Quick Specs ng CX ko, Proper Hand Signals, Bakit UnliAhon ang Name ng Channel – Kapadyak Q&A #1.0

First Part ng Kapadyak Q&A natin

Sa video na to, subukan natin sagutin yung mga bike-related questions ng mga kapadyak natin.

Ito yung mga tanong sa video na to.

Curious ba kayo kung bakit UnliAhon ang napili ko na channel name? O gusto nyo din malaman yung specs ng CX bike ko, ito yung first edition ng Kapadyak Q&A natin. Ito yung ilan sa mga tanong na masasagot sa video na to.

Proper Hand Signals – Ano ba ang mga hand signals na pwedeng gamitin kapag nagba-bike. Importante na alam din ito ng iba kasi kung ikaw lang ang nakakaalam ng mga hand-signals, parang balewala lang din na gamitin ang mga hand signals na to.

SpeedOne Hubs vs Koozer Hubs – Alin sa dalawang hubs na ito ang mas maganda na bilihin.

Brief Pag Naka Cycling Shorts – Nagbi-brief pa ba ako pag naka-cycling shorts?

MTB Related Race Events sa Pilipinas – Saan ba pwede malaman yung mga upcoming MTB race events dito sa Pilipinas.


MTB o Biking Capital ng Pilipinas – Anong lugar ang tinuturing na MTB capital ng Pilipinas.

Mas Appropriate ng Bike sa Pilipinas – Ano ang isang bike na mas appropriate gamitin sa buong Pilipinas.

Bakit UnliAhon ang Channel Name – Bakit nga ba UnliAhon ang napili ko na blog name at channel name na din.

Tips Pag Mag-Bike Papuntang Jariels Peak – Konting tips para sa mga nagbabalak mag ride sa Jariels Peak.

Energy Drink for Long Rides – Umiinom ba kayo ng Energy drinks kapag long rides?

Bakit Ako Nagba-Bike – Paano ba ako napasok sa pagba-bike, at bakit nga ba ako nahilig pagba-bike.

Quick Specs ng CX ko – Quick specs ng CX ko, pero may write-up ako nito dito sa blog na pwede nyo din basahin. Ave Maldea CX Build.

Yan lang muna para sa video na ito. May continuation pa ang video na ito. Comment lang kayo kung may katanungan din kayo. Gagawa pa ulit tayo ng mas madaming Q&A videos in the future.


  • 161
  •  
  •  
  •  
    161
    Shares