Meron ng bagong 2018 model ang Trinx M136. Tingin ko, malapit na itong marelease dahil naipost na ito ng official Trinx facebook page.
Nung wala pang masyadong info tungkol dito sa bagong Trinx M136, napansin ko agad na maganda na ito kung ikukumpara sa mga naunang model.
Yung frame kasi naging internal cabling na, at may variants pa na 27.5 at 29er itong Trinx M136 2018.
Tignan muna natin ulit yung specs ng Trinx M136:
Trinx M136 2018 Specs
Frame
- Sizes : 15”/17”/19”
- Alloy Special Shaped Tubes
- Color : Matte Black/Yellow Green, Matte Black/Blue White, Matte Black/Red Grey, Matte Grey/ Yellow Black, Matte Grey/Cyan Black, White/Red Black
Fork
- Fork : Hydraulic Lock-Out Suspension Travel:100mm
Drivetrain
- Shifter : SHIMANO ST-EF500
- FD : SHIMANO TZ500
- RD : SHIMANO TZ500
- Cassette : 7S 14-28T
- Chain : KMC 7S
- Chainwheel : 24/34/42T*170L
- Brake : TRINX Alloy Mechanical Disc
Wheel Set
- Rims: TRINX Alloy Double Wall
- Tires: CST 26″*1.95″ 27TPI
- Hubs: Disc Hub with Bearing
Misc
- Saddle : TRINX Sport
- Seatpost: TRINX Alloy
- Stem : TRINX Alloy
- Handlebar : TRINX Flat
Yan yung specs ng bagong Trinx M136. Halos wala din namang nabago. Pero bakit nga ba mas maganda na ito ngayon kumpara sa luma?
Pansin nyo, may mga sizes na. Size 15, 17, at 19. Dati, puro size 17 lang ang nakikita ko. Medium yon. Ngayon meron ng 15 at 19. Small at Large yon, mas madami ng height ng bikers ang maaacommodate nito.
Bukod sa mga kulay na bago, naka-internal cabling na din yung frame kaya maganda na. Meron na ding variant na Trinx M136 Elite na 27.5 na ang wheel size, meron ding Trinx M136 Pro na 29er naman, kaya ayos na ayos itong mga bagong lalabas na Trinx bike models.
Heto yung mga kulay na lalabas sa base model ng Trinx M136:
Okay para sa akin yung kulay at style ng decals, hindi mukhang mumurahin at matte na din yung texture ng pintura.
Wala naman yatang nabago sa porma ng batalya, ganun pa din. Abnormal tubings pa din pero mukhang provisioned na sya ngayon sa hydraulic brakes, hindi tulad nung lumang labas na hindi designed para sa hydraulic brakes.
May kabitan pa din ng rack at may lagayan din ng stand.
Oversized, non-tapered pa din yung headtube. Yung butas na para sa internal cable routing, sana naman ay maganda yung pagkaka-sealed, yung tipong hindi basta basta mapapasok ng tubig, para mas maganda.
Shimano parts na din: rear derailleur, front derailleur, at shifters kaya maganda na. Kahit na Tourney lang siya, mas ok pa din sya kesa sa kung hindi Shimano yung mga pyesa na yan.
Yung fork, may lock-out na din kaya maganda na. Yung tires naman CST Jack Rabbit na swak lang pang off roads, makapit, at hindi naman sobrang bigat ipadyak kapag sa aspalto at sa sementadong kalsada na.
Naka-mechanical disc brakes pa din itong Trinx M136 2018. Quick-release na din parehas yung hubs sa harap at sa likod. Bolt-type yung pagkakakabit ng rotors.
Hindi Prowheel yung brand na nakalagay sa crankset ng Trinx M136 2018. May logo na ng Trinx. Sa tingin, ko bakal pa din ang crank arms nito. 3x ang setup, may bash guard din na nakalagay. Mapapansin nyo, sa ilalim ng downtube lumabas yung mga kable na internally routed.
Maganda yung saddle. Kumportable yung ganitong porma ng saddle, malambot. Pero sa seatpost, ganun pa din, hindi nila binago. May pagka-old school pa din yung style ng seatpost.
Threaded type pa din siguro ang hubs nito sa likod, ganoon din ang cogs syempre. May kabigatan ang mga hubs na ito, pero pwede na din para sa isang budget bike.
Trinx M136 2018 Price
Wala pang price itong Trinx M136 na 2018 model. 🤣
Verdict
Wala pa kasing price kaya hindi pa natin masabi kung sulit ba na bilihin, pero sa specs nya, pwede na, wag lang maging sobrang mahal nitong bagong lalabas na Trinx M136 2018. Sana ay same price pa din ng lumang M136, gawin na lang mas mura yung lumang model.
Update na lang natin itong post na ito kapag may price na. Pero sa totoo lang, mas excited pa din ako sa bagong M500, sa tingin ko kasi, yun na ang sweetspot ng mga budget bikes ni Trinx. Meron na din yung Pro at Elite na variant e, mas panalo yun, wag lang magiging sobrang mahal ang SRP kapag lumabas na.
sir Ian advice niyo lang po, 5’8 po ako at angg bike ko ay small size 16″ lang. Ano po kaya dapat ko i-adjust sa bike para medyo tumugma po sakin yung size ng bike ko. ty po
makasabat na po idol. pag ganyan bike fit ang usapan, ang unang titignan mo ay saddle height. then yung stem. then yung handle bar mo.
Ano po bang magandang size ng gulong at ano pong pinag kaiba ng 26 27.5 at 29 na size ng gulong pag gamit mo? ty po
may video tayo tungkol dyan paps
https://www.youtube.com/watch?v=fHHpNn1Tf0k
Good day sir, hingi lng po ako advice kung anong mga pwedeng iconsider na 27.5er mtb sa 15K price? Sa ngayon sir ung trinx x1 elite ung isa pa lng sa option ko, parang wala pa atang unit sa pinas. Nu pa ba sir mga models n pwede iconsider?
hindi pa available yung elite at pro models, pero lalabas yun this year, ang timbre sa akin, naiorder na yun ng Trinx Philippines 🙂
pwede mo i-consider yung sa Foxter na papasok dyan sa budget mo for now.
Salamat sir, tinitingnan ko nga dn ung foxter elbrus. Salamat po sa info. 🙂
Sir Ian baka pwede pa review ng trinx m610. Not sure kung bagong labas lang
bagong labas lang yun
Foxter lincoln 4.0 or Trinx M136 (2018) ano mas sulit sa price?
malayo ata price nila ah, pero mas ok ung specs ng lincoln overall
Foxter Lincoln 4.0 or Trinx m136 (2018) ano mas sulit sa budget?
Kuya ian pag ba pa upgrade ko to ng Hydraulic Brakes magkano idadagdag ko non? Papalitan din ba non yung brakes? Or combo shifter parin siya? Kapag papalitan ng hydraulic TIA
naka combo shifter kasi ito e na shimano, bale kung bibili ka
hydraulic brakes – 1.5k
shimano shifters – 600 ata or more pa
any update po about sa price?
Specs
frame: M136 Elite internal 16″
fork: trinx suspension, lockout 100mm
gruppo: shimano tourney / trinx crank mix 7x3speed
brakes: x-mech series disc 160mm
rim: trinx xc alloy
tires: cst jackrabbit 27.5 x 2.10
Question lang po,Kaya ba ako ng ganitong specs ng bike 511 ako and ang bigat ko nasa 250lbs.
Sir Ian, ask ko lang pag papalitan ko ung stock hubs tread type ng bike ko papalitan din ba ung groupset?
yung cassette lang
Trinx C782 ung bike ko.
Mga idol, nakakita na po ako ng bagong Trinx M136 (2018) ang price nya is 7,800php
anong wheel size yan? kasi yung tanong ko dati sa quiapo yung 26er, nasa 7k
27 ata kuya Ian or 27.5 wla pko alam msyado sa bike e haha bago lang po ako
Maganda rin po ba yung 2017 yun po Kasi bibilin ko quick release po ba hubs nun
maganda din yun, di pa naka quick release yun
Sir Legit po ba yung Budget Bikes na Online shop?
di ko alam, parang legit naman, pero wala pa ako experience dyan kaya di ko din masabi
Sir ian, ask ko lang anung order na palitan if gsto kong mag 10s x 1 setup. Ito sana idea ko
Weapon shuriken 10s
Ltwoo shifter
Ltwoo rd
10s chain
Haudralic break?
Crank?
How about sa hubs? At iba pang parts Medyo bago lang ako. Pa guide naman po. Reason ko mag bike is dati mountaineering gingawa ko. Halos natapos ko na ata lahat ng bundok sa rizal Kaso madalas walang akyat lalo na pag tag ulan. Kaya bumili ako ng mtb. Ang mtb ko ay Trinx m136 29er salamat po
ok yan, ganyan gamit ko na setup
hubs, pwede yung solon salvo, ganun kasi gamit ko e, kaya wala ako iba marecommend na ibang brands kasi di ko pa tested
pwede din shimano hubs kung mas gusto mo yung hubs na tahimik
boss anu magandang mtb for newbie and mura ung affordable lng tnx
madami sa trinx
Mga bro my idea po ba kayu kung myrunna available trinx m136 na 29er..slmt po
27.5 pa lang nakita ko pero tingin ko meron na nyan, pag wala ka makita, yun m500 na 29er na lang hanapin mo, yun nakakita na ako nun personal
Sir ian ano po maganda trinx m500 quest or m136 quest?
M500 quest ka na
Sir ian ano po mas magandang bilin na trinx m500 quest or m136 quest gusto ko po kasi 29er e salamat po?
Sir good day. Wala pa po akong alam sa mga specs at price ng mtb kaya nahihirapan akong pumili ng bike. Ano po kayang magandang bilihin na mura pero quality at maangas na bike para sa mga beginner pa lang? Thank you po sa sagot
depende po sa budget nyo
Sir Ian tnong ko lng? Sa m136 elite pag nag upgrade b ako ng 10 speed kilangan din b mag palit ng hub nito, slmat Sir ian
yes, need mo magpalit ng hubs kasi thread type pa stock nyan
Idol pwede ba i-convert sa 8x or 9x yung cogs sa stock na hubs ng Trinx M136 Pro, 7x kasi yung stock nya, salamat sa sagot wala akong idea kung need palitan yung hubs para makapg upgrade, God bless!
need magpalit ng hubs na cassette type para maupgrade yung cassette
Ano po ba kua ian maganda? Trinx majestic 136 elite or trinx majestic 500?? Salamat po sa sagot??
Boss ano mganda bike na bilhin 7k ung magnda na sa trinx? Or phantom?
Kap Ian, matagal ko nang hinahanap ang total weight ng trinx m-136 quest, please kailangan ko lang, wala kasi akong pantimbang, maraming salamat sa pagsagot, more power and God bless!
,sir magpapalit po kc ako ng stock na hubs .. thread type po .. ok lang po b kahit hnd na palitan ung casssette .. ???? thanks po ..