SRAM SX vs Shimano Deore Groupset | Alin Mas Sulit na Drivetrain?


SRAM SX or Shimano Deore na groupset, alin ba mas sulit sa dalawa?

Ang topic na ito ay para sa mga nagbabalak na bumili ng groupset, pang upgrade or maybe para sa bagong bike build, pero di maka-decide kung SRAM SX o Shimano Deore ba.

Sa video na ito, inisa-isa natin yung mga pagkakaiba nila, mga similarity, advantage nung isa kumpara sa isa, at kung ano yung recommendation ko kung sakaling ako yung pipili sa dalawang drivetrain set na yan.

Pareho kasi nyan, meron tayo dito, nasubukan ko na gamitin.

Brand

Shimano vs SRAM, both naman parehong pioneers na sa drivetrain components ng bikes.

Kaya kahit alin sa dalawang brand na yan ang piliin mo, you cant go wrong either way.

Pero bakit nga ba nagkaroon ng consideration na pagpilian ang dalawang drivetrain na topic natin ngayon?

Ang sagot dyan, yung price.

Price

Price ng complete deore groupset, around 13,500 up to 14,500 naglalaro.

Sa groupset na yan kasama dyan yung rd, shifters, fd, crankset, chain, cassette, at brake set.

Price naman ng SRAM SX groupset, around 11k up to 12k yung nakikita ko na bentahan nito.

Ang included naman dito ay yung rd, shifters, crankset, chain at cassette.

Wala pang brake set.
Which is yan yung common sa mga drivetrain set ng SRAM.

Kung sa ganitong price point pasok yung budget mo, ito malamang yung mapagpipilian mo.

SRAM SX

SRAM SX groupset (RD, shifter, crank, chain, cassette)

Ang SRAM SX ay naka 1×12 speed na setup.

Isa lang ang plato sa crankset, 12-speed ang cassette sa likod.

Ito na yung pinakamurang Eagle drivetrain ng SRAM.

Parang trickled down ito ng SRAM Eagle components
performance-wise, di nalalayo sa mga mas angat na modelo.

Mas mura ang price point, pero mas mabigat nga lang at less premium yung materials na ginamit kumpara sa mga high-end SRAM Eagle parts.

May crank options ka na 30, 32, at 34t na chain ring sizes.

Yung cassette, 11-50T, 50T yung pinakamalaki.

Yung cassette nito pwede kahit sa mga pang 10-speed na hubs na may regular Shimano HG freehub body.

Shimano Deore

Shimano Deore groupset (no hubs, no brakeset)

Ang Shimano Deore naman ay 10-speed groupset ng Shimano.

May choice ka kung 3x o 2x ang crankset.

Yung M6000, ito yung latest iteration ng drivetrain na ito.

Improved yung aesthetics, di na nalalayo sa mga higher end groupset yung itsura.

Parang trickled down na din ito na SLX.

Cassette options: 11-36t sa 3x at 11-42t sa 2x.

May hubs na Deore din pero karaniwan pag bibili ka ng groupset na to hindi yun kasama.

Shimano Deore hub

Madaming options ng FD para sa ibat ibang mounting at cable routing.

May brakeset na din na kasama, para sakin ito yung pinakamagandang budget brakeset after nung non-series ng Shimano.

Comparison

Both drivetrains, parehong magandang mountain bike drivetrains na.

Anything below Shimano Deore kasi, sabi hindi daw “true MTB” components.


Yung Deore may clutch system tulad sa mga higher end rear derailleurs.

Mas suitable na gamitin sa mga trails.

Same with SRAM SX, may internal na clutch system, kaya hindi din matagtag kung for trail riding purposes.

Sa weight naman, sabi mas magaan daw ang Deore kesa sa SRAM SX.

Hindi lang natin ma-confirm kasi wala tayo nung raw groupset para matimbang.

Pero tingin ko hindi naman ganun ka-significant, it might be just few hundred grams ang difference.

Kung sa ganitong pricepoint pasok yung budget mo para sa bike build mo,
hindi ka dapat concern masyado sa weight
unless na nagbubuo ka ng lightweight setup, dapat budget mo mas malaki pa.

Kaya yung weight for me, it doesnt matter much as a deciding factor sa pagpili sa dalawang to.

Mas importante yung intended use and setup preference.

Performance, pareho naman maayos performance ng dalawang yan.

Kaya dun na lang magkakatalo sa gusto mo na gawin na setup sa bike mo.

Ang main difference kasi ng dalawang yan is yung crank setup.

1x yung sa SRAM, 2x or 3x naman yung Deore.

Pwede mo din ma convert yung Deore sa 1x pero additional cost na nga lang yun,
mas maganda pa kung mag SLX ka na lang since gagastos ka din naman para dun sa conversion.

Kung more on trail rides ang gagawin mo, at mas prefer mo din na mag 1x na setup due to its simplicity,
magandang choice na ang SRAM SX for its price.

Yung Deore, maganda din naman sa trail, being a 2x and 3x, mas wide ang gear range na meron ka.

Meron kang mas mabigat na gearing para sa high speed compared sa 1x ng SRAM SX na limited lang sa isang chainring size.

Meron ka ding mas magaan pa na gearing para sa uphill climbs.

Kung all-around use ang bike, like touring, long rides, mas suited dito yung naka 2x or 3x na setup.

Conclusion

Kung dyan lang sa dalawa na yan ang pagpipilian mo, piliin mo yung SRAM SX kung magiging kuntento ka sa 1x na setup.

Meron kasi preferred nila yung looks ng 1x na setup.

It can also work as an all-around bike din naman, hindi lang puro trail.

Pero kung more on trails ka, maganda to na choice.

Makikita mo kasi sa mga base model ng even high end bikes, ito na yung nakalagay na components.

Pero kung importante sayo yung heavier gearing at you dont mind having a front derailleur, go for 2x or 3x na Deore.

Kung balak mo nga lang iconvert sa 1x ang Deore, wag na.

Sayang kasi yung edge nya over SRAM SX na much wider gear range.

Maliit lang din ang biggest cassette na pwede sa Deore RD, unlike sa SRAM SX na kaya ang 50t cassette out of the box.

Yes pwede mo pilitin, gagamit ka lang ng RD extender o goat link,
pero masasacrifice nito yung performance ng rd sa shifting ng gears.

Kahit alin piliin mo dyan, walang bad choice.

Sa price point ng SRAM SX, pasok din dito yung Shimano SLX na 12 speed setup.

SLX 12-speed RD, shifter, crankset, chain at cassette, di nalalayo ang presyo.

SLX 12-speed upgrade kit

Meron din nabibili na Shimano hubs para dito na affordable.

Pwede mo din yan maging consideration kung 12-speed na setup ang trip mo.

Since wala pang brake set ang SRAM SX, kung dadagdagan mo ito ng non-series brake set from Shimano, same price point lang to sa Deore na setup.

Pero considering na Deore na yung brakeset na nasa Deore groupset, mas maganda yun compared sa non-series ng Shimano.

Kung SRAM SX plus Deore brakeset naman, ang price nito almost malapit na sa Shimano SLX 12-speed which is another good choice if budget permits.

Mas maganda din kasi 11-speed na, may 1x option, at yung brakeset, SLX model na.

May project bike ka na hindi pwede gumamit ng front derailleur,
go for SRAM SX.

Yung bike mo intended mo na gamitin din para sa adventure rides, go for Deore dahil sa multiple chainrings.

May extra budget ka to spare, consider Shimano SLX either 11 or 12 speed.

Bottom-line, alin man sa mga yan piliin mo, walang bad choice.

Kung kayo papapiliin, alin ang pipiliin nyo?

SRAM SX or Deore groupset?

Comment down below mga kapadyak.


  •  
  •  
  •  
  •