Trinx M610 (2018)

Bago ni Trinx na tingin ko ay papatok

Madami daming bagong bike na ilalabas si Trinx para sa ngayong taon na 2018. Isa na dito itong Trinx M610. Kaya pala wala ito sa website ng Trinx dahil isa itong limited release na dito lang sa Pilipinas nilabas.

Wala pa din akong masyadong info tungkol sa bike na ito, pero una ko itong nakita sa blog na ito.

Tignan muna natin ang specs ng Trinx M610.

Trinx M610 Specs

Info
Model Trinx M610
Brand Trinx
Type XC
SRP P7,990-8,950
Frame
Sizes 26er
27.5
29er
Build Alloy Special Tubes
Fork
Fork Suspension Fork
Travel 100mm
Lock-out
Drivetrain
Shifter LTWOO A3
Front Derailleur LTWOO A3
Rear Derailleur LTWOO A3
Cassette 13-32T
Chain 8-speed chain
Brake X-Spark Hydraulic Disc Brakes
Chainwheel Prowheel 24/34/42T 170mm
Wheelset
Rim Alloy Double Wall
Tire Kenda 2.10

Trinx M610 Review

Maganda yung frame nitong Trinx M610. Alloy na. Hindi ko lang alam kung may mapagpipilian pa na frame sizes bukod sa size 16. Hindi ko pa din sure kung ano pa ba ang ibang mga colorways ng bike na ito.

Pero porma, para sa akin maganda na. Simple lang ang pagkakatira sa pintura. Matte pa ang dating.

Naka-internal cabling na din yung frame kaya mas maganda. Mas malinis tignan. Mas okay din yun kung ikukumpara mo sa mga mas naunang labas ni Trinx na bike na hindi pa nakainternal cabling.

Ang isa pang kagandahan nitong Trinx M610, meron Trinx M610 Elite na 27.5 variant, at meron ding Trinx M610 Quest na 29er variant naman. Yung plain Trinx M610, 26er naman yun. May choices ka na, depende sa preference mo na wheel size.

Yung fork naman, pwede na din as stock fork galing kay Trinx. Magandang klase na din naman, may kabigatan nga lang pero okay na din kasi may lock-out.

suspension fork with lock out

Sa mga pyesa na nakakabit, LTWOO A3 ang nakalagay. Yun ang 3×8 speed na gear set ni LTWOO. Maganda na din naman yung LTWOO na pyesa, natesting ko na yan, same lang kasi yan sa Trinx C520 ng tropa ko.

LTWOO A3 front derailleur

LTWOO A3 rear derailleur

3×8 speed ang setup. Tatlo ang plato sa harap at 8 naman sa likod.

Prowheel yung brand ng crank, alloy na din yung crank arms. 3x ang setup, maganda na din.


Prowheel crank with alloy crank arms

13-32T naman ang sprocket na nakakabit. Sa hula ko, thread type pa ito. Kasi common naman na ganun kay Trinx na pag budget bike at nasa 7-8 speed lang, thread type pa din yung cogs.

13-32T cogs

Pwedeng pwede na din sa mga ahon yung cogs nito kasi 32T na yung pinaka malaki.

X-spark yung brand ng hydraulic disc brakes. Naka hydraulic brakes na itong Trinx M610. Kagaya lang din ng Trinx C782 sa brakes, overall specs at pyesa. Wala pa ako experience sa preno na ito, pero tingin ko naman ay okay na din ito pang beginner. Iba nga lang daw ang pag bleed nito, kumpara sa Shimano hydraulic brakes.

LTWOO A3 shifter and X-spark hydraulic brakes

Alloy at double wall na yung rim. Yung gulong naman, Kenda brand na na 2.10 ang lapad. Ayun nga, may ibat ibang wheel size itong Trinx M610. Trinx M610 Elite na 27.5 at Trinx M610 Quest na 29er.

Trinx M610 Price

Hindi ko sure kung ganito ang magiging price sa lahat, pero para magka idea lang tayo:

  • Trinx M610 (26″) – P7,990
  • Trinx M610 Elite (27.5″) – P8,500
  • Trinx M610 Quest (29″) – P8,950

Verdict

Not bad na din sa presyo nya bilang budget bike.

Similar specs sa Trinx C782 talaga na naging mabenta din dahil isa na sa pinakamurang naka hydraulic brakes na pang beginner.

Mas maganda nga lang itong bagong labas na Trinx M610 dahil naka internal cabling na yung frame.

May wheel sizes na din na mapagpipilian, hindi na limited lang sa 27.5

Magkakaiba nga lang ng presyo sa ibat ibang variant ng wheel sizes.

Tingin ko maganda na din, pwede na, lalo na dun sa mga gusto magkaroon ng bike pero hindi naman masyadong malaki yung willing na gastusin. Kahit na mababa lang ang budget ay pwedeng pwede magkaroon ng magandang bike, sa wheel size na gusto nila, naka hydraulic brakes na at maganda pa iupgrade din sa future dahil okay na okay yung frame.

Good move ito ng Trinx, kung ako ang tatanungin.

Photo credits sa TheCyclelogist Blog

Update:

Ito na pala yung mga colorways ng Trinx M610. Bet ko yung black na may accent ng pink. 😂 Maangas ang dating. Images grabbed from LJ Bikes.


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. Kharl Ordiales June 2, 2018
      • Ian Albert June 7, 2018
    2. Joshua June 11, 2018
      • Ian Albert June 12, 2018
        • Antony Bañares June 12, 2018
    3. Anthony Bañares June 12, 2018
    4. Antony Bañares June 12, 2018
      • Ian Albert June 12, 2018
    5. kris sibay June 12, 2018
    6. PG June 22, 2018
      • Ian Albert June 23, 2018
    7. Arvin Aban June 25, 2018
      • Ian Albert June 26, 2018
    8. Marvin June 26, 2018
      • Ian Albert June 26, 2018
    9. Denver June 28, 2018
      • Ian Albert June 28, 2018
    10. Vince July 11, 2018
      • Ian Albert July 12, 2018
    11. Erick July 12, 2018
      • Ian Albert July 12, 2018
    12. Gamz Damlani July 17, 2018
      • Ian Albert July 18, 2018
    13. Randz November 5, 2018
      • Ian Albert November 12, 2018
    14. john November 15, 2018
      • Ian Albert November 20, 2018
    15. Norlito December 21, 2018
      • Ian Albert January 23, 2019
    16. Jayson December 25, 2018
      • Ian Albert January 23, 2019
    17. ireneo renniel hernandez January 22, 2019
      • Ian Albert January 23, 2019
    18. Ralph Agtoca January 24, 2019
      • Ian Albert March 16, 2019

    Leave a Reply to Randz Cancel reply