Kung mayroon kayong request na i-review, i-comment nyo lang sa page na ito. Basta kaya mabigyan ng review, gagawan natin yan.
Ganun din kung may gusto kayo na gawan natin ng comparison para malaman kung alin ang mas okay sa dalawa, basta keri ng powers ko, i-post nyo lang dito.
Or kung meron pa kayong ibang requests, suggestions, or ideas para sa next blog post o video na gusto nyo makita dito sa site, wag mahiya mag-comment. Welcome yan lahat dito.
Low budget 29″er for, “Bang for the buck” sabi nga nila. hindi makapag desisyon eh, I only have 5K extra at hanggang dun lang budget ko.
Maraming salamat
ok ba kaya yung xix xt 29er sale po sa pazada gusto ko dn kunin kaso naghihintay ako kung ok ba siya hehe
Pareview po sir o kaya suggestion lang po doon sa xix xt 29er kung ok ba siya salamat po
wag yan paps baka magsisi ka sa bandang huli
Aww low end po ba siya?
sir gawa ka nman ng video tungkol sa fat bike.
nagugulohan kasi ako pumili sa dalawa fat bike or 29ers ksi po big man po ako
di naman dahil big man, fat bike na talaga para sa kanya, kaya pa din naman kahit 29er lang.
subukan ko gumawa ng video about fat bikes kapag nagka access na ako sa ganito, personally wala pa kasi akong experience sa fat bike.
Hi sir Ian Baka sponsor Naman kahit saddle bag Lang or headlight Lang😂😅
wala e hahah
Good day papc, baka pwede mag request? About sa mga budget cyclocross papc? Naghahanap kasi ako wala ako makita papc
Kuya punta naman kayo dito sa pampanga dito sa may ANGELES CITY
pag may dahilan po
kuya ian albert pwede po b kau gumawa ng review ng trinx c78w
kuya ian pwedi po bang pahingi ako ng sti at cogs yong spd nya po ay 8spd kong pwedi lang po
pano mag linis ng bike kuya magvlog ka plss kuya kung pwede lang
Good day papc, baka pwede mag request papc, about low budget cyclocross papc, Salamat papc
Good day papc, baka pwede mag request papc, about low budget cyclocross papc, salamat papc,
Good day papc, baka pwede mag request? About sa mga budget cyclocross papc?
Pa shout po kuya ian
Idol paano mag lines ng furk ng m136 2017 pls lang po
List of 2020 mountain bikes below 10k
Good morning po idol ☺️saan nyopo kami pwedeng irefer Kung saan po meron Ng GT AVALANCE AT MERIDA BIG NINE 300 2020
Opo maganda po ang xix lalo na kung i uupgrade mo
Good day , saan po mabibili sa maynila ang mtb na trinx c782 na ang presyo ay 7,500 pesos bibili kc ako salamat po
Kuya ian, Gawa naman po kayo ng Earoic Budgetbike na roadbike po . Salamat
Low budget 29″er FORK, “Bang for the buck” sabi nga nila. hindi makapag desisyon eh, I only have 5K extra at hanggang dun lang budget ko.
sure, subukan ko gumawa nyan.
Paps gawa ka naman video how to convert roadbike to fixie hehe
mahirap yan, kasi pag fixie dapat horizontal ang drop out, need yan katayin, pwede kung bakal may nagwewelding nyan, kung alloy, mahirap.
foxter evans?at trinx xc3 tapus i compare sa lahat ng 29er ng trinx.salamat
sure sige, subukan natin yan
Sir usapang giant bikes nman sna sa youtube
Sir don po sa video nyo about sa trinx honor 1500 quest 29er saan po tayu maka bili ng bike na yon sir???buying from mindanao Zamboanga del sur area.
Pareview naman po ng Foxter 304 at Foxter 305. Namimili po kasi ako kung ano po bibilhin ko. Pasensya na po!😅☺☺
sure sige, gawan natin yan.
Sir pwede po pa review din ng totem spark 2.0 maraming salamat po
O kaya compare po sa foxter ft301 vs totem spark 2.0
ok yan kasi naka hydraulic brakes na kumpara sa foxter ft301
Sir, okay din po ba ung trinx m800? salamat sa reply..
di ko alam kung san ka makakabili ng m800 at kung magkano presyo nya, pero parang mas maganda pa yung X1 lalo kung halos di sila nagkakalayo ng price.
salamat
Sir pareview nmn ng Pinewood xc 200 29er
Sir ian newbie lang po ako tanong ko lng po kung normal lang ba s mtb bike na yung brake nila maingay pg pumipreno? Slmat po
oo may pads kasi na maingay, maski yung sakin umiingay din lalo na kung nababad na, pero kung sa una pa lang maingay na, baka madumi yung brake pads at rotors nalagyan ng langis o kung anu man, subukan mo linisin ang rotors gamit alcohol at bulak, tapos yung brake pads naman, lihahin mo tapos ganun din linisin mo din ng alcohol, ganyan ginagawa ko kapag may maingay na brake sa mga bikes namin dito.
Slamat boss
Sir ian my mura po bang bike na pambabae? Mga mgkano po kya yun?
kung bike na pambabae, read my review ng Trinx Nana N106 https://www.unliahon.com/trinx-n106-review/
Sir ian para sayo anong road bike ang maganda na ang price any hindi lalagpas ng 15k
Newbie pa lang ako ^-^
trinx na road bike yung naka sti na, may sukli ka pa dyan pang helmet at accessories.
foxter evans sir..
yes nakapending na
Sir ian anu po bng pwedeng gawin pag binaback pedal ko po yung mtb ko humihinto po bigla yung chain nya kulang lang po ba s grasa yung chain nya or my problema s sprocket nya?
di ako expert Samuel sa pagmemekaniko pero subukan ko bigyan ka ng advice.
check mo muna kung umiikot ng tama yung rollers o jockey wheels, eto yung dalawang maliit na cogs sa rd mo.
then tignan mo din kung may matigas na link sa chain.
last, ipatingin mo yung hubs mo sa mekaniko baka nagkaissue, kailangan ng repack. mura lang naman repack ng hubs, yung mekaniko samin P50 lang isang hubs kung maningil pag pinapabuksan ko yung hubs ko.
Slamat sir ian
Hello, pwede po ba magrequest ng review for Trinx N700? If okay lang din po, may marecommend po ba kayo na list of beginner MTBs?
sure, will do. add ko yan sa pending ko.
wala pa ako nacompile na list pero subjective kasi yan, kahit anong mtb naman pwede for beginner e, depende lang talaga sa budget ng nagbabalak mag bike. I’d suggest, settle kung san yung kaya ng budget as long as di talo sa specs with regards sa price tag nya. kahit high budget pa yan, kung afford naman, why not diba. kahit low budget lang din basta decent specs na, good na din yun as beginner mtb.
pede po ba pareview ng giant atx elite(0 & 1)? nakita ko po sa ryan bikes gusto ko sanag pagipunan o di kaya ay bumili na lng aq ng talon bikes?
may nagrequest na po nyan, at naka draft na din.
Baka po pwede pareview ng Foxter Lincoln 4.0? Parang gusto ko kasi yung batalya nung bike.
nasa list ko na sya, pero di ko pa lang magawa dahil medyo busy ng konti hehe.
Boss pa review ng trinx m520…tnx
nakapending na po
Ano ano po ang mga maiingay na hub?
madami, mga ibang brand, basta hindi Shimano.
Sir Ian.. Pa review nmn TREK MARLIN 5 6 OR 7…SALAMAT po…
sir! pwede po bang i review at icompare ang talon 2 and 3 (2018)? gusto ko pong bumili kaso d aq sure kung sulit ba pag binili ko tong talon 2
sige subukan natin
sir ian balak ko sanang bumili ng Mtb, beginner po ako and balak ko sana is trinx b700. for a budget of 15k may iba paba kayong mairerecommend? nagustuhan ko sa b700 is yung 27.5 size nya and air fork.
good choice na yan jeff. piliin mo lang yung tamang size sayo. magtira ka pambili ng helmet. ride safe.
Boss Ian, nakita ko lng ung sandugo brusko 27.5. anong say m dun? pareview nmn. salamuch.
oo maganda siya, medyo mahal lang din, medyo bago bago yung kasi 27.5 plus bike siya, medyo parang fatbike ang dating. nakita ko na ng personal yun tuwing mapupunta kami ng Timberland sa may Sandugo Basekamp. subukan ko din isingit, gawan ng detailed review kahit sa specs man lang.
Hi po Kuya Ian pwede po ba pa review ng Trinx M1000? Nagbabalak po kasi ako bumili ng mountain bike ngayong december. Thanks po.
sige, gawan ko din yan
Salamat po Kuya Ian.
Sir good day po pwede po ba pa review ng trinx X7 at alin po ba mas magandang bilhin sa dalwa ng Q800 salamat po..
meron na po tayo nakapending na q800 vs x7, nasa drafts pa po. pahintay na lang. hehe
Foxter ft306 vs foxter Vinson 6.0 naman sir, or review ng vinson, salamat sir.
sige idraft ko yung vinson 6.0
Hi Sir Ian, pa review naman po ako ng Comodo Hacker 2018.. Baguhan pa lang po ako sa padyakan hehe. Maraming salamat po God bless
sure sige.
Maraming Salamat po
Diba po magpapagive away kayo sana po isa ako sa mapili niyo gusto ko po sana nung rockbros saddle bag
Hello sir. Pwede po ba kau mag review sa mga replica frames na nabibili sa mga bikeshops like xtc,cole,merida and mountainpeak. Ayos at Matibay ba ito? Thanks po.
pwede sana pero wala kasi ako experience pa sa ganun, wala din sa tropa na may ganyan kaya wala ako masyado masasabi para i-review yan. Yung Cole lang sa tingin ko ay okay din naman, madami na kasi gumagamit at maganda naman ang feedback doon. Hindi ko recommended kung mag replica frame ka ng XTC or Merida tapos ipangbubugbugan mo sa trail. siguro kung sa puro kalsada na rides lang, okay lang.
Salamat sir Ian antayin ko nalang muna lumabas ung review bago ako bumili, hndi kasi maka decide sa dalwang model kung alin pipiliin ko. naka plan na talaga yung Q800 kaya lang may inooffer sakin na mas maganda daw ang X7 hehe..
Hi mga sir,
Pareview naman ng Comodo Hacker 27.5 na nasa Ryan Bikes. Salamat!
naka pending na po yan.
Sir thank you sa review sa Lincoln. How about Sunpeed Cheetah naman?
sige idagdag ko din yan.
hindi po request, suggestion lang. review din po kayo ng mga spare parts at accessories for biking. ilaw, bottle cage, bottles, bag, mga ganun po. salamat
magandang idea yan katukayo, gawan din natin yan.
pa review naman paps ng Foxter Princeton 2.0 kakabili kolang kasi nun last month ok naman sya ang ganda ng kulay at ng finish ng paint head turner talaga yung kulay blue yung napili ko 7500 kosya nakuha sa gilmore which is parang napamura ako kasi nakita ko sa ibang bikeshop ang pinaka mahal 10k na ang issue kolang naman na naranasan ay yung sa headset umaalog sya sa tuwing pepreno lalo kapag pababa nakakatakot kaya pinatingin ko sa bikeshop samin nilagyan nya ng grease ok naman nawala yung kalog pero minsan bumabalik kelangan kona kaya palitan yung headset nya kung oo ano naman kaya maaadvice mo na maganda at mura yung sealed bearing sana
sure sige, i-review din natin yan. salamat nga pala sa feedback mo about dyan sa bike na yan. mas maganda kung palitan mo na yung headset, sealed bearing na agad para wala ng alalahanin pa. pang matagalan naman na yun, nasa P350-400 ang presyuhan ng murang sealed bearing headset na pang mga modern mtb.
sir pa review naman ng Phantom Eclipse 29er compare to trinx Q series.
subukan natin
Kuya kung papipiliin kayo sa dalawa ano pipiliin mo TRINX X7 2017 O FOXTER FT306 27.5 2018? pa consider na din ung porma at wheel size pati din yung kulay na mas may appeal po sa inyo 2 colors lang naman meron bawat isang model salamat po.
Trinx X7 ang mas bet ko.
Kuya patulong naman sa pagpili sa dalawa TRINX X7 X-TREME 2017 at FOXTER FT306 27.5 2018 ano sa tingin mo mas patok sayo pa consider na din po ung porma at wheel size at ganda ng tires.
Trinx X7
X7 alam ko full carbon na yata yan. Pero sa price nyan better go to merida ka na lang or big name ng bike. Kasi sa tingin ng mga bikers trinx pa rin yan. Suggestion lang po.
hindi yan yung full carbon, hehe, malaki din price difference sa Merida nyan. pero may punto ka pa din, dagdag na lang for big name brand
Sir Ian ano po fb nyo pwede po ba add ko kayo
Sir ask ko po nakabili ako ng trinx m136 pero na kasulat majes
Tapos yun gulong naka sulat CST JACK RUBBIT
rubbit talaga? i-message mo nga sa page ng Unliahon sa fb yung picture, gusto ko makita.
Boss between Merida or Cannondale ano mas ok?
Merida Big Seven 300 or 500
Cannondale Trail 5
Pinagpipilian ko.
kahit alin dyan ok na ok, pero kung titignan mabuti yung specs ng mga pyesa nila, dun ka na sa merida 300 or 500 kung alin man ang pasok sa budget. merida big nine 300 user ako, 9 speed alivio lang pyesa nun pero ok na sya sakin, ngayon ung bagong labas naka deore na ang pyesa.
Salamat Idol… 31K kasi ang bigay sa akin ng Ryan Bike sa merida big seven/nine 500 since walang stock ng 300 sa size na small
maganda na din yun merida big 7/9 500.
Salamat idol. Mas ok ba ang 29 kesa sa 27?
hindi natin pwede i generalize na mas ok yung 29er kesa sa 27.5 may advantages din kasi yung 27.5, subukan ko na lang gawan ng separate post yung topic na ito tutal madalas din naman maitanong.
Thanks Sir Ian finally nakahanap na ko ng size Small na BIG NINE 500… sobra hirap hanapin ng SMALL size kahit saan na ko naghanap Medium Large lang available kahit sa big nine 300
nice, napaswerte pala ako dati, nung ako kasi bumili small lang ang nabigay sa akin, e wala pa akong alam sa sizes noon, pero buti na lang din small nakuha ko kasi sakto lang din naman ang fit sa akin.
pwede po ba kau gumawa ng mga bike maintenance?
kakabili lng po eh…dko po alam kung pano linisin
pwede din po, subukan din po namin.
kuya pano mag linis ng bike
lodi!…
pede po bng pareview kung okay ung merida big seven 80
https://www.merida-bikes.com/en_int/bikes/hardtails/cross-country-marathon/2018/big-seven-80-10341.html
or check nyo lng po kung okay na sa price na 26k?
d ko po alam kung sulit sa pera eh
panalo na, see to it kung may maitatawad ka pa, depende sa kukuhanan mo. make sure tama din size na kukunin mo.
1st choice ko yan sir. But entry level lang ng merida yan. Parang component lang binayaran mo dyan. Pero sa frame mas panalo daw.ang 100,300,500….etc.
oo tama ka dyan, go for at least 300. mas maganda na din ang pyesa ng 300 ngayon kumpara sa dating labas
Try mo sa Ryan Bike around 23K lang yan.
sir pede po pareview Trinx M520? tnx po
Sir may I request a review on Trinx M166.I have just buy this trinx m166 and I haven’t have read any review on said model of mtb.Thank you and more power Sir.
in process na ako sa pag gawa ng post for m166
Request review naman ng mga Groupset natin dyan mula Tourney hangang Sram Eagle
mahirap mag review ng groupset, hehe dapat kasi nagagamit e, wala tayo budget para dyan.
Sir Ian, may budget po ako na 8700, parang bet ko po yung foxter mtb, ano po kayang maisusugest nyong bilhin ko sa mga models nila. may powell 1.0 , princeton 2.0, evans 3.0 , ft303,… mas okay po sana eh yung may maganda ng pyesa para ready for trails na. help po sir ian.
evans if you can afford to stretch your budget. naka hydro na e.
ryder shark hydraulic 26er mountain bike
pwede pa review din po ito?
thanks.. God bless
Trinx ka na lang.
SIR, Request ko nga po, pa review ung trinx m800.. salamat po..
sige
salamat
Sir need ur expert advice..ano suggestion mo n bang for buck n mtb 20k max ang budget….nabenta q n bike q..but planning to buy one again..tnx..more power.
payo ko lang extend mo na lang konti to 25k, para sa better parts, like deore parts tapos xcr air fork. bikes ng merida na nasa ganyang price range, good choice na yun. try to look na din sa cannondale at giant, di ko lang alam exact models
Sir Ian sa ba mas Maganda Trinx B700 o Trinx C290?
medyo malaki diperensya nila sa presyo, pero para masagot yang tanong mo, mas maganda yung b700
Kuya papano malalaman kung kailangan na ipatono ng gears ng mtb?
kapag ayaw na lumipat sa ibang gear o mabagal na paglipat pag nag shishift ka.
sir ano po masasabi nyo sa princeton 2.0,
ginagawan ko po ng post, pahintay lang.
Mga kuya ate tanong lang po kano kaya magastos pag palit ng hubs at cogs ung magaan n ung.ikot.hirap n.kc umikot hubs quh Tapos anung max size nagulong pede ikabit sa trinx qo m500 user hir po 26 x 1.95 po gamit qo now
Salamat po sa sasagot 🙂 keepsafe
cheapest hub na sulit, yung Shimano hubs syempre. nasa 900-1000 yata price nun, harap likod na, make sure bolt type na para di ka na bibili ng rotors pa, tapos sa cogs naman, yung 8-speed na cassette type cogs, nasa 350 yata, di ko na tanda. baka mali ako ng pricing.
sa max tire size naman for trinx m500, I think kaya yan hanggang 26×2.3 pero makunat na padyakin yun sa kalsada, mag 2.1 or 2.2 ka lang.
Goodevening po, just wanna seek for advice. First time ko po bibili ng bike and nakapag research na po ako kahit papaano about sa mtb’s. Im 5’9.5″ and balak ko po sana 27.5 or 29er. Budget ko po is 15k and 20k max if needed talaga. Budget mtb lang po siguro then upgrades lang sa fork, tires, saddle and accessories. And balak ko po sana mtb na may slick tires or parang commuter tires ang ikabit. Thank you for the time helping me if makita nyo ito.
go for 29er na, kung prefer mo trinx, check out their 29er which is the Quest series. yung may Q sa model name. 29er yun, you can opt for the lower model then upgrade mo na lang yung parts to your needs, may sukli ka pa.
you can also opt for trinx Xtreme series, medyo mas mahal, 26er sya pero you can still fit a 29er tire on it but manipis lang like cyclocross tires, meron ding slick. which I think what you are planning to do with it.
Hello Sir… papa-compare po sana Trinx N106 at N700… ladies frame po para sa 4’11 ba girl gaya ko po… salamat po. Or kung may regular frame na pwede sa height ko… salamat po.
nakapending po, pahintay lang po ma’am
I think only difference nyang 2 Nana models is hydraulic brakes.
you can try po to ride a regular frame mtb but dapat small sya and see if hindi sayad kapag mag stand over ka sa top tube.
sir ian, my na expirence o narinig ka na ba na ngreretoke ng hub para umingay?
ung pag ng repack ba ng hub e iingay na ung tunog, my ganun kaya? hehe, tnx.
Yung ka officemate ko nagDIY sya naghub nya. Naging tunog mayaman.
yung sakin napa-“edit” (edit kasi ang tawag dyan madalas) ko na yung hubs ko, para umingay pero pinabalik ko din after ilang rides. pag pinarepack mo kasi yan pwede mo papalitan yung spring para umingay e, for me not worth it kung papaingayin mo yung tahimik na hub, hindi din naman kasi cricket sound ang kakalabasan, parang lagutukan lang at pagsobrang bilis mo na hindi na naririnig ung ingay e, kapag mabagal lang, unlike kung maingay talaga yung hubs na madaming pawls.
Pareview nmn po ng PINEWOOD XC 200 29ER
pano ginawa nya sa hub nya sir onix?
Binuksan nya po tapos me nilagay sya sa loob. Di ko lang alam kung paano nya ulit sealed…
ok, tnx sa info.. pwede nga talaga,.
Kuyaa! First time ko pong bibili ng bike. Hindi ko po alam kung Foxter (kasi magaganda reviews nito, tapos budget bike pa, hindi ko lang alam kung pang matagalan to) o Giant (kasi nasa top bikes at pang-matagalan na daw) o Merida ang bibilhin ko. Help. Kung Foxter, Giant o Merida or may iba ka pa pong suggestion. 😭😅 Dun na rin sa ka-invest invest.
if you have the budget, go for giant or merida, mag iinvest ka na lang edi dun na, you can also opt for cannondale bikes. meron silang bikes na entry-level lang din pero as stock good naman na yung components and naka hydraulic brakes na din. mas worthy yun iupgrade sa future if sa tingin mo you’ll really get into biking pag tagal tagal.
Thank you po!!! 🤗🤗🤗
Ehh how about po sa budget bikes? Ano po yung pinaka maganda na? Hehe ✌🏻😅 Trinx po ba? Or Foxter, Marcus? O may iba pa po kayong alam. Muli salamat po in advanced! 🤗
go with Trinx Katie if budget bikes,
for 26er go for Trinx M500
for 27.5 naman, go for Trinx C520
for 29er, go for Trinx Q500
Sir Ian, trinx c290 user po ako, pwede b ito iupgrade sa 10 speed?
oo pwedeng pwede
Sir pde pa-review naman ng Atomic roadies. Yung available pa sa market. Tnx very much.
subukan ko kapadyak
Gudam sir type ko ung foxter lincoln 4.0 color orange ..
Nag accept ba keo credit card?
hindi po kami nagbebenta kapadyak
Pa review nman po TRINX C782 new model lng ata ito
Pwede pa review ng Mammoth Fat Bikes from Whatta Bike Shop. Maganda kasi yung lineup ng bikes nila. kahit from entry level to top level maganda eh.
subukan ko kapadyak
Trinx C782 pa review nman sir ian. Planning to buy this unit.thanks po.
ang sabi nila, same lang daw ito ng C290 https://www.unliahon.com/trinx-c290-review/
Boss, maganda ba Trinx Q189?
oo maganda din
topic request.
wide bars – magpakatotoo kung kelangan ba talaga ng 800mm na wide bars – nakakatawa na kasi itsura eh.
sure sige, gawan ko yan, naiisip ko na nga din yan e.
Sir, pa review naman po ng Trinx Q189 please?
wala pa pala ako post nito, sige gagawan ko yan
Pa review nman po TRINX C782 new model lng ata ito….salmat po!
same lang daw siya ng Trinx C290, yun ang sabi nila https://www.unliahon.com/trinx-c290-review/
Boss, gud day, pakireview Phantom Charles Jerry Hydraulic Bike 26er kung sulit na ito sa 7K?…
Kindly post din kung may mga future cycling events na pwede din namin mabisita, gaya nung Vlog mo sa MOA last January.
Thanks and more power.
Sir how do you protect bike decals. And how to do maintenance work on on forks. Thank you.
lagyan mo lang bike skin, pero sa akin tape lang nakalagay
Boss, magandangaraw. Sa ngayon po nag iipon plng ako. 😁 gusto sana roadbike. Eh nakakita akong ng tempo 1.0. Pwede po pareview sir. Thanks.
ok na din yang tempo pang beginner, upgrade mo na lang sa magandang road parts pag nagka budget
Sir, okay ba yung Mountain Peak na frame? Salamat!
ok yung porma, pero di ko pa natry gamitin at wala pa ako nakita personal na build nito.
good afternoon. pwede mo bang i-feature sa vlog mo yung novatech hubs, kung paano malalaman ang fake sa original. magandang klase kasi ang novatech, US brand pero naglipana ang counterfeit. salamat.
mahirap yan
Which one is better po? Trinx X1 or B700 or Foxter Vinson? Which one best fit for me po? 5’5″ po height ko. Prefer ko po sana X1 kaso 26 lang sya. Mas maganda daw kasi mga 27.5 na wheel size.. Then, what frame size best suit for me po? 15, 16 or 17?
Which is best po trinx x1 or b700 or foxter vinson?Which one best fit for me po? 5’5″ po height ko. Prefer ko po sana X1 kaso 26 lang sya. Mas maganda daw kasi mga 27.5 na wheel size.. Then, what frame size best suit for me po? 15, 16 or 17?
Go for B700 if pasok sa budget, sa frame size better go with 15 or 16.
Please review the new Foxter mckinley and phantom concept 🙂
Sir, pede pa review ng keysto striker 27.5 2018, may nabili kasi ako, di ko alam kung sulit bato sa halagang 8500 dito sa cebu, mahal kasi mga trinx dito, beginner pa po ako, pina hydraulic kuna agad pinalitan kasama ang shifter kasi naka combo sya. At binayaran ko lahat ay 10500 hydraulic na sya shimano non-series, sa tingin nyo sir ayos lang ba?
2k na dagdag para sa hydro brakes at shifters, di na masama. ganun naman presyuhan ng hydro brakes at shifters, sige subukan ko gumawa ng review niyan, nag message kasi ako dati sa Keysto fb page, hindi naman pinapansin yung message ko kaya hindi ko sila magawan ng review, kulang kulang kasi mga info na masesearch about sa keysto bikes.
Sir Ian pagawa naman ng review yung mtb nyo nung stock pa plus yung na custom niyo na. Wala pa atan kasing review yung bike niyo eh salamat
meron ako ginawang video na review sa bike ko at inexplain ko yung mga pinalitan ko at hindi ko pa pinapalitan, mauupload yun sa youtube channel ko next week 🙂
http://youtube.com/c/UnliAhon
Sir Pa Review naman ng Sandugo Brusko 27.5+ MARAMING SALAMAT idol
yun lang, alam ko din yang bike na yan isa ako sa mga naexcite dyan nung di pa yan lumalabas kaso wala hanggang tingin lang tayo pero gusto ko din magka ganyan na bike. haha maganda naman yan, nakakita na ako sa personal pero di ko pa natry sakyan.
kung afford mo go for it.
Boss pareview naman ng Atomic Revolt MTB. Salamat po.
sige gagawan natin yan
boss paps baka po pwede makahingi ng new review ng MTB 29er balak ko po kasi bumili ng bago nadale kasi yung luma ko ng mababait e. Salamat po in advance.
meron akong ginawang video sa youtube, baka magustuhan mo at magkaron ka din ng konting ideas 🙂 https://www.youtube.com/channel/UCUCPRPRrL-D_Dfn6E1rZgXA
Gud pm sir pa review naman po hung phantom charles jerry maraming salamat sir
subukan ko po
maraming salamat boss paps.
Trinx Q500 ang binili ko sir iupgrade ko na lang po yung ibang specs.
good choice paps
Boss paps ano po need iupgrade dito sa Trinx Q500?
San po pwede bumili nito na budgeted?
Papi, pa-review naman ng bagong labas na MTB ng Ryanbikes, yung Skyline Super 2018(27.5).
Link: https://m.facebook.com/jryanmcbikes/posts/1825362844181235
sige gagawan natin yan
Sir patulong naman mag decide budget ko is aroung 13 to 14 k ano the best ko bilhin? Parang type ko yung marcus m350, keysto elite, phantom concept. Thanks
mag Trinx B700 ka na lang para maganda ang frame at fork
Sir, magandang araw po. Patulong naman po. OFW po ako dito Saudi. dati rin ako pumapadyak 2007-2010. Uuwi po ako nitong May 2018. Yung 20k ko po ba, ano po masuggests niyo? mas maganda bang magwhole set bike ako o assembly po? at ano pong mga model angmararating ng budget ko. TIA po sa sagot.
kulang kasi ang 20k sa assemble na bike kung gusto mo ng magandang pyesa.
ano ba balak mo padyakin paps? long ride or trails?
kasi kung long ride, 29er na bike ang isusuggest ko sayo, kung trails naman, 27.5
maganda yung Trinx B700 na 27.5, upgrade mo na lang kung gusto mo, sobra pa kasi yang budget mo.
pwede din yung Trinx Q500, 29er yun, upgrade mo na lang din ng Alivio para laban na sa masarap na padyakan.
or pwede ka din mag built bike from Giant and Merida, or Cannondale din, kaya lang medyo hindi pa mataas pyesa nun.
Sir pa review namn po ng marcus m250 salamat po.
sige gawan po natin yan
sir ano kaya maganda upgradeko yung wheelset ko sa 27.5 kasi 26er frame ko o bumili na lang akong bago
kung may budget ka pambili ng bago, mas ok yun.
Boss paps ano po need iupgrade dito sa Trinx Q500?
San po pwede bumili nito na budgeted?
kung afford gawin straight alivio groupset mas panalo na, pero kahit hydro brakes lang ok na, upgrade din ng fork maganda din
Magkakaiba ba ng sizes ang gulong ng mga road bike?
700c naman lahat, nagkakaiba iba lang ng lapad kung 23, 25, o 28
PWEDE PO PA COMPARE NG MERIDA BIG SEVEN 100 and Giant talon 3 pare has 2018 model thank you po
mas maganda specs ng merida big seven 100
Hi sir nakabili po kc ako trinx majestic m116 di kc ako familiar sa bike kaya medyo nagsisisi ako nung nabasa ko ung blog mo sana bumili nako ng 27.5 or 29 er,,anu po ba magandang iupgrade sa nabili q,,5 8 po height ko
ok din yan, upgrade na lang ng pyesa dyan, fork maganda iupgrade dyan tapos hydraulic brakes, laban na yan
Kuya pede ba iupgrade yung handlebar ng x7 sa habang 300-400mm
Kuya bakit ganon yung seatpost ng x7 ang hirap i adjust at bakit walng tunog ang freewheel
Kuya first time ko kasi gumamit ng air fork ung x7 paano ngba gamitin
Sana fast reply po
wala ka na gagalawin dyan sa air fork, enjoyin mo na lang yung gaan at ganda ng play nya
luwagan nyo lang yung seatclamp maigi.
siguro nga tahimik ang stock hubs nya.
maiksi yan kapadyak
Kuya masyado kasi maliit saakin yung handlebar pede ba ito iupgrade na ang haba ay300mmor400mm pede ba hindi ba maapektohan ang mga cable pati yung hos ng hydro brake
Hindi pala mga 800mm pala nag kamilang aki sa pag type ng sukat
pwede yan pero sobrang banat ng cable mo jan, need mo mabawasan yan 800mm
maiksi yang 300mm at 400mm bilang haba ng handlebar
mga anong sukat kaya
mga 700mm pataas pwede pa hanggang 740mm siguro para safe
mga 700mm pataas pwede pa hanggang 740mm siguro para safe pa din
Diba ganun din yung size ng handlebar ng baka ang ibig mong sabihin 800
Sir ano po ba ang masmaganda? Trinx M500 or Foxter FT301?
mag foxter ft301 ka na para 27.5 na ang wheel size
sir pagawa naman ng review about sa trinx c782 ung pag kakaiba nila ni trinx c290
parang same lang sila
trinx tempo 2.0 vs phantom pathfinder please.
tempo 2.0 syempre
Lahat ba ng m500 may issue yung breaks
Which is better? Atomic Covert or trinx drive 1.0?
Sulit na ba yung cannondale catalyst 4?P15,500
Salamat
yung specs nya hindi ganun kagandahan pero cannondale naman un batalya, pwede na din siguro upgrade na lang, pero kung kaya ng budget mag cannondale trail mas maganda
E yung foxter Elbrus 7.0?
Pareview naman ng foxter sprint series salamat
Hi Idol
Sinusubaybayan ko mga reviews and vlogs mu paps
Nagcomment na rin ako sa isang post mo sa youtube kaso medyo busy ka siguro 🙂
5’8 & 1/2 ang height ko and gus2 q sana ng 29er na medium
Napanuod ko na yung videos mu sa mga 29er ng trinx at nagus2han ko yung Q500 pero my inaalok kasi sakin yung isang shop sa quiapo FOXXER 29er 1x10Speed ang brand niya.
Gus2 ko sana marinig muna yung verdict sa brand na yun bago bumili.
Baka sakaling nakita niyo na yung item na yun 🙂
Salamat Paps
More blessings & more power pa sa inyo. 🙂
wag ka mag foxxer, please lang paps.
Ano po ba mas maganda Foxter elbrus 7.0 o Trinx B700 Salamat
Skyline sub or trinx c520
Trinx C520
Ayun nauwi sa foxter evans hihi
May nabibili ba na bearings sa headset nadisgrasiya kasi ako umaalog na yung shock tumama kasi sa bato
nakakabili nyan, sealed bering headset.
Kuya ano sa tingin mo ang magandang pang upgrade na groupset para sa m520 na trinx Acera o olivio balak ko sanang mag upgrade
kung acera at alivio pinagpipilian mo, alivio ka na
Kuya pag nag palit ako ng solon hubs na 9pawls papalita paba ang mga spokes ano po ba ang iba pang papalitan
6 pawls lang yun solon
pwede ka hindi na magpalit ng spokes, ok lang yun, wala ka na ibang papalitan, bukod sa cassette siguro kung thread type pa yung cogs mo.
Hi Sir Ian!
naisipan ko po bumili nang bike 2weeks ago. tapos nainspire po ako sa YT channel and web blog niyo. nakabili po ako nang 2018 Trinx D700 PRO/Quest 29er. nakuha ko siya nang 13k. oks na po ba yun? sulit na po ba price sa specs na nabili ko? pwede po kaya pagawa din nang review? kasi po parang best na siya na nakita ko nan trinx na below 15k. thanks thanks.
Maganda na yan, gawan ko din yan ng review post
Kapadyak Request lng Gawan mo ng Vlog ung Bigay ng LJ Bike shop na MTB🚲
syempre naman
Kapadyak gawa ka vlog tungkol sa binigay syo ng lj bike shop
Sir kapadyak. Since balak ko bumili ng solon salvo hubs, pwede ka ba gumawa ng vid ng actual demonstration and actual sound nung solon salvo hub during free wheel. Yung nakalagy na mismo sa bike para oagbasehan kung bibili ba ako. Thanks sir kapadyak
gagawa ako nyan, yan na ang nakakabit sa bike ko ngayon
gagawa ako nyan, yan na ang nakakabit sa bike ko ngayon.
Paps pa gawan naman ng comparison sa dalawang to KOOZER ZM490 AND AEROIC 8.5….thankyouu
mahirap yan, wala ako nyan e
Good Day Lodi! Baka naman may kakilala kna na may gamit ng SOLON SONIC HUBS, bka pwede naman pa Sound Test at Review. Slamat! 😀
doon sa video ko na pagpunta sa LJ Bikes, tinesting ko sandali patunugin yung solon sonic hubs. Pakamay nga lang, hindi pa nakakabit sa bike. Wala pa kasi ako kakilala na naka Solon Sonic e, puro mga nag Solon Salvo sila.
Salamat Lodi.. bibili sana ako ng budget hub lng, below 2k budget lang kse, bilhin ko Sna yung SRAM X9 @php 1800 kaso npag alaman ko na Copy lng pala yun, kaya hnap muna ako ng alternatives.
Sir, thoughts about trinx m800?? yun ang nabili kong bike. gusto ko pa mas maintidihan ang tungkol sa bike. salamat sir!
gawa ako video about dyan sa bike na yan, may nashoot na ako about dyan, di pa lang nga naeedit
Sir Ian pwede po ba mag request na gawa ng ng video na “Usapang Fork”?
-coil vs air fork
-ano meaning ng mga travel
-class A vs original fork (rockshox/fox etc)
-pa mention naman ako sa video na to haha
Sana po pwede hehe salamat!
-kitoy
may na shoot na ako na video dyan haha di pa nga lang tapos iedit, naging sobrang mahaba kasi haha balak ko paiklian pa
sir ian gusto ko po sana yung give away bike
tight budget po sila mama at papa ngayon and gusto ko po sana makatulong na imbis magsayang ng 100 pesos si papa tuwing dalawang araw na imbis pangkain na namin magbike na lang sana po ako to school kaso yung bike ko po is binenta na last 3 years para sa maternity ni mama. malaking tulong na rin po yun kasi makakatulog na po ng maayos and makakapasok na rin po ng maaga si papa thanks po
13 years old palang po ako :))
madami din kasi nagmemessage e, nauna pa ung iba sayo magsabi, kung ako lang talaga milyonaryo lahat kayo binigyan ko na ng bike, kaso lang, isa lang yung bike na binigay para sa akin na ipapa giveaway, kaya idadaan natin sa random na mananalo
sir magpa-giveaway ka pa po kailangan ko po ng bike kahit yung mga bike na bigay lang sa inyo tulad nung m610
Yung M610 hindi ko ipapagive away yun, pero yung bigay sa akin ni Trinx na bike, yun ang ipapagiveaway natin
Good day Lodi! Meron ako Trinx m116, bumili ako ng new hubs at 8S cogs tas 44T na crankset, sa tingen mo need ko pa ba palitan yung stock chain nya? TIA. ^^
siguro need mo ng mas mahabang chain dyan kasi mas lumaki yung crank set mo e, mas maganda din na bago ang kadena para maiwasan yung tendency na magkaroon ng ingay sa drivetrain kasi bago yung crank at cogs, nangyayari kasi yun kapag may pyesa na bago at luma na naipagsama, sa kaso mo, luma yung chain.
Hi po Sir Ian, ask ko lng po kau kung my idea kau dun sa bagong labas n gearset. ung SENSAH EMPIRE for road bike.. pareview po sana at kung mglalabas b ung LTWOO ng road shifters
nakikita ko yan, kaya lang binibili lang yata yan abroad ng mga online sellers, wala pang distributor dito sa Pinas na pang malawakan talaga. Gusto ko nga sana din masubukan yan kaya lang wala tayong budget para bilihin lang yan at gawan ng review. Kasabayan lang ng LTWOO ang Sensah din.
LTWOO, meron na din road shifters pero sa China pa lang. Di ko lang alam kung kailan magkakaroon nito sa Pinas.
Maraming Thanks Lodi..
Pasali po sa UnliAhon pasama narin po sa padyak
sir san po kaya makakabili ng hubs ng pang road bike ang mahal kc d2 sa cavite ung cassette po
sa quiapo or cartimar pasay doon kasi mura dahil doon ang bagsakan
Sir Ian, pa review naman ng Merida Big Nine 500 (2019), panalo na ba siya sa halagang 37k or mas magandang mag build bike nalang? TYIA.
panalo na yan, may tawad pa yan 37k alam ko
Mga dapat dalhin sa long rides!:)
gagawa ako nyan
Sir ian pareview namana po sa phantom charles jerry at phantom intense 2.0
pa featured kapadyak naman po sir ian nag pm po ako sa unli ahon page salamat po
Sir pwede pa review ng ryder jab mtb. 26er.
Thnx! More power
Gusto ko lang po ma-feature built bike ko. Cyclocross bike with GT Frame Decals. Hindi po kasi afford yung orig. Hehe, pm me sir if may questions po kayo. Salamat! More power 😉
i-post mo nalang sa group natin para madami makakita hehe
Ride and Review po ng Foxter FT-402
wala tayo access
which is better brand? foxter or trinx?
trinx ka na lang kasi may active presence sa pinas e
pa review naman po ng cannondale habit 6 2018
Pwede po ba magkaroon kayo ng review/comparison about SUNPEED MARS VS ATOMIC COVERT? Maraming salamat po! 😊
Sir pa-review naman po ng trinx d500 elite. Thanks much!
Sir Ian, i saw your rurok preview sa youtube…
request po sana ng review sa mga frames nila (specs, pricing at saan makakabili ng buo na) kasi parang frames lang ata binibinta nila as per doon sa site.
keep posting po!
frames lang talaga binebenta nila, ikaw mismo ang pipili ng parts na ilalagay mo sa Rurok bike builds na balak mo.
Pag may time iho, pa review nga nung Trinx RB Rival 2.0 carbon
Baka po pwede mo gawanda ng bikecheck yung roadbike mo sir ain
gagawan natin yan
Pa review po ng trinx q500 29er…tnx po
meron na po https://www.unliahon.com/trinx-q500-review/
Sir Ian maganda po ba ang grouset ng Shimano ZEE para sa mtb hard tail pang trail?
maganda yan pang trail, yan ang gamit ng mga nageenduro at downhill, pero hindi gaano sa XC
Pwede nyo po ba ireview or ibike check yung cyclocross bike nyo??
https://www.unliahon.com/cx-ave-maldea-cyclocross/
Good Day po Sir Ivan Fan bloger nyo ako bli matagal ko pinapanood ung mga Videos at nakakuha ako mga Idea sa part of MTB/ROADBIKE & Ect.. about sa mga Videos sau kay nag paisip isip ako ako mag Build AUTHOR XC/HYBRID MTB (ALL BLUE) GROUP SET XT at try mong Ride pag na buo ko itong Build XC/HYBRID MTB pwde ba ipa review mo ito dahil pareho taung mahilig sa BLUE BIKE kung Ok sau po Sir Ian.
☆Pro Kapdyak/UnliAhOn☆
☆ Team THE ROAD RUNNER☆
ganda nyan ah, sige patesting nyan
Pa review ng sunpeed eagle xt carbon ang angas po talaga kasi tignan
kung may access pero parang malabo
Sir Ian baka pwede po kayo gawa ng vlog para sa ion wolf road bike . Katulad po ng vlog nyo sa viper.na.road bike . Hehe sana mapagbigyan po 🙂
wala akong access dyan, yung viper kasi pinadala nila sa bahay
Pwede po ba mag review about ibat ibang sizes ng seat post
ano po ba maganda foxter elbrus 7.0
o trinx x1
kuya iannnn baka naman yung m1 na cycling computer gusto kopo talagang magkaroon ng magandang speedometer pleassssseeeeeeeee! thank you kuya Ian and godblessss!
Idol pwedeng gawa ka ng tutorial videos hehe kahit simpleng pagkabit lng ng fork. Pag baklas ng bb mga simpleng maintenance, laking tulong samin yun para kami na mag aayos kung may kailangang gawin sa bike namin 😀
Hi Sir Ian! pwede po ba pa review ang mtb brand na XdS and yung model nila na Knight X-7 and X-8. Nkita ko lang kasi online prang okay siya for my first mtb. Yung link ng model nsa baba. Thanks in advance Sir!
https://www.facebook.com/jryanmcbikes/posts/2366223506761830?__tn__=K-R
Pabike check naman po ng mga bagong budget road bike ngayon. Tulad nung Spanker unicorn r1,anderson r2, tas yung sa bike bike bike na Mixstar alloy road bike na nakadisc at aero wheels na. Salamat!
Pabike check naman po ng bagong mga budget roadbike tulad po nung spanker unicorn r1 at anderson r2, pati po yung mixstar road bike sa bike bike bike. Salamat
Sir ride ka naman sa antipolo
Sir ian parequest sana ako hehe build din kayo ng 26er bike pero ndi sobrang taas ang budget, yung tipong galing lng sa hingi yung ibang parts, o kaya nakalkal lng yung frame sa mga junk yards hehe uso kasi dito samin yun sir. Hehe yung tipong nakakabuo sila ng comfortable bike yet presentable na pang padjak padjak lng pag tinatamad maglakad.
Sir Ian, review/bike check mo naman bike ko po kung okay lang sa inyo ang giant fathom 29er 2019 🙂
Sir ian, pwede po bang mag kakaiba ang group set sa isang road bike kunwari ang brake lever ay tiagra pero yung ibang parts ay iba iba na pwede po ba yun???
recommendation po sa pag build ng bike or ano pong pyesa para sa mga overweight na tao po (136kg – up) thank you.
Boss ian pwede mo ba wkong hanapan ng 29er na mtb bibili lang kase ako pang long ride kolang 10k lang budget ko! Thank you
Boss ian pwede mo ba wkong hanapan ng 29er na mtb bibili lang kase ako pang long ride kolang 10k lang budget ko! Thank you in
Sir Ian pa review naman ng sunpeed chameleon carbon roadbike 700c at price at kung anong available sizes 👍
Sir pa bike check nman ung trinx v1000 carbon and kung pde compare ndin sa trinx x8 elite kasi halos same sila naka slx, thanks
pa shout out po idol thank you idol
pa shout out idol thank you idol
sir ian pa shout out po plssssss thank you idol big fan moko idol
Idol magandang tanghali bike check naman sa giant talon 3 2020
Idol magandang tanghali marecommend mo ba yung giant talon 3 2020?
May ingay poba yung Hubs ng Shimano Deore M6000?
Idol pwede bang palitan yung cassette ng Altus (9 speed) papalitan ko sana ng Weapon Shuriken (9 speed) or Sagmit (9 speed).
Lods magandang tanghali po pa review naman po ung foxter lexon na naka claris na urgent po kasi bibili po ako ng bike this april need ko ng opinion nyo po
Kuya review mo nga yung Weapon fever at weapon arsenal pag kumpirahin mo kuya kung anong mas maganda hope magawa mo kuya
Pa review po ng weapon arsenal at weapon fever kung anung mas maganda kuya hope magawa nyo po sa blog nyu tnx..
Kuya ian.. Pwede po bang pa bike check po nung foxter linus 2020 na road bike. Pakisama narin po ang weight. Pa shout out rin po..Marc Costillas po..pati sa Team wow bikers… salamat po.
idol baka pwedeng gumawa k ng video regarding kapag naflat.an k ng gulong s ride, pano or kng ano yung mga dapat gawin kng halimbawang malayo k s mga vulcanizing shops.. yung procedure b on your own para in case ng emer)ency my idea sana kme.. salamat Idol Ian
Lods pagawa naman ng video about tire sealant for tubless at tube type at kung ano mga brand na swak at sulit
Idol bike check naman’ sunpeed astro
Sir good afternoon po. Patulong po sana ako about don sa video nyo about sa trinx honor 1500 quest, saan po tayo makakabili non po??buying from mindanao Zamboanga del sur area..
try nyo po mag inquire sa lj bikes or sa bike bike bike baka pwede sila mag ship kung may stock pa sila