Skyline Blackhawk 27.5 MTB Review


Isa din ito sa madalas na request sa akin, hindi ko kasi masyado nakikita ito, pero ngayon subukan natin gawan ng review ang bike na ito base sa specs niya, kung sulit ba ito bilihin sa presyo nya.

Ito yung specs na alam natin dito sa Skyline Blackhawk:

Skyline Blackhawk Specs

  • Frame: Alloy
  • Fork: Skyline
  • Shifters: Shimano Altus 9 speed
  • Front Derailleur: Shimano Altus
  • Rear Derailleur: Shimano Altus 9 Speed
  • Crankset: Prowheel
  • Bottom Bracket: Sealed
  • Rims: Skyline double wall
  • Tyres: Kenda 27. 5

Alloy na yung frame, naka internal cabling na din kaya ayos na din. Okay din yung porma ng bike. May ibat ibang kulay ka na mapagpipilian. Hindi ko lang alam kung may mga sizes pa itong MTB na ito.

 

Yung fork naman, Skyline rebrand lang din, pero may lock-out na kaya hindi na din masama.

Shimano Altus na yung parts, mas mataas ng konti kaysa kumpara sa Shimano Tourney na madalas makita natin sa mga beginner budget bikes na 7-8 speed. Kapag 9-speed na kasi, Altus na ang nilalagay sa mga mountain bikes madalas.

Shimano Altus yung shifters, FD, at RD kaya okay na okay. 3×9 speed ang setup nitong Skyline Blackhawk.


Prowheel brand ang crankset, 3x setup, mukhang alloy na din naman yung crank arms.

Skyline daw yung rims, pero kita naman sa picture na Aeroic brand yung rims. Okay na din kasi alloy na at double-wall na.

Yung tires naman, Kenda brand na.

Naka hydraulic brakes na din ng Shimano non-series. Buti na lang at Shimano yung brakes na nakalagay, kasi mas maganda na yun kesa ibang brand pa na murang hydraulic brakes.

Skyline Blackhawk Price

P12,500 ang price na nakita ko dito sa Skyline Blackhawk mountain bike.

Verdict

Sulit na ba sa P12,500 ang Skyline Blackhawk?

Siguro okay na din, maganda naman na ang pyesa. Hindi na din naman nalalayo sa Foxter Harvard 5.0 ang presyo nya, kahit na magkapareho na magkapareho lang din sila ng specs. Mas mura nga lang yung Foxter Harvard 5.0.

Kung trip mo yung porma at kulay ng bike, pwede na siguro. Sabi nila, Foxter din daw galing itong Skyline na brand ng MTB. Kung titignan mo nga, hawig nga sa porma ng Foxter, sa style ng logo at sa pagkakatira ng kulay.

Image credits sa Ryanbikes.


  • 53
  •  
  •  
  •  
    53
    Shares
    1. EJL April 21, 2018
    2. Ryan James Abrigo April 21, 2018
    3. Francis May 6, 2018
      • Ian Albert May 6, 2018
    4. Nigel Caliboso May 9, 2018
      • lear June 1, 2018
      • lear June 1, 2018

    Add Your Comment