“Atin S’yang pasalamatan sa bawat paglalakbay natin kasama ang ating bisikleta”
Sa aking kinaroroonan (lungsod ng Calamba), isa lamang itong ‘short ride’. Ang Padre Pio Shrine ay matatagpuan lamang sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas.
Sa larawang nasa itaas, sa panahong pagpunta namin dito (ngayon ay tapos na), hindi pa tapos itong lugar kung saan makakapaghilamos ka ng tubig. Syempre ay malinis ito.
Maraming dumarayo sa lugar na ito. Mayroong gumagala lamang para makita ang angkin nitong ganda at syempre mayroong mga nagsisimba at nagpapasalamat sa Panginoon.
Malawak ang lugar at maraming pwedeng puntahan, maaari ka ring makabili ng mga souvenir. Makikita mo rin dito ang Stations of the Cross (inyong puntahan ang lugar para makita ang bawat istasyon).
Sa next ride n’yo, dayuhin n’yo ang Shrine of Padre Pio, tiyak na sulit ang punta n’yo at higit sa lahat, mararamdaman n’yo pang napakablessed n’yo. 🙂
Paano makarating sa mga lugar na ito?
Simula: Simula: McDonald’s, Real St. Hi-Way, Calamba (via Turbina)
Destinasyon:Â Padre Pio Shrine, Santo Tomas – Lipa Rd, Santo Tomas, Batangas
—
PAALALA: Mag-ingat at maraming sasakyan sa lugar na ito (bus, trak, jeep, etc) 🙂
HAVE A SAFE RIDE EVERYONE!