ForumPadyak For Weightloss
Eric Crisostomo asked 6 years ago

Gusto ko pumadyak para pumayat. Nasa 260lbs ako ngayon 5\’8.  Binibili ko yung Keysto Elite 27.5 11 speed kaya lang pinigilan ako ng gf ko kasi baka daw masira lang sa akin yun. Mag fat bike nalang daw ako. Ano sa tingin niyo? Kakayanin ba ako ng Keysto Elite o may marerecommend kayong iba (under 15k). Maraming salamat!



Share this:

Copy and paste this code into your website.

1 Answers
Ian Staff answered 6 years ago

Sa fatbike na 15k budget wala ako marecommend, hindi mo naman necessarily need ng fatbike paps, kahit mabigat ka pa. Madami ako kilala, road bike pa gamit mga nasa lagpas 100kg din paps, kaya ka nyan paps.
Ang issue sa fatbike na below 15k budget, yung mga pyesa, baka bumigay agad hindi kasi maganda e. Kung mag fatbike ka, mag branded ka yung nasa 25k budget. Ang mababago lang naman dyan ay yung size ng gulong e, walang kaso kung fat tires o hindi sa kung masisira man o hindi.
pero kung mag mtb ka, kaya ka nyan, kung kaya ka ng Keysto, hindi ko masabi, hindi pa kasi nasubukan. Siguro matibay naman yung frame non. Yung pinsan ko more than 100kg sya pero kaya naman sya ng Trinx kahit M136 lang.



Your Answer

5 + 11 =