Simplon Blizzard 9.1 – Single Speed Build

by

in

Kung natatandaan nyo, meron tayong nai-feature dito sa site na Foxter FT301+ na naka single-speed.

Merong bagong project ang kapadyak natin na si PJ. Simplon Blizzard 9.1 naman ang base frame at single-speed mountain bike pa din ang setup.

29er yung Simplon Blizzard 9.1 pero 27.5 ang nai-setup nya na gulong.


Hi sir Ian,

Submit ako story ah. Share ko lang din sa mga mahilig magbuo for ideas at sa mga meron sakit na n+1 = bike wishes, where n is # of current bikes.

More power ka-padyak!

Shopee bike – dahil lahat ng small components ay galing sa shopee.ph

Wala kasi oras para dumaan sa local bike shop at meron naman ako tools kaya sa kwarto ko lang binubuo mga bike ko.

Nabili Simplon blizzard 9.1, frame lang. Dapat 29er XC bike ang gagawin kaso hindi pala kasya ang Maxxis Ardent 29×2.4 sa rear, sayad sa chain and seat stays. Muntik ko na benta frame. Sakto meron nag-benta sa FB group Laguna bike tiange (https://www.facebook.com/groups/719953441469058/?ref=br_rs) ng All terra rim and spokes sa halagang 1500. Nag-sunod sunod na ang ibang pyesa na binili sa shopee. Ang resulta SS trail bike na nangangarap na maging plus bike. Naghahanap pa ako ngayon ng 27.5×2.6 tires.

1km lang ako from UPLB campus kung saan nandoon ang Mt.Makiling/mudspring/agila base at Jamboree trails kaya 30/18T SS gearing combination ang ginawa. Papunta sa mudspring at agila base ay literal na #unliahon kaya sulit mag SS dito sa LB.

Sana makapasyal kayo dito sa Los Baños, Laguna. More power kapadyak.

  • Frame: Simplon Blizzard 9.1 29er
  • Fork: SR epixon 29 100mm
  • Bars: atomic 740mm
  • Grips: t-one
  • Stem: 3T 70mm -7* (P315)
  • Cranks: alivio 3x* (P2300)
  • Chainwheel: 30T, tinanggal small & large, add washer
  • Chain: Shimano IG 8s
  • RD: SS tensioner
  • Sprocket/cog: 18T
  • Pedal: sagmit* (P600)
  • Seat: velo small fake
  • Seat post: tmars dropper mechanical
  • Hubs: ragusa 4 pawls* (P1500)
  • Rims: 27.5 all terra, 40mm inner
  • Tires: Ardent 27.5×2.4**f (P1000), used kenda 27.5×2.1r
  • Rotors: 180,160mm
  • Brake: shimano non-series hyrdraulic* (P1600)

shopee.ph sellers:

  • *Spike cycle shop (https://shopee.ph/shop/6657146/)
  • **On the trail PH (https://shopee.ph/shop/8748832/)

Spotted yung dating Foxter FT301+ ni kapadyak na PJ
Single Speed
T-mars dropper post
Single Speed Tensioner
1x chainring setup, Alivio crankset, Sagmit pedals
3T stem
Simplon Blizzard 9.1 Single Speed Setup


Salamat kapadyak na PJ sa pag-share mo nitong bike build mo. Angas ng porma, malinis tignan.

Kung nais nyo din mag-share ng bike builds nyo, i-contact nyo lang ako para ma-feature natin yan dito sa website.


Comments

15 responses to “Simplon Blizzard 9.1 – Single Speed Build”

  1. pj sinohin Avatar
    pj sinohin

    wow thanks sir Ian sa pag-accept ng entry ko, sana marami pa mga #kapadjak mag-try ng #singlespeed set-up at ma-enjoy eto.

  2. pj sinohin Avatar
    pj sinohin

    >> sinukat ko ng aktwal, 30mm internal lang pala yung all terra rims
    naka ardent race 27.5×2.35 tire na sya ngayon sa rear, syempre 2nd hand din-PhP800 lang!

  3. Kaloy Avatar
    Kaloy

    magkano po estimated price na nagastos?

    1. pj sinohin Avatar
      pj sinohin

      less than 20k lang sir.

  4. habagat Avatar
    habagat

    pj di ko magaling physics ano kya mangyari kung dalwa chain nakakabit ble large crank on 11 teeth sprocket at small plate on crank connected to the biggest gear sa rear,? magi kyang mabilis ang bike with high torque o bka naman 2X mabigat pidalan but 2X naman climbing power ano kaya palagay mo,?

    1. pj sinohin Avatar
      pj sinohin

      edi parang nasa large chainring at 11T cog lang.
      at talaga nag-isip ako 😀

      1. habagat Avatar
        habagat

        he he salamat.sa analysis mo gusto kung iaktuwal kaso wla ako spare na chain yun ngang brake gusto ko naring .i synchronize tutal hydro. pra isang lever na lang at sa kaliwa mechanical clip brake sa rear as back up salamat

  5. Xavier Avatar
    Xavier

    Hi Sir Ian. May nabibili ba nyan na frame lang?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      built bike lang ang brand new ng simplon, siguro kung makakahanap ka ng secondhand na magbebenta

  6. pj sinohin Avatar
    pj sinohin

    heads-up lang sa nagbabalak bumili neto frame, upto 29×2.1 lang pwede na tires sa rear.
    nasayang lang binili ko maxxis ikon 29×2.2 🙁

  7. alvin cinio Avatar
    alvin cinio

    sir ok lang ba hindi na lagyan ng tensioner? saka yung naka lagay sa magkabilang gilid ng cog ano tawag dun? may simplon din kasi ako balak ko gawin na ss nalang din

    1. pj sinohin Avatar
      pj sinohin

      depende sa length ng chainstay kung maka tsamba ka ng magic combination.
      single speed spacers tawag dun, kasana yun kapag bumili ka ng single speed kit. pwede din naman PVC na pinutol.

      1. alvin cinio Avatar
        alvin cinio

        boss saan ka nakabili ng single speed kit mo? saka magkano?

        1. pj sinohin Avatar
          pj sinohin

          online FB lang sir tsambahan lang

  8. James P. Avatar
    James P.

    Makisig to! Help naman mga Sir on where to get/buy a single speed kit. TIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *