610, contact or visit LJ Bike Shop. Sabihin nyo lang na nakita nyo sa UnliAhon, para mas bigyan pa kayo ng discount at freebies. Alam nyo ba na pwede na installment ng bike at bike parts dyan sa LJ Bike Shop? Oo pwede na, gamit ang Home Credit.
For in-depth post about Trinx M610, visit this link: Trinx M610 Review
Hi Ian, kumusta performance ng m610 mo? Musta yung x-spark hydraulic brake mo? Yung nabili ko na c782 dito sa local store dito sa pangasinan, mahina breaking power nung xspark ganito ba talaga ito? Para lang akong naka mechanical. Pinacheck ko sa store ang sabi lang nila linisan ko lang yung mga rotors,ginawa ko naman pero ganun padin..
may gagawin ako na video tungkol sa kung paano palakasin yung preno
duda ko dyan, contaminated yung preno mo, pero kung nalinis mo na, need na lang nyan i-brake in o i-bed in
Kuya ian bakit yung ibang trinx x1 may remote fork na lock out iba nmn wla. Bakit ganun?
baka lumang model yun na x1, yung x1 2018 meron e
do they have different frame sizes for the corresponding wheel size? what i mean is if 26er, does it have a smaller frame compared to the 27.5?
size 17 kung 26er
tapos size 16 naman kung 27.5 and 29er
no other choices pagdating sa Trinx bikes in terms of frame sizes
eto o foxter evans 3.0?
M610 Elite
Sir, magkano po ang gantong bike..salamat