Naka-internal cabling na pala ang Trinx C520 ngayon.
Hindi pa ito lumalabas sa news feed ko sa facebook, dahil siguro inuubos muna ng mga sellers ang unang stocks ng Trinx C520.
Itong bagong Trinx C520, ito na siguro yung 2018 model. Napatingin talaga ako dito nung makita ko ito sa isang shop, naka internal cabling na kaya mas maganda na. Same price lang din. Same specs lang din na LTWOO ang mga pyesa.
Ito ang ilan sa mga pictures:
Ultimo yung brake cable, internal cabling na din. Sa loob na ng batalya dumadaan. Maganda ito dahil protektado na yung kable, pero sa tingin ko ay medyo hassle ito ng konti kapag nag-upgrade na sa hydraulic brakes dahil kailangan ng bagong fittings para don, mahal pa naman ng fittings.
Pero normal lang din naman na bibili ng fittings kasi masyadong mahaba talaga ang stock na hydraulic brakes cable at kailangan din naman putulan.
Kung kailangan mo lang alisin yung preno, kailangan mo din hugutin ulit at sirain yung fittings para matanggal mo yung hydro brakes sa loob ng batalya nitong Trinx C520.
Mukhang sealed naman yung style ng internal cable routing sa Trinx C520 kaya hindi na kailangang alalahanin na mapapsukan ito ng tubig kapag pinapaliguan yung bike.
Anong masasabi nyo dito sa bagong Trinx C520?
Para sa complete specs ng Trinx C520, visit this link: Trinx C520 Specs, Price, Review
Ito pa lang Trinx C520 ang nakita ko na makukumpirma ko na naka internal cabling na, siguro ganito na din yung mga bagong M520, wala pa lang akong nakikita.
Leave a Reply