Simplon Storm 7.1 2018 (27.5) Review

27.5, naka Alivio na.

Subukan ko gawan ng review itong Simplon Storm 7.1 2018 (27.5) MTB base sa mga specs niya.

Tignan natin kung sulit ba ito sa price niya.

Simplon Storm 7.1 2018 Specs

Medyo limited lang ang alam natin sa specs nitong Simplon Storm 7.1 2018. Wala kasi tayo ng actual na bike model e. Pero gayunpaman, maari na din natin mabigyan ng desisyon kung sulit ba bilihin itong Simplon Storm 7.1 2018 mountain bike.

  • Frame: 27.5 Medium Frame
  • Fork: Simplon Lockout Fork
  • RD: Shimano Alivio Gs (9Speed)
  • Shifter: Alivio 9 Speed
  • Brakes: Shimano Hydraulic Brakes
  • Bottom Bracket: Sealed
  • Rim: Aeroic double wall rim
  • Saddle: Simplon
  • Tyres: Kenda tires

27.5 ang wheel size nitong Simplon Storm 7.1 2018. Hindi ko sigurado kung may iba pang frame sizes ito bukod sa medium. Sa may height na 5’5″ pataas, swak pa itong medium size ng MTB frame. Alloy na din naman siguro ito, at naka internal cabling na kaya malinis tignan ang cable routing. May ibat ibang kulay din na mapagpipilian, gray at neon green pa lang yung nakita ko.

Sa fork naman, Simplon branded yung stock fork. Pwede na din kasi may lock-out naman na at mukhang mataba din naman yung tubing ng stanchions, kulay black pa. May parang knob ng preload adjustment sa kaliwang side ng fork, pero hindi ko din sure kung preload adjuster nga ba yun.

Shimano Alivio na ang mga pyesa, sa derailleurs at shifters. 3×9 speed ang configuration ng MTB na ito. Maganda na yun kung ikukumpara mo sa ibang MTB dyan na naka Altus o Acera lang.

Matagal na akong gumagamit ng Shimano Alivio na grupo, so far satisfied naman ako sa pyesa na ito. Mabilis at responsive ang shifting, walang issues. Kung sakali nga na bubuo ako o maguupgrade ng mga low-budget MTB build, Shimano Alivio ang pyesa na ilalagay ko dahil sweetspot na ito sa mura pero magandang experience ng MTB riding.

Sa brakes, naka hydraulic brakes na itong Simplon Storm 7.1 2018. Maganda din na non-series Shimano Hydraulic brakes yung nakalagay at hindi ibang 3rd party na hydro brakes. Mas bias talaga kasi ako sa Shimano hydraulic brakes, kahit na non-series lang kumpara sa ibang hydraulic brakes na hindi Shimano ang brand.


Yung rims, Aeroic brand. Sabi, gawa din daw ito ng Mountainpeak. Sa amin, dalawa kami ng pinsan ko na gumagamit ng ganitong rims. Gamit ko sa CX bike ko, gamit naman nya sa hybrid Trinx M500 niya. Pansin ko sa rims na ito, mas malapad ito kumpara dun sa unang alloy rims na nabili ko. Double-wall alloy na kaya matibay at magaan na din kumpara sa single-wall lang.

Kenda tires na din yung gulong, hindi CST lang.

Prowheel yung crank, may naka lagay na MPE. Hindi ko alam ang ibig sabihin. Hindi ko din sure kung anong size ng mga chainrings nito, pero hula ko 42-32-24T. Riveted yung chainrings kaya hindi mo pwede i-convert sa 1x setup, mukhang alloy naman na yung crank arms kaya maganda na din.

Sa ibang mga pyesa:

  • yung hand grip may lock-on kaya maganda na din, hindi mumurahing hand-grip lang.
  • may rise at backsweep yung handlebar, hindi ko sure kung alloy na
  • medyo short yung stem sa tingin ko sa pictures, hindi ko din alam kung alloy na
  • quick-release yung seatclamp
  • magandang klase na din yung seatpost, alloy naman na siguro ito
  • maganda din yung saddle, hindi mukhang mumurahin
  • yung hubs, hindi ko alam kung anong brand, cassette type naman na siguro yun. Naka quick release na sa harap at sa likod, bolt type din yung rotors.
  • yung cogs, hindi ko alam kung ano ang range. Maganda sana kung 11-36T man lang ito o kahit 11-34T man lang para medyo sulit yung pagiging 9-speed nya kasi kung 11-32T lang ito, halos ganun na din kasi yung stock cogs ng ibang MTB na naka 8-speed setup lang.

Simplon Storm 7.1 2018 Price

P14,900 ang price na nakita ko dito sa Simplon Storm 7.1 2018.

Verdict

Maganda na ba ang Simplon Storm 7.1 2018?

Ito ang mga nagustuhan ko dito sa Simplon Storm 7.1 2018:

  • maganda ang frame, naka internal cabling na kasi
  • Shimano Alivio ang mga pyesa
  • Shimano ang hydraulic brakes na nakakabit

Sa kabilang banda naman, hindi ko masabi na ito yung mga hindi ko nagustuhan pero:

  • hindi ko alam ang hubs na nakalagay
  • hindi ko din alam ang cogs na nakalagay

Masasabi ko dito, parang pwede na din. Dati kasi sa presyong yan, wala ka makikita na naka Alivio na, sagad na naka Shimano Acera lang. Kung trip mo ang porma at fit naman sayo ang size, pwede na din.

Pero sa almost P15k na budget, kung ako lang ang tatanungin, kukuha na lang ako ng budget bike na nasa P8k naglalaro ang presyo tapos papasalpakan ko ng straight na Alivio groupset. Pwede naman kasi yung ganun.

images via Ryanbikes


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. Dj April 17, 2018
      • Ian Albert April 24, 2018
        • Ritchie October 24, 2018
          • Ian Albert October 24, 2018
    2. Allen Aeron Pardo November 2, 2018
      • Ian Albert November 12, 2018
    3. Nayrb November 5, 2018
      • Ian Albert November 12, 2018
    4. Kapadyak December 20, 2018
      • Ian Albert December 20, 2018

    Leave a Reply to Ritchie Cancel reply