Simplon Blizzard 8.1 2018 (29er) Review

29er, Deore parts

Ito namang Simplon Blizzard 8.1 ay 29er MTB na available sa market natin sa Pilipinas. Subukan natin gawan ng review itong Simplon Blizzard 8.1 base sa specs na makakalap natin. Dahil sa price-point nito, hindi na ito budget bike.

Simplon Blizzard 8.1 2018 Specs

  • Frame: 29 Medium Frame
  • Fork: Simplon w/ lockout
  • Shifters: Deore 10 speed
  • Front Derailleur: Shimano Deore
  • Rear Derailleur: Shimano Deore 10 speed
  • Brakes: Shimano hydraulic
  • Brake Levers: Shimano
  • Crankset: X-Ten (Hollow)
  • Bottom Bracket: Sealed
  • Rims: Aeroic double wall
  • Tyres: Kenda 29

Alloy na yung batalya, naka internal cabling na din. Maganda yung porma, pati pagkakapintura. Madami ka din mapagpipilian na kulay. Sa size naman, hindi ko lang sigurado kung may iba pang sizes ang bike na ito.

Yung fork naman, stock Simplon fork lang, na may lock-out naman na din. Kulay black yung stanchions, at mukha namang mas mataba ito kaysa sa ibang stock forks na makikita natin lalo na sa mga budget bikes. Hindi indicated na air-type ang fork na ito kaya i-a-assume natin na coil-spring fork pa din ito.

Sa drivetrain naman, Shimano Deore na ang pyesa nitong Simplon Blizzard 8.1. 10-speed ang setup ng Deore. Deore na yung shifters, front, at rear derailleur. Mas mataas itong Deore sa hierarchy ng mga Shimano groupsets kumpara sa Shimano Alivio. Mas maganda din ang performance syempre.

Sa brakes naman, Shimano non-series hydraulic brakes ang nakakabit. Sayang at hindi pa ginawang Deore brakes na lang din sana. Pero mas mamahal siguro kung ganon. Pero ok na din yan kahit non-series lang na Shimano ang brakes.

Sa crankset naman, Prowheel X-ten yung crank. Hollowed yung bottom bracket tulad ng mga hollow-tech cranks ni Shimano din. Mas magaan yung ganung klase ng crank, sealed na din ang bottom bracket kaya hindi madaling pasukin ng dumi o tubig na madalas pagsimulan ng tunog sa pagpidal.


Sa rims naman, Aeroic ang brand ng rims. Double wall na ito at alloy. Okay na din, magandang klaseng rims na din. Gamit ko din kasi yang Aeroic rims e. Sa tires naman, Kenda na, hindi CST.

Sa ibang mga pyesa:

  • naka riser handlebar na. Maganda yun, kumportable gamitin.
  • naka lock-on yung grips, hindi mumurahin.
  • quick release na yung seatclamp
  • medyo short yata yung stem
  • maganda na yung seatpost, at pati na din yung saddle
  • yung hubs, di ko alam ang brand, naka quick release na sa harap at sa likod, bolt-type ang rotors

Simplon Blizzard 8.1 2018 Price

P19,900 ang price na nakita ko dito sa Simplon Blizzard 8.1. Hindi na siya budget bike, pero sulit ba ang bili sa Simplon Blizzard 8.1?

Verdict

Medyo mahirap sagutin pero ibibigay ko ang opinyon ko tungkol sa bike na ito.

Una, dun muna tayo sa kung anong nagustuhan ko dito sa bike na ito:

  • maganda yung frame, naka-internal cabling, approve din sa akin yung porma, at mga kulay
  • naka-Deore na

Tulad ng nasabi ko sa Simplon Storm 7.1:

  • hindi ko alam ang range ng cogs, sana man lang ay 11-40T o higit pa dahil sayang naman ang pagiging 10-speed nya.

Kung napanood nyo na yung video na ginawa ko dati tungkol sa Simplon Storm 9.0, nadiskubre ko doon na hindi naman pala legit na Simplon bikes yung tinitinda sa atin. Dahil kung i-checheck mo sa website ng Simplon, wala dun yung mga Storm/Blizzard models na nagkalat sa atin.

Maganda din naman ang mga Simplon bikes, ok din yung porma at mga pyesa. Pero para sa akin, kung budget bikes, pwede pa. Pero kung nasa P20k na ang presyo, kung gagastos na din ako ng ganyan kalaking pera sa bike, bakit hindi pa sa mas kilalang brand na ng bikes? Dun ka na sa nakakasigurado ka na legit at orig tulad ng Giant, Merida, Cannondale, Specialized, at iba pa na madali naman mabili din dito sa Pinas.

Kung tutuusin, parang generic frame nga lang yan ding Simplon bike, tulad ng Foxter, kaya lang kung ikukumpara mo naman yan sa Foxter na kagaya ng Foxter McKinley 8.0, ang laki din ng lamang ni Foxter McKinley 8.0 sa pyesa.

Uulitin ko ulit, no hate sa Simplon brand o sa bike shops na nagbebenta nito dito sa atin sa Pilipinas, sinasabi ko lang kung anong magiging desisyon ko kung ako ang nasa sitwasyon na bibili nitong Simplon Blizzard 8.1 2018 (29er).

Kung gusto ko ng naka 10-speed na Deore mountain bike, parang mas maganda pa bumili ng budget bike at i-upgrade na lang sa straight Deore groupset, di din naman nalalayo sa magagastos.

Images via Ryanbikes


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. Mudruxx April 26, 2018
    2. Alen Odbu December 27, 2018

    Leave a Reply to Mudruxx Cancel reply