Madalas ko makita ang tanong na ito.
Karaniwan, mga 26er na MTB, gusto naman nila gumamit ng mas malaking tire sizes.
Ang issue kasi dyan, maaring hindi na magkasya sa clearance ng frame yung mas malaking gulong kasi designed lang talaga siya sa 26er na wheel size.
Pero pwede naman talaga gumamit ng mas malaking size ng gulong kahit sa 26er na MTB. Pwede nga kahit 29er pa, pero dapat lang manipis yung gulong para hindi mawalan ng tire clearance sa frame.
Nitong nakaraan lang, may nakita akong nag-post sa facebook, confirming na pwede talaga lagyan ng 27.5 na tires ang 26er frame.
Kahit pala 2.35 na lapad ng 27.5 tires, pwede pa din sa 26er frame. Akala ko kasi dati hanggang 1.95 lang na lapad para sure na di sasayad, pero may proof na tayo na kahit 2.35 kasya pa din.
Trinx M136 yung mountain bike nya, 26er yun. Schwalbe Nobby Nic pa ang gamit na na tires, medyo makapal yun kasi trail tires yun e. Hindi ko lang kita kung gaano pa kaliit ang natitirang clearance sa may chainstay.
Kung ganitong setup kasi ang gagawin mo, maaring hindi mo na pwedeng ipang trail lalo na kung putikan yung trail dahil sobrang liit na ng clearance para sa putik na maaring maipon sa may chainstay dahil sa pagkapit nito sa tires.
Pero kung pure roads ang gagawin mong rides, pwedeng pwede mo naman gawin itong setup na ito, 27.5 o 29er tires sa 26er frame.
Siguro naiisip ito ng mga bumili ng budget MTB tulad ng mga Trinx M116, Trinx M136, or Trinx M500 owners. Pati yung mga naka Trinx X1, pansin ko naiisip din na gawin ang ganitong setup.
Kung balak mo magpalit ng wheelsize, coming from 26er, ito yung mga dapat mo i-cosider:
- Fork – sa fork medyo alanganin pa, di ko sure kung gaano na lang yung clearance. Pero kung magpapalit ka ng fork na 27.5 or 29er or rigid fork no issue na yan.
Ito naman yung mga kailangan mo palitan:
- Tires and tubes – syempre bibili ka ng bagong tires at interior.
- Rims and spokes – kailangan mo din bumili ng bagong pares ng rim at mga spokes depende sa size ng tires.
Yung stock hubs, pwede naman na yun.
So ayan na, ang sagot ay: pwedeng pwede ka gumamit ng 29er o 27.5 na wheel size sa 26er na MTB frame.
Iuupdate ko pa ang post na ito kapag may nakalap pa akong additional na info regarding this topic. Subukan ko din mag experiment tutal may mga Majestic MTB naman sa amin na 26er din. Balak ko gawan ng video kaya abang nalang kayo dito sa youtube channel ng UnliAhon.
*update
Ito yung clearance sa may chain stay:
27.5 x 1.95 ang tires na ginamit dito. Trinx M136 yung frame.
Heto naman yung clearance sa may fork.
Medyo malaki pa din pala. 26er yung fork na yan, at 2.35 yung lapad ng 27.5 tires na nakakabit dyan.
Ito naman Trinx M186. 26er din yung frame. Maxxis Ardent Race na 27.5×2.2. Ayon kay kapadyak na Paul John, kaya pa hanggang 2.2 pero kung 2.3 daw na Maxxis parang sayad na. Naka 26er din siya na Manitou fork, kasya din dun ang 27.5 na tires.
Sir , gawa ka naman ng review sa bagong Trinc C822 (2018). Kung Okay na okay ba to. Salamat ☝️ werpa.
kakagawa ko lang https://www.unliahon.com/trinx-c822-2018-review/
Kapadyak.tanong ko lang pwede po ba sa 26er frame ang 27.5 rim?
Sir ian pwede po ba kabitan ng 27.5 x 2.35 sa harap at likod ng m136 26er na trinx?mahirap po ba ito i trail kapag ginamit?
Sir parang sa tingin ko pag pinalitan ng pang 27.5 or 29er na tire, sasabit naman ung paa mu dun sa front tire kung halimbawa ililiko ung manibela, kasi pag pidal mu halos pang abot na ung paa mu dun sa gulong sa front, na expirience ko na dati yan naghiram ako ng bike naka tsinelas lang ako ayun sumabit nadale ung kuko ko sa paa angat Aray!!
oo may tendency na magka toe overlap. normal yan sa small frames, sa mtb at cx bike ko may toe overlap ako, even dun din pala sa fixie ko. sanayan na lang talaga, i liko mo lang pag nasa 12 at 6 o clock ang paa mo sa pedal.
Bali sir parehas lang ng sukat ng outside diameter ng buong gulong yung ‘hybrid’ setup nyo na 700x35c wheels at etong naka schwalbe na 27.5×2.35? Binase ko lng po sa natitirang clearance
Kasi may trinx m600 po ako at balak ko mag rigid din, namimili ako kung mag 27.5 or 29 ako para lang sa road biking lang(mga ahon minsan) e.g pa nuvali-revpal. Ano po mas maige sa tingin nyo. Pasensya na at medyo mahaba hehe, dito lng kase ako nakakakuha ng mga ideas para sa mga baguhan tulad ko. Salamat po
mas okay na i-29er mo na. mas madali maghanap ng ibat ibang lapad ng tires sa 29er kasi, dami kasing variant ng 700c tires e. kung more on long rides ka at kalsada lang naman, mas maganda 29er. more on trails kasi ang 27.5 na build, kakasya naman sa m600 mo yung 29er basta mga 700c tires okay pa yun.
Boss Ian may m136 ako balak ko sana mag upgrade ng gulong dahil naliitan ako sa 26er anu mare2commend mo na size 27.5 or 29er kona? ska anong size at lapad ng ang ppwede pa sa frame ko at stock fork. more on roads nmn kasi ako. Maraming salanat sa response.
700c tires na lang ilagay mo kung more on road ka naman, para 29er rims ang ikabit mo. 700x35c or 700x38c pwede pa yan sa frame ng Majestic.
Diba stock ng gulong sa Trinx B700 27.5×1.95.
Pwede po ba yung 27.5×2.25 na gulong sa Trinx B700 at malaki pa yung clearance niya?
oo, pwedeng pwede, malaki pa clearance nyan.
boss pa review nga ng trinx c782 at phantom bibili po ako kasi this month
ok yan, naka hydraulic brakes na
Sir….pa review ng comparison bet. merida big seven 80D 2018 27.5 and trinx B1200 …undecided kasi ako if alin sa 2 ang bibilhin ko…
kung ako sayo, merida na lang if may budget ka naman para doon
mag ka iba pala size ng gulong nya sa harap is 27.5×2.35 tapus sa likod naman is 27.5×1.95? pero my small clearance pa dun? panu kaya kapag 2.35 din lapad sa likod kasya pa kaya yun?
maliit lang kasi clearance sa likod, di tulad ng clearance sa fork.
Kuya may trinx M1287 ako 26er kaya po ba nito ang 29er na gulong at rim
siguro pero wag lang sobrang lapad ng tires
Hanggang ano pong width size ng wheels ang kakasya sa stock rims ng Foxter ft301?
2.35 kaya pa yan paps
Anong size naman po yung pinakamanipis na kaya ihold nito?
kahit 1.5 pwede pa yan
ung sa merida big nine 300 mo sir iyan. hanggang anong width size ng wheels ang kasya?
hanggang 2.35 pa lang nasubukan ko paps.
Sir albert meron po kasi ako foxter 301 27.5 balak ko po magpalit ng 29er na wheels pa suggest naman po ng size ng gulong
1.95 o 2.0 pwede pa siguro.
Kasiya po ba ang 27.5 wheelset sa 26er frame na small ang size? ano po sakto na width ng gulong? more on trails po ako.
depende kasi yan sa frame e kung pano yung pagkaka space na gawa nila, karaniwan mga trinx users pa lang naka testing, pero kung trail use, di na advisable dahil maliit na clearance, problematic na kapag may nasingit na putik o bato.
Hello po mga kapadyak! Nagbabalak kasi akong magpalit ng tires from 26er to 27.5, yung frame ko po is Trinx X7. Magtatanong po ako kung sino na pong nakapagtry nito at kung compatible ba sya sa frame ng bike?
Naku! bakit naman ganito turo ng batang ito?! Gastos at abala ang mapapala ng mga susunod sa tips nito. Obvious sa pics e halos wala na clearance. Buti kung sa kalye lang kayo e kung nag-trail kayo at flowy yun madali maubos gulong kasi sasayad pag lumaro yung shocks
Kung makikita mo mga advise niya sa comment sir Shorty, mapapansin mong sinabi niya rin yan.
Kung for road purpose lang naman, okay din daw yan. pero kung sa trail, hindi. Basa basa muna sir bago manira 🙂
Naku! bakit naman ganito turo ng batang ito?! Gastos at abala ang mapapala ng mga susunod sa tips nito. Obvious sa pics e halos wala na clearance. Buti kung sa kalye lang kayo e kung nag-trail kayo at flowy yun madali maubos gulong kasi sasayad pag lumaro yung shocks
Boss Ian ano po mangyayari kung nagswitch ka po sa 27.5 na wheelset at kung ang frame mo ay pang 29er?
bababa yung bottom bracket height mo, parang bababa sa lupa yung height ng frame, specifically sa may bandang pedalan.
tendency nun, pwede tumama yung pedals sa lupa, sa bato, sa ugat, sa humps, ganyan.
sundin mo lang kung ano ang recommended geometry ng frame. Pwede maakpetuhan ang performance mo at kalaunan masira pa MTB mo. Hindi yan na parang coche na pwede mo palitan ang size ng rim at gulong
ITO! Nakita ko din mas matinong write up about 26 frame na may 27.5 na tire. at pwede pa pala from stock. palit tire, rim, spoke na lang pala. akala ko bibili pa ako ng 27.5 na fork. SALAMAT! .. pero question po, ano magandang rigid fork in case gusto ko pa din palitan current fork ko? TRINX M136 17″ user po. mas madalas ako road. konting off road na puro lupa lang at di ganon ka lalim ang bato. salamat ulit
madami ka mapipili na brands ng rigid fork na alloy, like mosso, cole, la bici, etc.
tingin ko very similar lang naman sila.
Sir Ian nagpaplano po kasi akong bumili ng Maxxis Ikon Skinwall na 27.5×2.20. Kasya po ba to sa trinx m136 26er 2018 model ko?
Sir pa check naman po kung ang FUji Out lang comp na 2008 ay pede sa 27.5 na wheel
Sir Asap reply Ask ko lang Kung ang full sus ko pong FUji outland comp 2008 ay kung pede sa 27.5 nA WHEEL SEt asap reply please thank u
hindi ko lan sure yan
wow ngayon ko lang nakita na nafeature ung bike ko sa website mo unliahon! astig!!! maraming salamat 🙂
Ano po ung fb nyo? Pde ko po ba kayo ma contact may mga questions lg po ako
Bos Ian x1 2018 model 26er frame pede sa tingin mo pede salpakan g maxxi pace 27.5×2.10? Salamat!
di ko masabi e, di ko pa nasubukan yan eksaktong setup na yan
sir ian, pwede ko ba salpakan ng 700x35c ang stock fork ng trinx m136 ko? papasok kaya?
pwede po yan
Sir Ian , ok lang po ba 26er frame(KHS) at fork(SAGMIT) tapos lalagyan ko ng 27.5? Kaysa lang po ba?
kasya yan
boss ian maganda po ba pinewood trident 27.5 er?
di ko pa nakita ng personal
Kuya Ian pwede po ba i-upgrade to 29er yung sakin 27.5 yung tires nya? Trinx C500 po yung exact model ng sakin thanks po in advance
no
Sir kakaupgrade ko lang ng 27.5 wheelset from 26. Wala ba magiging issue pag nag 27.5 ako ng fork? Sa geometry mga ganun? Ty.
kung di ka maselan ay ayos lang yan
Sir ask ko lmg po naka trinx x5 po ako 26er palag kaya don 27.5×1.95 or 2.00 na wheeset ?
1.95 safe bet
Sir, yung trinx m500 2018 po ang size ng wheel niya ay 26 pwede po ba akong mag 27.5?
pwede but not advisable
Good afternoon, sir. I’ve been watching your YT vids and finally visiting your site. I have 2011 Vision 1.5 bike. A 26er. Last time ko siya nagamit ay 2016 pa. Gusto ko sana i-revive and gusto sana palakihan din yung gulong to 27.5. Ok ba na magkabit ako ng horizontal dropouts para magkaroon ng masmalaking clearance sa may chainstay?
Sir, sa phantom intense 26er pwede pa po ba 27.5×2.0 or 27.5×1.95 na wheels?
Sir Ian nagpaplano po kasi akong bumili ng Maxxis Ikon Skinwall 27.5×2.20 na gulong. Kakasya po ba to sa trinx m136 26er 2018 model ko? Baka kasi iba yung lapad kapag skinwall hehehe baguhan lg po
Sir.pwede ba yung 26er frame tapos 27.5 rim? salamat
Sir Ian kasya po ba ung 700c na tires sa 26er na frame?
sir, kakasya ba ang 29er na gulong sa batalya ng Foxter ft-202 ?
Good evening sir! balak ko sana iset up ko mtb ko na 27.5 tapos ang wheelset na 29er, kasya pa po ba ang 29×2.0 na tires sa stock fork ng trinx na 27.5? Thank you po sa reply!
Goodevening po sir.. Tanong ko lang po, yung gulong kc ng mtb q 26×2.1`25 26er budget mtb, medyo maliit yung rim size sa gulong nya..pwede po ba cxa sa ibang gulong ng 26er kgya ng 26.1.95? slmat i hope mareplyan nyo po
pwede po