Sa LJ Bike Shop pa lang ito available as of now. Meron na sila nitong latest model ng Trinx M136. Ito yung 2018 model na naka-internal cabling na. Sa fb page nila ko ito nakita.
Trinx M136 (2018) Specs
Wala naman masyadong naiba dito sa 2018 model ng Trinx M136 kung ikukumpara natin sa previous model. Ang kinagandahan lang nito, naka-internal cabling na yung frame nito, kaya mas maganda na yung batalya kung tutuusin. Iton ang specs ng Trinx M136 2018 model:
Frame
Frame | Alloy Special Shaped Tubes |
Sizes | 15” 17” 19” |
Colors | Matt Black/Yellow Green, Matt Black/Blue White, Matt Black/Red Grey, Matt Grey/ Yellow Black, Matt Grey/Cyan Black, White/Red Black |
Fork
Fork | Hydraulic Lock-Out Suspension |
Travel | 100MM |
Lock-out | Yes |
Drivetrain
Shifter | SHIMANO ST-EF500 |
Front Derailleur | SHIMANO TZ500 |
Rear Derailleur | SHIMANO TZ500 |
Cassette | 7S 14-28T |
Chain | KMC 7S |
Brake | TRINX Alloy Mechanical Disc |
Chainwheel | 24/34/42T*170L |
Wheelset
Wheel Size | 26 |
Rims | TRINX Alloy Double Wall |
Tires | CST 26″*1.95″ 27TPI |
Hubs | Disc Hub with Bearing |
Misc
Saddle | TRINX Sport |
Handlebar | TRINX Flat |
Stem | TRINX Alloy |
Seatpost | TRINX Alloy |
Trinx M136 (2018) Review
Alloy pa din yung frame nitong Trinx M136. Naka-internal cabling na, kaya maganda at malinis na tignan yung batalya. Hindi ko lang makita ng malinaw sa picture, pero parang provisioned na ito sa hydraulic brakes hindi tulad nung old models na kailangan mo pa i-zip tie sa ilalim.
May sizes na 15, 17, at 19 ayon sa Trinx website. Pero sana sa atin, may ganyan din na variety ng sizes na mapagpipilian para naman majority ng mga kapadyak natin ay makapili ng swak na size ng frame para sa height nila.
Madami ka ulit kulay na mapagpipilian, at para sa akin, maganda ang dating ng mga color ways nitong latest Trinx M136 2018.
Sa fork, ganun pa din. Trinx fork lang, na may lock-out. Maganda na din pang beginner.
Shimano Tourney yung mga pyesa ng drive train.
Combo shifter ang shifters. 3×7 speed ang setup pa din.
14-28t yung range ng cogs, at 24/34/42T naman ang setup ng mga plato ng crank.
Naka-disc brake na ito, pero mechanical lang. Trinx branded, pero ayos na din.
Sa wheel size, 26er lang ito, ganun pa din. Merong variant na Trinx M136 Elite na 27.5 naman, pero wala pa yun, di pa natin alam kung kailan lalabas.
Alloy at double wall na yung stock rims, bolt type yung hubs na threaded pa. CST na 26×1.95 ang tires na naka kabit, pwede na for multi purpose and light off roads.
Trinx M136 (2018) Price
P7,500 ang price na nakita ko dito sa Trinx M136 na 2018 model. Mas mahal sya kung ikukumpara mo sa older release. Okay na din siguro kasi maganda naman na yung frame nya, panalo na pag inupgrade yun, di sayang kung i-u-upgrade din naman. Sa LJ Bike Shop ko nakita yung price na yan, sila pa lang yata kasi ang may ganyan, as of now.
Verdict
Pwede na, maganda na din naman na choice itong Trinx M136 na 2018 model. Kaya kung nagbabalak ka kumuha ng budget bike at naicoconsider mo yung Trinx M136, mas okay na itong 2018 model na lang ang kunin mo.
Pero kung hindi ka pa naman nagmamadali na bumili agad agad, hintayin mo na lang din lumabas yung 2018 model ng Trinx M500 o kaya yung Trinx M136 na Elite, hindi pa kasi natin alam yung price ng mga yun, baka kasi mas sulit bilihin yun bilang budget-friendly beginner mountain bikes.
[alert-note]Photo credits sa LJ Bike Shop[/alert-note]
Leave a Reply