Trinx M116 Elite 2018

โ€”

by

in

Isa sa mga bagong labas na model ni Trinx itong Trinx M116 Elite 2018.

May Elite na sa dulo dahil 27.5 na ang wheel size nito kumpara sa dating M116 na 26er lang.

Subukan natin tignan yung mga specs nitong Trinx M116 Elite para magka alaman kung sulit ba na ito ang bilihin na low-budget mountain bike.

Trinx M116 Elite Specs

Frame
Frame Alloy Special Shaped Tubes Hidden Cables
Sizes 16″
18″
Colors Matt Black/White Green, Matt Black/Red Blue, Matt Black/Grey Red, Matt Black/Yellow Blue, Matt Grey/Green Yellow, White/Blue Grey
Fork
Fork Hydraulic Lock-Out Suspension
Travel 100MM
Lock-out
Drivetrain
Shifter SHIMANO ST-EF41
Front Derailleur TRINX FD-QD-35
Rear Derailleur SHIMANO RD-TY21
Cassette 7S 14-28T
Chain KMC 7S
Brake TRINX Alloy Mechanical Disc
Chainwheel 24/34/42T*170L
Wheelset
Wheel Size 27.5
Rims TRINX Alloy Double Wall
Tires CST 27.5″*1.95″ 27TPI
Hubs Disc Hub
Misc
Saddle TRINX Sport
Handlebar TRINX Small Rise
Stem TRINX Alloy
Seatpost TRINX Hi-Ten Steel

[via Trinx.xyz]

Trinx M116 Elite Review

Hindi din naman nalalayo sa Trinx M136 ang specs nitong Trinx M116.

Pareho lang sila na alloy frame na may 7-speed. Kaya lang, mas mura ang Trinx M116 dahil may ilang kumpormiso din ito sa mga pyesa na nakalagay sa kanya.

Kumbaga, mas mababa ng kaunti yung pyesa nya.

Maganda na yung mga batalya ng mga bagong Trinx mountain bikes, yung nasa 2018 na line up. Mga naka internal cabling na kasi, maganda yung porma, malinis tignan at maganda din yung pagkakatira sa design at kulay ng frame.

Alloy na yung frame nitong M116. Dahil maganda na din yung frame, maganda din na iupgrade ito sa future kung sakali.

May sizes daw na 16 at 18 ayon sa Trinx website. Sana sa Pinas, meron nga din nung size 18 para naman may mapagpiliian din yung mga matatangkad natin na kapadyak.

May suspension yung fork, at may lock out na din kaya mas maganda na kung ikukumpara mo doon sa previous release ng M116.

Iba nga lang ang shifters nitong M116 2018. Shimano din sya na 7-speed, pero tingin ko mas mababa lang yun na model kumpara sa shifters na nasa Trinx M136 at Trinx M500 dati.

3×7 ang setup nitong Trinx M116 Elite 2018.

Trinx FD lang, pero pwede na din. Yung RD naman, Shimano Tourney SIS. Ito yata yung pang 7-speed lang na Tourney, di kagaya nung mga TZ at TX.

Kung basic lang na pag gamit, pwede na din yung ganitong drivetrain setup. Pero kung medyo mas mapapadalas ka sa pag padyak, at hindi lang sa kabahayanan nyo mo ikaw balak pumadyak, mas ok sana kung mas maganda yung pyesa kumpara sa nakakabit dito sa M116.

Naka disc brake ito pero mechanical lang.

27.5 na ang wheelset nito. Hindi na 26er lang kaya mas maganda na din. Mas malaki kaysa sa 26er.

Hindi pa nga lang naka-quick release ang hubs, pro expected na yun dahil mas mababang model ito.

Ayos din yung handlebar kasi may rise na.

Trinx M116 Elite Price

P6990 ang price ng Trinx M116 Elite na nakita ko. Kung siguro, makukuha mo ito ng mas mababa pa dun, kung makakatawad ka pa. Pwedeng pwede na.

Verdict

Pwedeng pwede na din.

Dahil mas mura sa Trinx M136 2018 kung tutuusin at kung nagbabalak ka din naman na mag-upgrade sa future, edi doon ka na sa pinaka murang base model. Halos di na din naman kasi yata nagkakaiba sa frame ang mga yan.

Maganda ang batalya, kasi naka-internal cabling na kaya magandang i-upgrade din.

Pero kung tingin mo, gusto mo lang ng bike na as-is maganda na agad, at hindi mo naman naiisipan na iupgrade din dahil kailangan mo lang ng matinong bike na maayos sakyan, sa tingin ko mas sulit kung aakyat ka ng konti sa mas mataas na model dahil mas maganda ang pyesa ng mga yun, konti na lang din naman ang idadagdag.

[alert-note]Photo credits sa LJ Bike Shop[/alert-note]


Comments

35 responses to “Trinx M116 Elite 2018”

  1. Gelodg Avatar
    Gelodg

    Boss ian pde pbang iupgrade shifters saka i hydro brakes yan kahit nka internal na? Wala kayang magiging problem don?

    1. Gelodg Avatar
      Gelodg

      Saka kelan kaya release nyan?

      1. Ian Albert Avatar
        Ian Albert

        meron na nyan available

    2. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwede yan, may mga unit din sila na naka hydraulic at internal cabling na din. kung gusto mo diretso ka na agad sa naka hydraulic brakes like Trinx M610 Elite

  2. Pati ba ung brake cable internal nadin? Sa totoo lang nababaduyan ako sa mga naglalabas ng frame na internal cabling daw pero nakalabas pa din ang para sa rear brake ๐Ÿ˜

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      hindi ko lang sure, hindi ko pa din nakikita ng personal kasi e.

  3. Trinx D700 Elite vs Foxter FT306 ano mas sulit?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      sa trinx ka

  4. Magrereview/feature ka ba ng mga bagong road bikes ng Trinx? ๐Ÿ˜€

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      yes syempre

  5. sa Trinx M116 Elite meron bang quick release lever sa front at rear?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      hindi pa ito naka quick release na hubs

  6. Ano po mas maganda m116 elite 2018 o m500 2018 po. 5’4 lang po height ko kaya nag aalangan po ako eh

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      Trinx M500 mas maganda sa specs, yun ka na lang, kaya yan sa height mo pero mag 26er ka nalang para di ka mahirapan

      1. Sayang out of stock na po m500 samin, 2017 lang pala yun hahaha…
        Ano po ba magandang mtb para sa akin yung ka price lang po ng m500 o m116 o kaya mas mababa pa po thanks.

        1. Ian Albert Avatar
          Ian Albert

          wait mo ma release sa market yung M500 na 2018 model, mas maganda yun

          1. Ok boss mga ilan buwan kayang paghihintay hahaha…
            Gustong pumadyak na eh

          2. Ian Albert Avatar
            Ian Albert

            parang this month ata maglalabasan na or sa July

  7. Gamz Damlani Avatar
    Gamz Damlani

    Sir Ian, ano po mas maganda at sulit sa price to specs ratio, M136 Elite, M500 Elite or yung M700 Elite? Planon ko sana bumili para sa entry level bike na maganda ding e-upgrade in the long run. Salamt Lodi Kapadyak!.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      tingin ko sulit na yung m700 elite, wala ka na papalitan, pero kung plano mo lang din naman mag upgrade in the long run, go for the cheapest base model, kasi sa frame, halos wala naman pinagkaiba ang mga yan.

  8. Vinz Yarag Avatar
    Vinz Yarag

    Sir Ian, Pwede na po ba itong m116 elite para sa mga beginners na katulad ko?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      oo maganda na yan, upgrade mo na lang in the future yan, all in all, good budget beginner bike na yan

  9. kuya ian sulit na ba yung m116 elite nasa halagang 6,800

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwede na din, upgrade na lang kung magka budget na ulit

  10. May lock out ba ito kuya ian? diko pa kase alam ang pinagkaibahan ng lock out suspension at sa lock out lang, blanko kase yung nakalagay dun sa Lock out mo dito sa blog mo hehe

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      wala pong lock out ang Trinx M116 models

  11. Allen Aeron Avatar
    Allen Aeron

    May m116 2018 po ba na 26er?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      26er talaga yan basta hindi Elite

  12. Kapadyak ian gawa ka nmn ng review ng mga mtb ngayon na updated sa halagang 7k pababa?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      wala pa kasi masyadong bagong lumalabas

  13. Sir ian phantom charles jerry nmn gawan mo ng review thanks

  14. Sir ask ko lang anong parts ng M116 Elite ang maganda i upgrade ung medyo mura lang pero maganda tingnan. Salamat

  15. charlewai dapetilla Avatar
    charlewai dapetilla

    nakabili ako ng 15k na trinx m116 elite dto sa mindanao,,,dba ako lugi don???

  16. Amiel Tristan M. Castro Avatar
    Amiel Tristan M. Castro

    May stock pa po ba kayo nito? ASAP po sana. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *