Skyline Super 2018 (27.5) Review

by

in

Nakita ko lang itong Skyline Super MTB, mura pala nito. Okay naman ba kaya ang specs?

Yan ang titignan natin. Limited lang yung impormasyon tungkol sa specs nitong bike na ito dahil wala naman tayong actual bike na pwedeng mai-review ng totoo.

Skyline Super 2018 (27.5) Specs

  • Frame: Alloy
  • Fork: Skyline
  • Shifters: Shimano Rapidfire 7 speed
  • Front Derailleur: Saiguan
  • Rear Derailleur: Shimano Tourney TZ 7 Speed
  • Crankset: Skyline
  • Bottom Bracket: Sealed
  • Rims: Skyline double wall
  • Tyres: Wanda King 27. 5

Alloy na yung  frame, may apat na kulay na pwede mapagpilian. Hindi ko sigurado kung meron pang iba. Sa size naman, wala din akong impormasyon kung anong size ba available itong Skyline Super MTB, siguro ay size 17 lang na common naman sa mga budget mountain bikes.

Unang tingin ko pa lang sa frame nito, halos kamukha ng frame ng Trinx M500 o Trinx M136. Flat yung ibabaw ng top tube, at nasa ilalim nun yung cable stoppers ng derailleurs at rear brake na pang mechanical disc brakes lang.

Yung fork naman, Skyline stock fork lang. Walang lock-out, manipis ang stanchions, kulay black, generic coil spring suspension fork lang.

Sa shifters, okay dahil Shimano ang shifters. Pero sa pagkakaalam ko, ito yung old model ng Shimano combo-shifters. Okay din naman na ang performance ng shifters na ito. Yung front derailleur naman, Saiguan brand. Nadidinig dinig ko na ang brand name na ito, karaniwan nga sa mga low-end bikes lang din. Yung RD naman, buti at Shimano na kahit Tourney lang.

3×7 speed ang setup nitong Skyline Super 27.5 MTB. Yung crankset, walang branding, pero mukhang bakal pa ang crank arms nito. Hindi ako sigurado sa sizes ng chainrings nito pero siguro ay 42-32-24T tulad ng iba. Yung cogs, hindi ko alam kung ano, baka nasa 14-28T tulad ng nasa ibang 3×7 na murang bikes.

Alloy na double wall yung rims, okay na din. Yung tires, Wanda ang brand. Hindi ko din alam itong brand na ito, siguro mumurahin lang din na tires.

Dahil combo-shifters pa sya, mechanical disc brakes lang ang preno nitong Skyline Super 2018 (27.5). Quick release naman na yung hubs, sa harap at sa likod.

Napansin ko dito may rd protector na nakakabit. Straight yung handlebar, walang bar end grips, ordinary lang yung handlebar grip.

Skyline Super 2018 (27.5) Price

P6000 lang yung price nitong Skyline Super 2018 27.5 MTB na nakita ko. Mura diba?

Pero maganda ba?

Verdict

Kung ako, P6000 lang ang budget, hindi na din siguro masama ito kasi okay na din naman yung pyesa. Yan lang talaga yung abot ng P6k na budget e. Pero kung kaya pa itaas, mas maganda sana yung Trinx M136 o M500 na lang. Konti na lang naman ang idadagdag, mas latest pa na Shimano combo shifters, at may lock-out pa yung fork, sa M500 naka alloy crank na din.

Kaya lang 27.5 ito e, yang mga nabanggit ko, 26er lang yan. Pero nasasayo pa din ang desisyon kung bibilhin mo itong model na ito.

Pero kung ako ang may tropa na humihingi ng tulong dahil gusto bumili ng Skyline Super mountain bike, sasabihin ko pa din na, mag dagdag na lang. May iba pang mura na 27.5 na maganda ganda e, gaya ng Foxter Powell 1.0 o di kaya yung sa Trinx na Trinx C520 (naka LTWOO parts) at Trinx C782 (naka hydraulic brakes na).

Baka kasi pag ito ang binili mo, dumating ka agad sa punto na may mga pyesa ka na kailangan palitan agad, mas mapapamahal ka pa lalo ng gastos.

[alert-note]Images via Ryanbikes[/alert-note]


Comments

24 responses to “Skyline Super 2018 (27.5) Review”

  1. Ronald D. Avatar
    Ronald D.

    Boss Ian try mu nga din lagyan ng review yung Battle 419D MTB nakita ko kasi may bagong model sila and siguro mas maganda kung pag compare mo narin silang dalwa. Sakto din sa mga nag hahanap ng budget bikes! Salamat..

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      check ko yan

  2. Nigel O Caliboso Avatar
    Nigel O Caliboso

    Kapadyak pa review naman ng skyline blackhawk thankyou

  3. Sean Gibaga Avatar
    Sean Gibaga

    Boss Ian, saan po ba makakabili ng ganitong presyo ng skyline mtb?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      sa ryanbikes ko nakita yan

      1. Sean Gibaga Avatar
        Sean Gibaga

        Saan po ba yung ryanbikes located?

        1. Ian Albert Avatar
          Ian Albert

          Madami, check mo na lang sa fb nila paps.

  4. Peralta, aubrey Avatar
    Peralta, aubrey

    Sir patulong po, ano pong marerecomend neo sakin na mtb na pang 10k lng po na budget kahit alin po sa dalawang brand na trinx o foxter, na sana po eh naka hydraulics na tapos 8 or 9 speed tapos 27.5 or 29er po tapos yung maganda pyesa patulong nalang po, diko alam eh kung anong pipiliin ko salamat po sir.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      Foxter Evans 3.0, ok na budget pang 10k pababa. Naka hydraulic brakes na din na Shimano, at internal cabling na din yung frame. 27.5 siya. Kung sa Trinx naman, yung Trinx Q500 na 29er ang recommended ko, hindi pa nga lang sya naka hydraulic brakes pero maganda naman na yung mga pyesa at lalo na yung frame, internal cabling na din, upgrade mo na lang sa hydraulic brakes.

  5. Ok lang po ba to sa beginner like me or ung foxter ft301?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      ok po yan na choice

  6. sir ian patulong naman kung ok lang po ba ang mtb RYDER SHARK (29) 2019 eto sana gusto kung kunin…..

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      ok na din yan, pero kung ako sayo, sa Trinx ka na lang pumili ng 29er mas updated kasi ang frame e

  7. kvnjslvbrngl Avatar
    kvnjslvbrngl

    May point ka kuya ian, talagang dadating tlga sa point na magpapalit talaga ng pyesa. kahit ayaw mo.

    pero dito saamin. 5,600php lang itong skyline super 27.5

    sa tingin ko kung presyuhan lang din naman at gusto ng 27.5.
    ito na pinaka sulit. “sa ngayon”

    1. Cj dolosa Avatar
      Cj dolosa

      Mag kano po ito

  8. ryan d. Avatar
    ryan d.

    boss ian, meron ako nito skyline super 27.5, tanong ko lang kung anu bagay na fork, kasi plan kong palitan ang fork nito. tapered ba o hindi?

  9. Tanong ko lang sir Ian Tappered ba yan or Non?.

  10. Sir Tappered ba yan or Non Tappered? tsaka ano kaya size ng Headset nyan?

  11. Albert ordiales Avatar
    Albert ordiales

    Sir ian pwede po ba paltan ng hydraulic brakes yung bike na yan na skyline pati ng fork ganyan po kasi bike ko

  12. jhunskie Avatar
    jhunskie

    sir patulong naman pumili ng mtb para saming baguhan. 7 k lang budget namin
    ung naka hydraulic na sana salamat

  13. akosi si tulfo Avatar
    akosi si tulfo

    paano ba ikabit ang hobs sa gulong bg bike

  14. Nabili namin to first week of March this year before lockdown. Napansin ko lng ma tigas mag shift sa front derailleur at hindi basta basta pumalit nga gear lalo na pag papalitan mo going 3rd.

    Matigas rin mag padyak :/ At kailangan kong palitan yung crankset, front derailleur at gear shifter..

    Nasayo naman and decision pero advice ko lng.. Avoid this bike! Not a worthy investment.

  15. Gerald Avatar
    Gerald

    >hi lods mahilig ako SA bike pero walang magandang bike, nag order PO ako nian d Kasi swak budget ko. Its a pleasure to be one of your commentors and one of your subscribers to ur yt channel. D pa dumadating UNG order ko, Sana nabasa ko kaagad to haha. Helpful talaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *